-CHAPTER 10-
"Eh kuya-"
"Cge na baby, saglit lang kami ng ate Trish mo. Manuod muna kayo ng movie kung gusto niyo."
"Eh k-ku--"
"Cge baby, love you."
Hinalikan ako sa noo ni kuya tsaka tiningnan kung paano siya umalis kasama si ate Trish.
"Love you too.."
Mahina at medyo dismiyadong sinabi ko. Huminga ako ng malalim.
"Huwag ka nang malungkot Kendi. Andito naman ako eh."
Tiningnan ko si Philip na kasalukuyang chinicheer up ako. Itinaas ko ang kamay ko at tinampal sa mukha niya.
"Kwento mo nanaman Philip eh."
"Hehe. So, anong movie ang panunuorin natin?"
Tanong niya sa akin.. este sa amin. Alam ko naman ang dahilan kung bakit parang tuod ngayon si Matt na magsasalita lang sa hangin bigla. Weird din ang isang 'to eh.
"Kahit ano ikaw ang bahala.."
"Okay so ako pala ang bahala. Eto ang papanuorin natin."
Lumingon ako sa tinurong poster ni Philip. Ano?! as in romance ang genre ng papanuorin namin? Aminado ako na mahilig akong magbasa ng mga libro pero ang gusto ko 'yung love story na tragic ang ending. Ewan, nalalandian ako 'pag hindi eh.
"Ayaw ko niyan Philip."
"Wala na nakabayad na ako."
Napasapo ako sa noo. Peste. Hindi ko maimagine kung anong pakiramdam ng manunuod ng movie na todo sa harutan at kalandian. Ang babata pa nung gaganap. Para sa iba siguro sweet 'yun, like "Aww! Ang kyut talaga nila." The heck! Anong kyut dun? Hindi ba dapat imbis na landian ang inaatupag mag-aral muna? Ayun masasabi kong astig 'yun. Shemay naman.
"Tss. Romance? pwe!"
Natuwa ako sa naging reaksyon ni Matt. May karamay naman pala ako eh. Magsasalita na sana ulit ako kaya lang hinila na ni Philip ang kamay ko papasok. Sumunod na lang din si Matt kasi wala naman siyang choice.
"Hindi ka magsisisi rito Ken ken. Sinasabi ko sa'yo."
Hindi na ako sumagot at pinanliitan ko na lang siya ng mata. Mga ilang minuto lang rin at nagsimula na ang palabas.
"Oy Science."
"Oh?"
"Bakit naman kasi hinayaan mong 'yang mokong na 'yan ang mamili? Korni 'yan eh."
Mahina pero malinaw ang pagkakarinig ko. Bale nasa gitna nila ako. Kung hindi kasi, mag-aaway sila. Nagsisimula pa lang ang palabas pero init na init na akong makaalis sa upuan ko. Nagkamali nga yata akong si Philip ang pinapili.
"Uy ayan na 'yun Ken!"
Medyo nabigla ako sa malakas na pagkakasabi ni Philip. Kaya lumingon ako agad sa screen. Bigla na lang akong napatakip sa mata.
"Shit."
Ginagawa ko ang lahat ng paraan para hindi makita. Naghahalikan 'yung dalawa sa palabas. Kadiri. Kasuka.
"Ugh! Sorry Philip, Matt. Hindi ko na kaya. Sukang-suka na ako. Bye."
Nakayuko akong lumabas sa sinehan at dumiretso sa girls comfort room. Grabehan? Ewan pero parang literal na nasusuka talaga ako sa napanuod ko. Hindi naman siya sobrang daring pero.. pero.. 'yung virgin eyes ko. Bwisit talaga!
"Oh?"
Lumabas na ako ng cr at nakita si Matt na parang may inaantay sa loob.
"Wala lang. Ayaw ko na dun."
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Teen FictionMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...