Chapter 04

60 4 0
                                    

-CHAPTER 04-

Oy Kendi! Hindi kita nakita kaninang uwian ah? Siguro si fafa Matt ang kasabay mo ano?

Kakahiga ko pa lang sa kama ayan na agad ang text message na natanggap ko. Si Ella talaga! Hanggang text eh wala pa ring patawad.

Ewan ko sa'yo Ella. Matulog ka na lang.

Send.

Ang totoo kasi niyan. Hindi ko naman sinasadyang hindi sumabay kay Ella kanina eh. Dapat talaga sabay kami, kaya lang nung naglalakad na kami palabas ng gate eh bigla kong nakita si Matt kasama ang barkada niya. Ewan ko pero bigla na lang akong nagpaalam kay Ella na magc-cr pero sa ibang daan na ako dumaan. Dahil siguro sa kahihiyan kaya hindi ko magawang magpakita.

Ella maganda calling..

Si Ella ang naglagay niyang pangalan niya sa contacts ko. Assumera rin kasi eh. Bakit kaya tumatawag 'to.

"Oh?"

[Oh agad gerl? Hindi ba pwedeng hello muna?]

"Nako Ella! Lagi na kitang nakakasama ah. Tapos gusto mo na mag-hello ako sa phone? Baliw ka talaga."

Umayos ako ng higa tsaka kinuha ang math book ko na nasa tabing mesa lang ng kama ko.

[KJ. By the way, bakit nga hindi ka sumabay kanina? Bigla ka na lang nawala. Hindi ka man lang nag-text.]

Matagal ako bago sumagot. Nag-isip kasi ako ng mabuti kung ano ang p-pwede kong idahilan. Eh kung sabihin ko na lang kaya sa kanya ang totoo? Eh kaso eto pa namang si Ella masyadong malisyoso, eh 'pag nalaman niya naman na nagsinungaling ako baka magalit. Hay bahala na nga!

"Wala lang. Ah.. nakita ko kasi sila Matt at tropa niya sa labas. Nahihiya ako lalo pa sa nangyari kanina."

[Aaaaaay Gerl!!!]

Sigaw niya mula sa kabilang linya. Inilayo ko ang phone sa tenga ko. Huminga ako ng malalim. Ewan ko ba kung pagsisisihan ko na naging tapat lang ako sa kaibigan ko o mas mabuti ata na nagsinungaling ako.

"Para kang inipit na palaka."

[Che! Pero gerl sabi mo nahihiya ka? Ibig sabihin nun may pagtingin ka na kay Matt. Congrats! I'm so happy for you. Libr--]

End.

Bwiset na Ella, mababaan nga ng phone. Crush agad? agad agad? Hindi ba pwedeng hiyang hiya lang talaga ako kasi sa nangyari kanina? Ano na bang nangyayari sa mga tao ngayon?

Ella maganda calling..

Bahala ka diyan.

Iniwan ko ang phone ko sa kama tsaka dumiretso sa banyo para labahan 'yung palda ko na may stains kanina at 'yung jacket na pinahiram sa akin ni Matt. Isasauli ko na rin ito bukas, mamaya eh magkautang na loob pa ako sa kanya.

That's what you get~

"When you let your heart win! wowowowo!"

Finull ko ang volume ng speaker ko dito sa kwarto. Ako kasi 'yung tipo ng tao na hindi sanay gumawa ng gawaing bahay 'pag walang music na kasama. Idagdag niyo pa na Paramore ang pinapakinggan ko.ehdi alive alive!

"Ang dami pala talaga."

Nadismaya ako ng tingnan ko ang palda ko. Hu! Madami rin pala, ano na lang kayang gagawin ko kung wala si Matt kahapon, este 'yung jacket ni Matt.

"That's what you get when you let your heart win hoooowoo!"

Kanta ko habang kinukuha ang jacket ni Matt sa basket. Tinitigan kong maigi 'yung jacket. Wala, plain black lang naman eh. Hindi naman siguro halata 'yung stain dito. Tiningnan kong maigi 'yung hood. Ewan ko ba pero bigla ko na lang naisip na ilapit sa ilong ko at amuyin.

Pusong TeenagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon