"Kuya Julio!" Mabilis ang aking paghakbang patungo sa kinaroroonan ni kuya Julio. Hindi alintana ang presensya ng heneral.
Parang isang batang sabik kung makalapit at bigyan ng isang mahigpit na yakap ang aking kapatid.
"Napaaga ang iyong pagdating! Kamusta ang Maynila?" Parang batang tanong ko dito. Humiwalay ako ng yakap dito pagkatapos.
"Mainam ngunit wala paring pagbabago." Sandaling naging seryoso ang mukha nito. Nang mapansin nito ang interesado kong tingin ay bigla nitong hinawakan ang aking ulo na normal na nitong ginagawa. "Kamusta ka na dito sa San Carlos? Hindi na ba nangungunsumisyon sayo ang ama at ina? hahaha!" Malakas ang halakhak nitong sabi na nagpasimangot sa akin.
Kung gaano kabilis ang pagdako ng aking tingin sa di kalayuan ay syang bilis din ng pag-init ng aking pagmumukha dahil sa kakaibang tingin noon pabalik sa akin. "Ang kuya naman! N-nakakahiya sa mga tao." pabalik na tingin ko sa kung sino.
"Sinusulit ko lamang ang pangungulit sa'yo. Hindi natin nalalaman baka bukas ay may asawa ka na." Makahulugan nitong sabi na alam kong imposibleng hindi marinig ng mga nasa paligid.
"Kuya!" Nabibigla kong tawag sa kanya. Gusto kong maghuramentado ngunit para saan?
Marahan akong napayuko.
T*ngina. I know I'm mature enough but I can't help to entertain this agonizing feeling like what I've felt during my teenage years. Gosh Aurora! stop it will you?
Natatawang inangat ng kuya ang aking ulo at kitang kita ko kung gaano ito na-guilty matapos makita ang hilatsa ng aking mukha. "Biro lamang." Mahina nitong pinisil ang aking ilong simbolo ng paglalambing nitong wari'y malaki ang nagawang kasalanan.
Balak ko na sanang hampasin ito sa balikat nang makarinig kami ng isang tikhim. Sabay kaming napasulyap sa pinanggalingan noon.
Bigla ay naging pormal ang tindig ng magaling.
"Paumanhin Joaquin, masyado lamang akong natuwa sa aking kapatid kung kaya't hindi ko na napansin ang oras." Pormal na sabi ni kuya Julio sa blankong tingin nito.
"You can always catch up later. Narito tayo upang salubungin ang pagdating ng gobernador at hindi para-"
"Paumanhin ngunit kailangan ko na ring lumisan at hahanapin na ako ni abuela" Pagputol ko sa sasabihin sana ng heneral habang matalim na nakatingin dito.
Tinaasan ko ito ng kilay na parang nang-hahamon. Bahagya akong tinapik ni Kuya Julio marahil ay sa pagpapakita ko ng hindi pag-respeto sa kaibigan nitong heneral.
"Mag-iingat pauwi. Ituloy na lamang natin ang pag-uusap sa bahay." Aniya. Hindi ko na pinatagal pa ang pamamalagi sa kanilang harapan at binigyan ko muna ang isa ng tumataginting na pag-irap bago umalis.
Palibhasa ay kuhang kuha ng lalaking iyon ang puso ni Aurora kahit sa maliliit na bagay lalo na't pinakitaan kami nito ng kanyang pag-iingles kanina lamang.
Kung makikipagsabayan naman ako ay magtataka sila dahil hindi lahat ng kababaihan dito ay mapalad sa pag-aaral ng iba't ibang wika.
Hindi ko maaaring hayaan si Aurora na ariin ang lahat ng desisyon at pagkilos dahil kami ay iisa na ngayon. Isa pa, kailangan kong isakatuparan ang gusto niyang mangyari bago pa mahuli ang lahat.
Natapos ang aming hapunan nang tahimik ngunit hindi naging hadlang iyon para ipabatid sa akin ng abuela ang gusto nitong mangyari para sa isang pagtitipon na gaganapin ilang araw mula ngayon.
"Sa darating na linggo ay magkakaroon ng pagtitipon sa tahanan ng gobernador. Kailangan mong magpakita ng magandang impresyon sa heredero" Tandang tanda ko ang sinabing ito ni Abuela noon at tanda ko rin kung gaano ako kasaya at ka-excited dahil sa wakas ay makakadaupang palad ko nanaman ang heneral.
![](https://img.wattpad.com/cover/174816183-288-k531169.jpg)
BINABASA MO ANG
Heneral, Iniibig Kita
Historical FictionPaano kung mula sa modernong henerasyon kung saan nauuso ang teknolohiya ay mapupunta si Aurora sa ika-18 siglo sa ilalim ng pamumuno ng bansang España, makabalik pa kaya siya lalo na kung makikilala niya ang malupit na binatang heneral ng San Carlo...