Chapter 16

11 2 1
                                    

-CHAPTER 16-

Dumiretso ako sa library at umupo sa pinakasulok na part. Inilapag ko ang bag ko sa upuan at tumayo para maghanap ng El Fili na libro. Asan na ba 'yun?

"Haay.. dito lang naman nakalagay 'yun eh."

Nag-scan pa ako ng mga libro. Pero nung medyo nawawalan na ako ng pag-asa eh naisipan ko na mas maiging tanungin ko na lang 'yung librarian.

"Hey Gonzalo, hinahanap mo?"

Napalingon ako kay Mark na nagsalita sa likuran ko at hawak hawak na ang libro. Kinuha ko bigla ang libro tsaka pumunta sa desk ko at sinundan niya naman ako.

"Salamat dito."

"No probs. So.. gagawin mo na 'yung script?"

Tumango lang ako tsaka hinanap sa table of contents ang page kung saan ko makikita ang kabanata 31.

"Bakit hindi mo na lang hinatayin 'yung ipapasang script sa'yo ng iba pang mga leaders?"

"Kilala mo naman sila, in the end ako pa rin ang gagawa ng lahat."

"Oops! Oo nga pala. Almost everyone hates you, well except me."

Tiningnan ko si Mark tsaka inikutan lang siya ng mata at nagsimulang magsulat sa papel na nasa tabi ng libro.

"Haha! Alam ko na hindi mo ako gusto. I mean as a human. C'mon, you don't like everyone."

Hindi ko na lang pinansin si Mark at naging mas abala ako sa pagsusulat. Ngayon ko lang nalaman na ang hilig palang mag-english netong si Mark. Kung sabagay sa mga sona kuno na ginagawa niya sa room eh may english talaga. Kaya paanong naging mag-bestfriend sila ni Matt? Ano 'to? Parang 'yung amin ni Ella? Opposite attracts din?

"Ay nga pala Gonzalo, since ako naman ang gaganap na director at leader din naman ako.. Pwede kitang tulungan sa pagsulat ng script. Sakto naurong 'yung meeting ng mga presidents ng bawat room bukas."

"Ikaw ang bahala."

Humingi siya sa librarian ng isa pang kopya ng libro tsaka umupo sa tabi ko. Inilabas niya rin ang papel at ballpen niya tsaka nagsimulang magsulat.

"Nakwento nga pala sa akin ni Matt na magkatapat lang kayo ng bahay. Totoo ba?"

Hindi na ako masyadong makapag-concentrate sa sinusulat ko kasi tanong siya ng tanong. Pwede bang manahimik na lang muna siya? Kahit one minute lang, one hour? Forever?

"Uy pre. Anong ginagawa mo dito?"

Itinuloy ko lang ang pagsusulat ko at kunwari eh wala akong naririnig.

"Oh pre! Oo eh. Busy kami netong si Gonzalo kagagawa ng script. Ikaw?"

"Eh pinabantay netong si Ella 'yan eh. Alam mo na par, pampa-good shot lang sa nililigawan ko."

"Really? Nililigawan mo pala si Ella? Sabagay."

Bantayan? Kapal neto ah.

"Excuse me, hindi ka baby sitter."

Tumingin sa akin si Matt tsaka nagsalita.

"Hindi naman talaga ako baby sitter, kasi para sa mga baby 'yun. Eh hindi ka naman mukhang baby, manang ka nga eh."

"Ay par hard!"

Sabay nag-apir sila. Una sa lahat, hindi ko inexpect na sasangayunan siya ni Mark. Well, medyo inasahan ko na rin pero matapos ang mapayapang usapan namin kanina? Manang siguro talaga ako. Eh sa ganun eh, kala naman hindi mukhang gurang.

"Matt, Mark manang ako?"

"Yeps."-Mark

"Tinatanong pa ba 'yan?!"-Matt

Pusong TeenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon