Chapter 5: Ala-ala

492 32 1
                                    

"Aurora!!  Aahhhh tulooong!  wag ninyo po akong sasaktan! Parang awa nyo na" sigaw ni Leria sa gitna ng pagkakatulog habang nasa biyahe kami papauwi.  Somehow naawa ako kay Leria dahil sa nangyari at pinangako ko sa sarili na sisikapin kong huwag siyang madamay sa magiging problema ko.

Nakarating kami sa bahay ng Dela Fuente pero bago yon ay hinatid na namin si Leria sa kanila. Sobra akong namangha sa laki ng bahay nila. Kahit gawa sa kahoy ng narra tree ay nakaka-amaze tingnan ang disenyo sa labas. Makikita mo ang mga detalye nito dahil napaliligiran ito ng mga lampara sa bawat sulok.

Nang makababa kami sa sinasakyang kalesa ay halos magkandarapa ang isang babae papunta sa direksyon namin na halos kasing edad ni Señor Juancho .  Siya na siguro si Señora Constancia dahil makikita mo agad sa suot lang niya na kulay pulang saya na may mga burdang bulaklak sa laylayan. Mukha siyang elegante tingnan lalo na sa ayos ng kanyang itim na itim at maalon-alon na buhok.

"Anak! Ako'y labis na nangamba sa tagal ng inyong pagbabalik! Kanina pa natapos ang pista at saan ka ba nanggaling hija? pati ang iyong abuela ay alalang alala sa iyo!" salubong nya sakin kasabay ng mahigpit at mainit niyang yakap.

Sinong mag-aakalang ang yakap na matagal ko nang hinihintay at inaasam noon ay mararanasan ko ngayon which is sa panahon kung saan ay ayaw ko.

"señ—este-Ina, pasensya na ho kung ginabi na kami ng uwi. Nagkaroon lang po ng aberya sa daanan" sabi ko.

"Napag-alaman kong lulan ng sasakyan sina Aurora at Valeriana kasama ang heneral. Habang kami ay paparating sa kanilang direksyon ay kapansin pansin ang mga tao sa paligid nila kung kaya't gumawa kami ng hakbang upang puksain ang kanilang kilusan" mahabang paliwanag ni señor Juancho sa kanya.

"Santisima!  Mahal, nasaan ang heneral? Nais kong magpasalamat sa kanya ng personal dahil sa kanyang pagsagip sa ating unica hija!" her eyes grew wide upon saying that. Kabig niya pa ang dibdib habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Ngunit mahal, masyado nang malalim ang gabi at delikado ang daanan. Maaaring maulit ang mga nangyari. Kailangan nang masugpo ang kilusan ng mga mason bago pa nila malason ang pag-iisip ng mamamayan" madilim na sabi ng señor habang nakasalikop ang mga kamao.

Upon hearing him, I finally conclude something.

Walang kinalaman ang mga magulang ni Aurora sa pakikipagsanib pwersa sa pangkat ng mga mason!

I am now wondering who's behind those accusations? Yan siguro ang dapat kong alamin.

And I don't think na gagawin ng mga mason ang nangyari kanina dahil isang katangahan ang pagpapakita nila ng identity! They don't spill their identity yet not until 1982 kung saan nadiskubre ng pamahalaan ang kanilang samahan and seven years after that ay nagkaroon ng pag-aaklas sa Sigaw ng Pugadlawin sa pangunguna ng samahang KKK.

I hate history but it doesn't mean I don't know the story behind 1980's. Nagkaroon kasi kami noon ng stage play about sa story ni Bonifacio at dahil ayoko ng history ay sa akin ipinagkatiwala ng prof ang script para doon kahit na ayaw ko.

Ang pagkakaalam ko noon ay ang mga mason ay samahan ng Masonerya ng Pilipinas. Sila ay mga rebelde sa panahon ng kastila kung hindi ako nagkakamali ay kasali sa grupong iyon si Marcelo H. Del Pilar. At nang dahil doon ay naging inspirasyon ito sa pagbuo ng katipunan sa ilalim ng pamumuno ni Andres Bonifacio.

Kung ganon, napakadelikado pala ng buhay ko kung malalaman nila yun mula sakin kaya hangga't maaari ay kailangan kong mag-ingat!

"O siya, magpahinga ka na mahal ko. Alam kong napagod ka sa iyong trabaho" sabi ni señora Constancia na pilit iniiba ang usapan.

"Salamat mahal ko. Mauuna na ako sa kwarto" ayiiieut. biro ko nalang sa sarili habang may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nang makita ni señora Constancia ang hitsura ko ay malakas niyang pinitik ang noo ko dahilan para mapahawak ako doon dahil masakit.

"Ikaw na bata ka, anong klaseng ngiti iyan? hindi kita tinuruan na makinig sa usapin ng matatanda!" sabi niya na may nanlalaking mata. Pero kahit ganon ay nakita ko parin ang pagsilay ng ngiti niya at ang pamumula ng pisngi.

"Ina, natutuwa lang ako dahil ramdam kong mahal na mahal ka ni ama" sabi ko sa kanya.

"anak, balang araw ay mararanasan mo ring umibig ngunit hindi pa sa ngayon dahil ika'y nakatakdang ikasal sa anak ng gobernador na kasalukuyan ay nag-aaral sa maynila" sandali akong natigilan sa sinabi niya.

Kaya pala mukhang naging desperada si Aurora noon sa pagtatapat ng pag-ibig niya sa heneral ay dahil nakatakda syang ikasal sa iba.

"Makinig ka.  Alam kong ika'y may lihim na pag-ibig sa heneral ngunit alam ng karamihan kung gaano siya kalupit at ayaw kong ipagkatiwala ka sa taong sasaktan ka lamang.  Masisisi mo ba ang iyong ina kung ayaw ka niyang masaktan?" mahinay niyang sabi at masuyong hinawakan ang kaliwa kong pisngi. Nakangiti siya pero alam kong sa likod ng ngiting yon ay may lungkot na nakatago hindi para sa kanya kundi para sa anak niya....  sa akin.
 

 

Pagkatapos ng heart-to-heart talk namin ni señora Constancia ay dumiretso na ako sa kuwarto ni Aurora base sa naalala ko sa mga visions ko kanina.

"Heneral, nais ko lamang itanong. Kung ito'y iyong mamarapatin. Natanggap mo ba ang aking mga liham?" nahihiyang tanong ko habang pilit na ikinukubli ang mga ngiti sa hawak na abaniko. Naririto kami sa isang pagtitipon at isang upuan lamang ang pagitan ng aming distansya kaya't tinanong ko siya.

"Hindi" diretsahan niyang sinabi. Nang marinig ko ang kanyang sinambit ay siyang paglungkot ng aking mga mata at pagbagsak ng aking ngiti.

I smiled bitterly. Hindi niya natanggap ang mga sulat dahil ibinalik niya ang mga iyon kay Aurora kinabukasan na ikinalungkot niya ng sobra.

Ok lang! atleast hindi na mauulit pa yon! tsk.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay unang nakaagaw ng pansin ko ay isang painting.

Mahilig siyang magpinta at itinuturo niya ang pagpipinta sa mga bata tuwing linggo pagkatapos nilang magsimba. At dahil baliw na baliw si Aurora sa heneral ay ang malamig at napakagwapong mukha niya ang nakita ko agad sa parisukat na bagay na yon.

Napakuyom ang aking kamao dahil sa titig na yon. Pilit kong pinapakalma ang sarili nang mapansin ko ang mga papel na nagkalat sa higaan.

Dahil marami ang mga iyon ay nagdecide muna akong basahin ang isa at umupo ng marahan sa higaan.

 

Munting pag-ibig ay tumatangis,
Busilak na puso'y naghihinagpis.
Mabighani, mangulila, sa iniirog ng labis;
Kay lupit man ng tadhana, Ako'y handang magtiis.

Mapanlinlang na anyo ng iyong pagmamahal,
Di man maapuhap, aking dinadasal;
Ipagpaumanhin aking inaasal,
Sadya lamang nalililo ng pusong pagal.

Pag-irog mong dalisay ay aking tatanggapin,
Kung ito ma'y mataas, pilit kong aarukin
Piliting ikubli kung ito'y nanaisin;
O aking heneral, ika'y aking pakaiibigin...

A tear left from my eye immediately as I finished reading the last paragraph. Mabigat ang pakiramdam ko sa binasa. Hindi ko kasi maintindihan! charot.
 

Ano bang meron sa heneral at bakit ka baliw na baliw sa kanya Aurora?

Heneral, Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon