Chapter 8: Singsing

429 18 5
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang usapan namin ng Heneral. Lahat ng paraan ay ginawa ko upang iwasan ito at sa bawat punta nito ay syang pagkulong ko sa loob ng kwarto. Sa ganoong paraan ko lang maiiwasan ang pagkahulog sa taong iyon dahil nararamdaman ko parin ang matinding kagustuhan ni Aurora sa taong minsan na syang sinaktan.

I'm sorry Aurora, but you've had enough! At nakikita kong ako lang ang magiging paraan para maiwasan ang masalimuot na pangyayaring ayaw mo na ulit maranasan. Kausap ko sa sarili na parang sa ganoong paraan ko lang sya makakausap.

"Sadyang napakaganda mo talaga, señorita!" Magiliw na sabi ni Adelfa habang mariin lang akong nakatingin sa harap ng salamin at tahimik na nag-iisip. Nang mapansin kong pabalik-balik ang tingin nya sa mukha ko ay kaagad ko siyang nginisian.

"Ang O.A naman nun!" Natatawa kong sabi.

"Ano po ang O-Oey?" Kandabulol nitong tanong. Bakas ang pagkunot ng noo habang mataman na nakatingin sa akin. Hininto pa nya sandali ang ginagawa sa buhok ko para lang maghintay ng sagot.

"Wala. Ibig kong sabihin, hindi kapani-paniwala." Natatawa kong sabi sa kanya. Her ignorance always left me flabbergasted.

"Ngunit totoo ang aking isinasambit, señorita! Bulag na lalaki lamang ang hindi makakapansin sa iyong ganda!" Eksaheradang litanya nito habang masinop na binubuhol ang buhok ko na parang siopao kasabay ng marahang pagtusok ng antigong payneta sa ibabaw. Dahil ayoko ng ganitong istilo ay inilipat ko ang payneta sa gilid ng buhok ko tutal ay mayroon din itong maliliit na palawit.

Busangot na tinanguan lang ako ni Adelfa dahil sa pagkadisgusto nito sa aking hitsura na agad ko namang tinawanan sa huli.

Tanghali nang lumabas kami papunta sa bayan para bumili ng mga gamit kasama ang señora Constancia. Bigla kong naalala, gustong gusto ni Aurora ang magpunta sa bayan dahil marami syang nabibiling gamit na pampaganda. Nagkaroon ako ng kaunting excitement dahil nacu-curious din ako sa mga bagay na meron doon.

Tanaw kaagad ang nagkukumpulang mga tao maging ang mga nagkalat na malalaking bilao na nakabalandra lang sa mahahabang lamesa habang abala ang mga tao sa kanya-kanya nilang pamimili. Mayroong mga batang naghahabulan sa paligid, mga lalaking nagbubuhat ng mabibigat na furnitures, at may mga dalagang tuwang tuwa na namimili ng mga alahas. Doon ako napatungo matapos kong magpaalam sa señora.

Iba't ibang klase ng magagarang alahas ang nakalahad sa isang maliit na lamesita. Sa disenyo palang ay makikita mo na agad kung gaano ito kaluma pero hindi sa panahon ngayon dahil para sa mga kababaihan na narito ay iniisip nilang ito ang trending.

Napangiti ako sa nakikita. Pilit na isinisiksik sa sariling wala ako sa modernong panahon.

My attention flew to a particular jewelry, a plain jade ring. Mag-isa lang itong nakahilera kasama ang iba pang magagarang alahas pero ito ang para sa akin ay kakaiba.

Maybe because of its simplicity that caught my attention.

Magkano kaya per gramo nito sa kasalukuyan?

Akma ko itong kukunin nang may biglang tumabi sa akin at mabilis na kinuha ang singsing.

"Lo quiero. Voy a comprarlo." (I want it, I will buy it). Sabi ng pambabaeng boses.

Ang magaling na tindera ay dali daling kumuha ng lalagyang tela at ipinaloob ang maliit na singsing sabay abot sa katabi ko.

Medyo sumakit ang mata ko nang makita yon.

Mabilis kong nilingon ang katabing babae para sana pakiusapan ngunit napipilan ako kapagdaka. Mangha lang itong nakatingin sa akin na para bang isa akong aparisyon.

Heneral, Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon