-CHAPTER 15-
[Kendi]
Nagising ako dahil sa may kung anong mabigat sa ibabaw ng ulo ko. Pagkadilat ng mga mata ko bigla akong napaupo ng maayos.
"Ouch.."
Anong nangyari? Bakit nakapatong ang ulo niya sa ulo ko? Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Para akong kinakabahan.
"Bakit ka naman biglang gumalaw? Natutulog pa ako eh."
Tingnan mo 'to! Ang kapal ng mukha.
"Huwag kang maarte, ako ang agrabyado dito."
"Agrabyado? Inano ba kita?"
"Ang bigat bigat ng ulo mo. Nakakangawit. Peste!"
"Aba! Eh bakit sino ba ang unang sumandal sa balikat ko?"
Bigla akong napahinto. Nakapatong ba ang ulo ko sa balikat niya? Eh hindi ko naman alam 'yun, tulog ako eh. Ugh!
"Argh! Nakakapikon."
Tumayo na ako at padabog na naglakad pabalik ng room. Grabe! Isang buong period kaming magkasama? Nightmare.
"Oy! Saan ka pupunta? Oy Science!"
Hindi ko siya nililingon at tuloy tuloy lang akong naglakad pabalik ng room. Pagkatapak ko sa tapat ng room.
"Si Simoun sa El Filibusterismo--"
Naglelecture na si ma'am Nacional. Pumunta ako sa tapat ng pinto.
"Ma'am.."
"Oh? Kendi, bakit ngayon ka lang? Ang akala ko absent ka na hija. Bakit?"
"Kasi po.."
"Goodmorning ma'am, sorry we're late."
Dahan-dahan akong lumingon sa nagsalita sa likod ko. Si Matt.
"Ah.. oh siye sige, kakasimula pa lang naman namin. Pumasok na kayo, naaantala ang lesson."
Nakayuko akong pumasok sa room at dali-daling umupo sa upuan ko. Ganun din naman ang ginawa ni Matt. Pagkaupo ko eh sinisiko ako ni Ella. Ipinagpatuloy naman ni ma'am ang pagtuturo niya.
"Aray Ella anuba."
Mahina at inis na sabi ko. Ano nanaman bang espiritu ang pumasok sa loob netong katabi ko? Naniniko na lang bigla tapos ngingiti ng nakakaloko.
"Uy.. bakit kayo magkasama ng jowa mo?"
Jowa?! The eff!
"Kadiri ka.."
Bakit ba ang hilig niyang ipilit 'yang kami ni Matt? Eh nililigawan nga siya eh. Ibinalik ko ang tingin kay ma'am na nagtuturo at kasalukuyang nakatalikod siya ngayon at nagsusulat ng activity sa board. Nagsalita ako habang nakatingin sa board at hawak hawak ang ballpen ko.
"Dahil sa inyo 'to ni Philip eh. Alam ko naman na may kalandian kang taglay Ella, pero huwag ka naman sanang makikipaghalikan sa public place, paaralan 'to hindi bar. Nakakasuka."
Hinawakan ko ang notebook na nakapatong sa arm chair ko at nagsimulang isulat ang nasa board.
"Ha? Pinagsasabe mo diyan? Anong naghahalikan? Excuse me! Hard to get ako te!"
Umiling iling ako. Tsk tsk. Tingnan mo 'to nagdedeny pa. Eh huling huli na eh.
"Huwag ako Ella."
"Pinagsasabe neto eh."
Hindi na ako nakipagsagutan pa at ibinaling na lang ang atensyon ko sa pagsusulat.
"Ken ken, bakit kayo magkasama ni pinsan?"
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Roman pour AdolescentsMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...