Chapter 2: Sumpa

626 28 2
                                    

Shit.

This place is indeed really strange.

Kung kanina lang ay nasa loob ako ng museum, ngayon ay nasa isang open field ako at ang mas nakapagtataka ay maraming tao ang naka filipiniana attire. Buwan ng wika ba ngayon?

Ay oo nga! August 23 nga pala ngayon.

Pero papaanong napunta ako dito kung nakaluhod ako kanina? Ano yun!? Yung paa ko may paa din? Ang sagwa.

"Aurora! Aurora!" ang sabi ng nagkukumahog na babae papunta sa direksyon ko.

Si Valerie!

"Valerie! Bakit naka-filipiniana ka? Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sakanya dahil kanina lang ay nakasuot kami ng jacket at jeans tapos biglang nakasuot na siya ng filipiniana real quick! At mas lalong nakapagtataka ay pati rin ako ay nakasuot ng kulay gatas na filipiniana!

"Maaari bang itanong kung sino si Valerie?" kunot noong tanong din niya pabalik.

"Nagpapatawa ka ba? Of course, it's you!" nawe-weirdohang sagot ko.

"Aurora!" bulalas niya na parang gulat at mabilis na tinakpan ang bibig ko. "Ano ang iyong winika? Kailan ka pa natutong mag-ingles? alam mo bang mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng ganyang lengguwahe?" Nahihintakutang sabi niya habang ako naman ay pilit na tinatanggal ang kamay niya mula sa bibig ko.

"Malamang since birth? at teka nga.. buwan ng wika ba ngayon?" tanong ko.

"Ipagpaumanhin mo ngunit ano ang buwan ng wika? Ngayon ay Pista ng San Carlos! Aurora nakalimutan mo na ba?" Parang naguguluhan pang tanong ulit niya na sa totoo lang ay ako ang sobrang naguguluhan.

Hindi kaya, nasa sinaunang panahon ako at nag-time travel lang?

Imposible.

Wala pa naman akong naririnig na may nagtime travel sa totoong buhay eh!

"Valerie, anong date ba ngayon?" Tanong ko sakanya na nanunubok kung maiintindihan niya ko.

"d-deyt?" sa sobrang pagtataka ay saka ko na-gets na nasa ibang sibilisasyon nga talaga ako base sa lukot ng kanyang mukha.

"Ang ibig kong sabihin ay anong petsa na ngayon?" paliwanag ko.

"Ngayon ang Pista ng San Carlos Aurora! Ika-23 ng Agosto-"

"So, hindi pala ako nag-time trave-"






"...1891" dugtong niya.

"...1891"

"...1891"

"...1891"

Naging malikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang yon na naging dahilan para pagmasdan ko ang buong kapiligiran.

Kalesa.

Malawak na bukirin na halos walang bahid ng modernong kabahayan.

Mga lalaking naka barong at ang mga kababaihan ay naka-saya.

Mga tinderang naglalako ng mga kakanin gamit ang bilao.

At mga batang naglalaro ng piko.

Oh fucking bad! It's indeed August 23, 1891!

Sa pagkakatanda ko noon, ito ang panahon kung saan naipublish na ni Gat Jose Rizal ang akda nyang Noli Me Tangere.

Coming from me talaga who hates history?

Nag-iisip ako ng pwedeng gawin para makabalik sa kasalukuyan pero paano?

Ito lang ang options na naisip ko:

Heneral, Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon