Chapter 09

31 2 1
                                    

-CHAPTER 09-

"Oh?!"

Hay sa wakas nagising din. Tapos ang unang bungad sa akin 'oh?' sweet talaga neto eh.

"Grabe gerl! Ang sweet mo talaga. Oh agad? Hindi ba pwedeng Hi Ella maganda! I miss you so much!."

"Tigilan mo nga ako. Inaantok pa ako. Balik ka na lang mamaya."

Ay grabe! Kung hindi lang talaga ako masaya ngayon dahil sa sinabi sa akin ni kuya A.. baka nasampal ko na siya. Choss lang! Haha.

"Hindi mo man lang ba ako namiss? Lagpas isang linggo akong nawala. Hindi mo nakikita ang maganda kong mukha araw araw. Tapos ayan ang bungad mo? Aba napakasweet."

Bumangon si Kendi at tsaka humarap sa akin. Sinenyas niya ang kamay niya na parang pinapalapit ako. Napangiti ako tsaka yumakap sa kanya.

"Hay nako! Sabi na nga ba, namiss mo rin ako eh."

"Aray Ella! Tae. Huwag mo naman akong sakalin!"

Humiwalay ako sa kanya tsaka tinitingnan siya na nakahawak sa leeg niya.

"Hehe sorry. So, anu na?"

"Eto.. ayus lang."

"Aba siyempre dapat lang maging okay ka 'no matapos kong malaman na may gusto sa'yo si Matt--"

Bigla akong napahinto sa sinabi ko. O M! Patay ka Ella! Kadaldalan mo kasi eh.

"Pwede ba Ella. Tama na nga 'yang kaanuhan mo. Kararating mo pa lang ganyan ka na agad."

Nakahinga ako ng maluwag. As in 'yung parang nabunutan ako ng tinik sa leeg. Tumayo siya at dumiretso sa banyo.

"Oy gerl may hindi ka sinasabi sa akin!"

Ano kaya kung lokohin ko siya na nagsabay sila ni Matt nung wala ako? Ahaha. Wala lang aasarin ko lang.

Lumabas siya sa banyo tsaka lumapit sa akin.

"Anong hindi sinasabi? Sira ka talaga."

"Aray gerl aray! Nako! Huwag ka nang magmaang-maangan. May nakapagsabi sa akin na lagi daw kayong sabay ni Matt nung wala ako."

"Tigilan mo nga ako. Anong laging sabay? Mali 'yang source mo. Isang beses lang kaming nagsabay 'no."

Naitakip ko ang dalawang palad ko sa bibig ko sa gulat. Biro lang dapat 'yun eh. Pero totoo? Aaah!

"Aah! So totoo nga? Yes naman! I'm so happy for you!"

Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at napapatawa na lang sa mga nalaman ko. Wow! Ilang araw lang akong nawala ah?

"Grabe ka gerl! Ilang araw lang akong nawala lumandi ka na agad. Nakakaproud."

"Manahimik ka nga diyan."

Ayan na galit nanaman siya. Hindi muna ako nagsalita tsaka humiga sa kama niya at tumitig sa kisame. Naramdaman ko naman na nakihiga rin siya sa kabilang side at tumingin din sa itaas.

"Gerl, ang saya ng Pasko namin sa bahay. Kayo?"

"Masaya naman. May dagdag lang kaming bwisita."

"Bwisita? Like bwiset na bisita?"

"Oo."

"Sino?"

"Matt."

Nanlaki nanaman ang mata ko. Shems! Shet! Shems! Naka-build up ako agad ng maharot na Kendi! I'm so proud opmayselp.

Pusong TeenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon