-CHAPTER 05-
"Talaga gerl? So you mean 'yung nililigawan ng kuya mo eh nagbabakasyon sa tapat na bahay niyo lang?"
"Tigilan mo na ako Ella ha! Nakakainis na. Sinabi na ngang oo paulit-ulit ka."
"Sungit naman neto."
"Hahaha! Ganyan talaga 'yang si Gonzalo! May toyo kasi eh!"
Biglang sinigaw ng kaklase kong lalaki sa likod. Tiningnan ko si Matt na hindi na mapigilan ang pagtawa. Ibig sabihin sinabi niya talaga? Hindi ako makapaniwala.
"Oo may toyo ako, ano trip mo magsawsaw ng tilapia? Manahimik ka diyan baboy!"
Napatayo ako pero matapos kong sabihin ang litanya ko eh agad din naman akong umupo. Sila papsy nagturo sa akin kung paano ko daw malulusutan ang mga ganito. Ang sabi nila sa akin ni kuya A 'pag inasar ka, sakyan mo lang tapos magsabi ka rin ng mga salitang mas ikakaasar nila. Eh sakto mataba pa naman 'to.
"Sinong baboy ha?"
"Huwag ka nang magtanong ng obvious."
Sinagot ko siya pasigaw ng nakatalikod ako at nakaupo. Aaminin ko na hindi ako anghel. Hindi ako singbuti ng iba diyan pero alam ko naman na 'pag may ginagawa akong hindi tama, may dahilan. Hindi ako mabait sa mga taong walang bait sa sarili.
"Sabihin mo kasi tinagusan ka lang kahapon! Wuuuu~"
Nakayuko ako at mariing nakasara ang mga palad ko habang nakapatong sa lamesa. Nagagalit ako sa kanya, bakit kailangan niya pang i-kwento ang nangyari? Alam niya ba ang meaning ng salitang privacy?
"Tumigil ka baboy! Lechonin kita."
Nakayuko pa rin ako habang nagsasalita. Ako 'yung tipo ng estudyante na binubully pero pumapalag.
"Si Kendi ay may toyo~"
Sigaw ng mga kaklase ko. Habang tumatagal palakas nang palakas. Habang tumatagal mas lalo akong naiinis. Habang tumatagal mas nararamdaman ko ang kahihiyan at galit. Idinabog ko ang palad ko sa arm chair ng upuan ko. Akmang tatayo na sana ako nang biglang hinawakan ni Ella ang kamay ko.
"Gerl hayaan mo na lang. Isipin mo na lang ang mararamdaman ni papsy 'pag nalaman niyang kailangan niya nanaman pumunta sa school nang dahil sa'yo. Maawa ka naman sa kanya."
"Arhg!"
Umayos ako ng upo sa sinabi ni Ella. Tama siya. Ayaw ko na baka madisappoint nanaman sa akin si papsy kasi may gulo nanaman akong pinasok. Wala rin naman akong mapapala kung papatulan ko sila, sadya siguro talagang napakawalang saysay ng mga buhay nila na pati buhay ko pinapakielaman pa.
Tuloy pa rin sila sa pang-aasar sa akin. Samantalang ang ibang mga kaklase kong babae tumitingin sa akin na parang nandidiri. Mabuti na lang at dumating na si ma'am Bobiles. Nagsitahimik sila na akala mo may dumaang anghel. Kaplastikan din eh!
"Okay so class, since our topic for today is about collision, kailangan niyo ng ka-partner to perform our activities. I have here a box with small papers inside. May mga nakasulat na numbers doon sa papers at kung sino ang kapareha niyong number ayun ang magiging kapartner niyo. Para fair. Okay so please fall in line at maayos na bumunot."
Dahil nasa unahan kami ni Ella ay kami na ang unang pumila. Jusme! Sana naman si Ella ang mabunot ko. Naiilang kasi ako 'pag iba eh.
Pagkaupo namin ni Ella nagtanungan agad kami ng number.
"Oy gerl anong number mo?"
Inalis ko sa pagkakatupi ang maliit na papel tsaka binuksan. Number 13 ang nakuha ko.
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Teen FictionMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...