-CHAPTER 13-
Napakagat ako sa labi ko. Dahan-dahan akong lumingon tsaka kumaway.
"H-hi.."
"Shet! Kuya!"
"Relax baby."
Unti unti akong umupo at inalis ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Tiningnan ko si Kendi at para siyang nakakita ng multo. Si kuya Aaron naman, halatang pinipigil lang ang tawa niya. Ano nanaman ba 'tong napasok ko?
"C-cge kuya Aaron, uwi na ako."
Tumayo na ako at aalis na nang bigla niyang iharang ang braso niya sa dibdib ko.
"Nako Matt. Nakahanda na ang pagkain sa baba. Dito ka na kumain."
"Ah h-hindi n-"
"Matt."
Wala akong ibang nagawa at pumayag na lang. Dali-dali akong bumaba, hindi ako makatingin masyado kay Science eh. Ewan, naiilang siguro ako.
"Oh Matt. Bakit andito ka? Alam ba 'yan ng papa mo?"
"H-hello po sir.. ah o-opo."
"Ah.. ganun ba. Sige sige."
Umupo na ako at tiningnan sila Kendi na bumababa sa hagdan. Halata na pinaguusapan nila ako. Lumilingon sila sa akin habang naguusap eh. Pwew! Muntik na ko dun.
"Matt kain lang nang kain ah? Huwag ka mahiya."
Alok sa akin ni kuya Aaron.
"Tss."
Nilingon ko si Kendi na halatang naiinis sa akin. Huwag siyang mag-alala, uuwi naman na ako pagkatapos nito eh.
"Tito Erwan! Ella maganda here!!"
"Oh ayan na 'yung liligawan mo."
Patay.
---
[Kendi]
Pumasok si Ella na gulat na gulat sa nakita niya. Nasa harap na siya ng mesa ngayon kaya tumayo na ako at tinakpan ang bibig niya.
"Ella.. huwag kang tumili please lang."
Mahina pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. Tumango siya at tinanggal ang kamay ko tsaka huminga ng malalim.
"Pero gerl. What's the meaning of this?"
"Wala ok. Umayos ka. Umupo ka doon sa tabi ni Matt. Ahehe- 'Di ka naman nagpasabe na pupunta ka dito. Sige na upo ka na dun."
Medyo nilakasan ko ang boses ko sa parteng dulo para naman kunware ayun talaga 'yung pinag-uusapan namin.
"So.. Bakit andito ka fafa Matt?"
"Fafa Matt?"
Tiningnan ko si Ella at pinandilatan siya ng mata. Pwede ba? Sa akin niya tinutukso etong si Matt eh ang totoo siya naman pala talaga ang gusto.
"Onga pala Matt. Hindi ba may sasabihin ka kay Ella?"
Pangaalaska ni kuya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Tapos nakikitawa rin ako kahit mahina lang. 'Yung kunware okay lang ako, na masaya ako for them.. pero deep inside nasasaktan na pal-- Wait Kendi! Ano ba 'yang sinasabi mo? Nasasaktan? Eh hindi ka naman nila sinampal or what.
"Ha? May sasabihin ka raw sa akin fafa Matt? Ano 'yun?"
Tiningnan ko si Matt na parang hindi mapakali sa kinauupuan niya. Ganyan ba talaga 'pag inlove? Ang cocorny niyo.
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Teen FictionMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...