-CHAPTER 11-
"Ken ken ken!!"
Sigaw ni Philip na tumatakbo palapit sa amin ni Ella. Dumaan na ang higit sa isang linggo. Ngayon na ang balik namin sa school. Ang bilis ng panahon. Tapos ilang buwan na lang gagraduate na kami. Tapos mag-kacollege na.
"Oh Philip! Hi!"
Bati ni Ella.
"Hey Philip."
Bati ko. Naka-uniform na rin siya at nakabag na. Medyo mahirap rin 'yung pinagdaanan ni Philip para makapasok sa school namin. Matataas ang grades ni Philip kaya siguro pinayagan na rin siya.
"So paano tayo na? Kayo nang bahala sa akin sa school ah?"
"Nako Philip. Walang problema sa amin ni Kendi 'yun. Tsaka maganda na rin 'yun na may nadagdag sa friendship namin. Cute ka naman eh."
"Ella."
"Okay gerl sorry, sorry ha? Eh totoo namang cute etong si Philip."
"Nako Ella, salamat! Ang ganda mo rin eh."
Napairap na lang ako sa pagbobolahan ng dalawa. Sasabihin ko na sanang maglakad na kami para hindi kami ma-late. Hindi naman ako makasingit sa dalawa kaya umuna na lang ako ng lakad.
"Oh gerl saan ka pupunta?"
"Eh antagal niyo eh."
"Hehe sorry Ken ken. Oh tara na?"
Tumango ako at naglakad na nga kami papuntang school. Habang naglalakad hindi maawat ang kadaldalan ni Ella, si Philip naman walang nagawa at nakisakay na lang rin. Ako? Eto naglalakad lang. Dinadama ang polusyon ng hangin.
"Oh Philip, andito na tayo. Ganda 'no? Eto kasi ang school kung saan matatagpuan ang mga pinakamagagandang babae sa Earth. Like me, except Kendi. Haha!"
"Uy eto pala 'yung school niyo?! Tsaka maganda rin naman si Ken ken, kayong dalawa."
"Philip tigilan mo nga ako. Tsaka 'di ba ilang ulit ka nang nagpabalik balik rito? Sinong niloko mo?"
"Oo nga 'no. Ikaw naman hindi ka mabiro."
Dumiretso na kami sa room namin. Dahip 4th year na rin si Philip at ang section ng 4th year students dito ay dalawa lang. Isang pang-umaga at pang-gabi. Dahil nasa umaga daw kami eh doon din daw siya pumasok.
"Saan kaya ako pwedeng umupo?"
Tanong niya sa amin nang makaupo na kami ni Ella sa mga upuan namin.
"Well kasi kami ni Kendi, kami lang ang namili ng upuan namin eh. Hindi naman alphabetical kasi you know si Kendi, Gonzalo ang apelyido. Tapos ako naman Rodriguez. Oh 'di ba ang layo? Kaya dito ka na lang umupo. Diyan ka na sa gilid ni Kendi tutal wala namang umuupo diyan eh."
"Grabe Ella. Inexplain mo pa talaga sa kanya? Pwede mo namang sabihin na dito na lang siya umupo. Oh ehdi tapos ang usapan."
"Okay okay fine fine."
Natigil ang usapan namin nang biglang dumating si ma'am April. Siyempre dahil bago lang si Philip sa amin eh may mga pagpapakilala pang naganap. 'Di ko nga maunawaan kung bakit may mga ilang kaklase kong babae ang parang naipit na palaka nung nagsalita siya sa harap. Tss, mga kalan.
"Okay thank you Philip Mijares. Oh wait, Mijares? So you're related to Matt?"
"Yes ma'am."
"Really? Pero nakita ko ang mga grades mo. Sobrang laki ng pagkakaiba sa grades niya."
BINABASA MO ANG
Pusong Teenager
Fiksi RemajaMga pusong unang umibig. Unang umasa. Unang nawasak. Unang umiyak. Unang nasaktan. Unang iniwan. Mga teenagers na inaakalang alam na kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal'. Mga minsan nang umasa sa wala. 'Yung mga taong nagselos pero w...