-CHAPTER 17-
[Ella]
Ay nako! Kahapon andun ako kila Kendi, kakamustahin ko lang naman kung anong nangyari sa kanila ni fafa Matt eh tinalakan ako! Eto..
"Hi tibum! Anyare pala sa inyo ni fafa Matt? Ano? Kinilig k--"
Nasa kwarto niya ako habang siya eh nakatalikod. Nagtatype ata ng script sa laptop niya eh. Alam niyo na, kinacareer.
"Oy gerl! Ano nga? May nangyari ba? Grabe perfect match talaga ka-"
"Ay hayup. Pakshet naman Ella eh! Bakit ba pinipilit mo sakin 'yung taong 'yun? Panira siya ng buhay ko! Ikaw din, puro ka na lang Philip, Matt. Ang lalandi niyo, pati ako dinadamay niyo. Shet!"
"Ay galet te?"
Tumalikod ulit siya at hindi na sumagot. Ano bang nangyari? Of course I know na mataray talaga etong si Kendi, masakit magsalita minsan pero sa ganitong galit niya alam kong may nangyari. Kahit mababaw na dahilan, alam niyo na magalitin.
Hindi na ako kumibo at naglakad papunta sa pintuan niya tsaka lumabas.
"Cge gerl, text mo na lang ako mamaya ha? Sorry na. Labyu."
"Tss."
Isinara ko na ang pinto. Habang pababa ako sa hagdan eh ginagaya ko ang boses niya at nagmemake face ako.
"Pakshet ka Ella abablablah. Jusme!"
"Oh Ella maganda?"
Napahinto ako sa ginagawa ko dahil nasa sala na pala ako at nakatingin lang sa akin si tito Erwan. Lumapit ako sa kanya tsaka nakiupo sa sofa.
"Hi tito E!"
"Hello Ella maganda. Oh, sino nga palang kausap mo kanina? Parang naiinis ka ah?"
"Ay nako tito E! Ayan kasing baby mo eh. Nako tito, sobrang maldita! Imagine tito sinigawan ako. Ay tito! Kanina ba nagmana 'yun eh ang hinahon niyo naman ni kuya A. Ay jusme tito!"
May tono talaga ang bawat pagkakasabi ko. Siyempre naman hindi ako galit kay Kendi, duh kaya nga ako naging kaibigan niyan eh. Alam niyo na.. ako lang 'yung tumagal. Hihi. Bait ko kasi eh.
"Ay pagpasensyahan mo na lang ganda ah? Eh alam mo naman, astigin. Pero napansin ko nga parang lagi siyang inis this week. May nangyari ba?"
"Ay opo tito, kasi nga lagi nanaman silang nag-aaway nung si Matt. Hindi ko nga rin magets kung immature ba sila o mature. Gulo tito! Baka inis lang si Kendi sa kanya o kaya naman crush niya si Matt. Sa tingin mo tito?"
"Ay nako sa tingin ko inis lang 'yun. Tsaka hindi magkaka-crush 'yun si baby. Sure ako."
Napatango na lang ako. Si tito talaga, para namang mabubuntis etong si Kendi 'pag nagka-crush. Haist.
Matapos eh dumiretso na ako kila Matt at kinausap siya. Alam niyo na para malaman ko ang nangyari. At doon ko nga napagtanto na nagkasagutan nanaman sila. Mukhang mahihirapan akong buuhin ang KeNatt labteam ah. Haay.
---
"Uy huwag mo na masyadong galingan mamaya Philip ah? Ibigay mo na 'to kay Matt."
Andito kami ngayon sa court. Alam niyo na, audition. Parang ewan nga eh, akala talaga pang-blockbuster eh. Pero atleast nagkakaroon lahat ng chance. Ako nga gusto ring kunin ang role ni Paulita! I'm sure makukuha ako, ganda ko eh.
"Ha? Bakit naman 'di ko gagalingan?"
"Ayus lang 'yan! Ikaw pa rin naman ang magaling para sa akin eh. Tsaka ibalato mo na 'to sa kanya at gumanap ka na lang bilang Isagani, para partner tayo."
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Teen FictionMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...