-CHAPTER 19-
[Matt]
Tinititigan ko si Kendi at hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Nahihiya siguro. Alam niyo na, enemy turing niya saken eh tapos bigla na lang siyang ganyan. Nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Shit! Ang cute niya talaga--
Bigla siyang lumingon sa akin kaya umiwas ako ng tingin at kunware eh nakatingin sa labas. Muntik ka na Matt!
"Hoy? Bakit ka ba tingin nang tingin ah?"
"Ha? Anong tingin ng tingin? Asa!"
Iniwas ko ulit ang tingin ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa tubig na humahampas sa gulong. Bigla namang humangin nang malakas dahilan para manginig nanaman ako. Pero hindi na gaya nung kanina, alam niyo na..
"Sandali nga.."
Inalis niya ang mga palad niya sa tenga ko tsaka niya kiniskis ulit. Ang totoo, hindi naman talaga nakakatulong 'yung takip takip na 'yan sa tenga eh. Kaya lang 'pag siya 'yung gumagawa ay takte! Heben men! Heben!
"Geez."
Biglang sabi niya na halatang giniginaw na rin. Siya nga na hindi gaanong nabasa eh gininaw paano pa kaya ako? Pasalamat siya..
"Giniginaw ka na din?"
"Hinde."
Tingnan mo 'to. Hinahaplos niya na nga ang balikat niya eh. Dapat ba akong magpasalamat sa ulan? Este sa malakas na ulan at hangin? Kasi nagkakaroon ako ng chance para makadamoves nang hindi niya nahahalata. Minsan naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Naiinis ako na manhid siya pero ayaw ko rin naman na malaman niya. Ang gulo din eh!
"Oy Science, huwag kang magagalit ah?"
"Ano? Ha? Ano ba 'yang sinasabi mo?"
Huminga ako nang malalim.
"Basta hindi ka magagalit? Siga ka pa naman."
"Tigilan mo nga ak--"
---
[Kendi]
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Ewan ko pero yumakap din ako pabalik. Siguro dahil na rin sa lamig? Ewan.. hindi ko rin alam.
"Nananantsing ka na ah."
Kapal neto ah. Nananantsing eh siya nga 'tong unang yumakap. Hindi na ako sumagot hihiwalay na sana ako sa kanya kaya lang hinugot niya ako pabalik at mas madiin pa ang yakap niya.
"Wait. Ang lamig eh."
Oo ang lamig nga pero ang init init ng pakiramdam ko. May lagnat na ba ako? May malubhang sakit ba ako? Piste!
Nang mapansin ko na nasa tapat na kami ng denver eh plano ko nanamang humiwalay kaya lang hindi ako makaalis.
"Oy? Nasarapan ka diyan ah? Abusado."
Siya na ang mismong nagpakawala sa akin kaya inayos ko ang blouse ko at kinuha ko ang jacket tsaka nagready na para bumaba. Medyo hindi na ganun kalakas ang ulan. Ayus din timing netong ulan na 'to eh! Pahamak ka din eh! Ehdi sana hindi natapakan ang dignidad ko! Hayup.
"Manong bayad."
Naglakad na ako papasok sa gate namin nang biglang magsalita si Matt.
"Psst.."
Tiningnan ko lang siya at medyo nababasa nanaman kami ng ulan. Ano bang sasabihin neto?
"Oh?"
"Ano, 'yung ano.. 'yung jacket ko ah? Labahan mo na lang."
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Teen FictionMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...