Do you know what I hate about?
History.
Yes, History. I hate it for unknown reason and I don't even know why.
Siguro dahil nasa past na yun or sadyang wala lang talaga akong amor sa pag-aaral ng kasaysayan or what.
I am explaining these things kasi naman kung bakit sa dinami-daming lugar ay ginusto nilang puntahan ang probinsya ng San Carlos. I don't find it exciting dahil hindi ko bet ang history!! that's why I foresee my whole retreat journey be peaceful and quite boring. At wala nang mas boboring pa kung malalaman mong 3 days kang magtitiis sa isang lugar na puno ng kasaysayan.
Masaya ang lahat (well, except me) dahil kilala ang lugar na to during Spaniards colonism at bawat madaanan naming kabahayan ay yari sa matitibay na kahoy ng Narra tree.
Ang mga nakatira sa mga bahay bahay ay kung hindi nagwawalis ng kanya-kanyang bakuran ay mga naghahabi naman ng kulay dilaw na banderitas dahil sa nalalapit na festival. At bakit ko alam? dahil sa mga nakapaskil na tarpaulin sa daan.
"Bes, bonamine you want?" si Valerie. Kasalukuyan niya akong inaalok ng Bonamine para mawala ang hilo ko sa biyahe pero dahil hindi ako nahihilo ngayon which is nakapagtataka ay tinanggap ko padin in case na mahilo ako pagbaba ng bus.
"Uy, salamat!" nginitian niya nalang ako.
Ipinasak ko ang earphone na hawak sa magkabilang tenga dahil kalahating oras ko pang titiisin ang byahe papunta sa magiging destination ng retreat namin.
(Now playing: Collide by Howie Day)
By the way, I am Aurora Cenon. 20 years old and I'm on my 4th year of college. That's all thank you very much.
1:30pm na nang makarating kami sa isang maliit na museum ng San Carlos Retreat House. Bago kasi makarating sa bawat mini village ay madadaanan mo ang isang museum kung saan may iilang mga statue at sa ilalim ng kanilang mga paa ay may parisukat na bato at may mga nakalagay na info about sa statue na iyon.
Pero dahil alam nyo naman na wala akong balak alamin ang mga iyon ay napagdesisyunan ko nalang maglakad ng diretso para makalabas na sa museong ito at nang makarating na ako sa entrance ng village.
Wala pa man sa lima ang mga hakbang ay may narinig akong nagsisigaw ng pangalan ko, ang ex bestfriend kong si Hailey.
"Hey Aurora! Di mo ba nabasa yung rebulto doon?" pigil tawa niyang sabi sa harap ko. "I know now why you hate history.. It says na nililigawan mo raw ang malupit na Heneral ng San Carlos! I didn't know you're into grannies? I'm pretty sure he rejected you which caused you stealing my boyfriend secretly! Unfortunately, hindi sya nagpaagaw. Pfft" maarteng dugtong niya pa kasabay ng sunud sunod na tawanan ng kanyang mga alipores.
At dahil sanay na ako sa mga antics ng babaeng ito, I just kept my mouth shut instead at hindi nalang siya pinansin.
"Ano? Hindi ka padin iimik? Sabagay, sino ba namang iimik kung ang Boyfriend ng kanyang ex-bestfriend ay binalak na agawin noong Acquaintance party!" matalim at puno ng galit na sabi niya.
"And guess what people? France admitted that this bitch seduced him first. Kaya pala lapit ng lapit ang malanding hitad na to sa BOYFRIEND ko" she continued.
Sunud sunod na tawanan at asaran ang narinig ko sa mga bibig nang mga nakapaligid na estudyante. Lalong lalo na ang grupo ng mga Criminology students sa bandang kaliwa kung saan naroon si France.
May iilan pang nagsasabing 'boo' at 'ganda ka girl?" which is so degrading.
Hindi man sinasadya ay inaamin kong inumpisahan ko ang pagpaparamdam kay France pero kahit kailan ay hindi ko siya inakit. Tanggap ko naman na hindi kailanman siya lilingon sa isang tulad ko but I'm desperate that time.
I'm crazily, overly, truly inlove with France since childhood at nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na aminin iyon nang maiwan kaming dalawa sa isang garden malapit sa pool since pool party ang theme noon.
I was so shocked when he kissed my lips that I didn't think the possibility of hurting someone. Doon ko unang naranasan kung paano malunod sa isang mainit na halik at dahil sariling kaligayahan ang nasa isip ko that time ay sinabayan ko ang paggalaw ng kanyang mga labi.
After that longing kiss, inamin ko sa kanya ang mga nararamdaman ko but when he was about to say a word, I felt a hand grab my hair harshly and the rest is history.
There we go with that term again!
Hindi ko alam kung sadyang boring lang talaga ako kaaway or may sumaway na dean kanina kaya nawala ang mga estudyante sa paningin ko dahilan para maiwan ako sa loob ng museum.
I smiled bitterly.
I saw him.
I saw him walk away together with Hailey. Holding her hands. Saying sweet talks while touching her dearly..
and because of that scene, I lost myself.
Marahan kong tinungo ang rebulto na tinuro kanina ni Hailey. Kung titingnan mo ito nang malapitan ay malalaman mong matangkad ito noong kapanahunan niya. Siguro ay makisig din ito dahil halata sa matangos nitong ilong pero hindi ko alam kung ano ang kulay ng balat dahil gawa sa purong bronse ang mga statue na ito.
Out of curiosity, I read the information below his feet and for the very first time in my life, I allow myself engage in history.
Pagkilala sa Batang Heneral
Hen. Joaquin y del Mundo1865-1902
Ayon sa aklat ng kasaysayan, kilala si Heneral Joaquin y del Mundo dahil sa magiting na pakikipagdigma laban sa mga mason.
Sa edad na labing tatlong gulang ay nahasa ang kanyang kaalaman sa aritmetik at agham maging sa pilosopiya.
Pagtuntong ng edad biente y dos ay nagdesisyon siyang sumapi sa pamahalaang pandirigma at dahil sa matapat na paglilingkod sa bayan ay hindi nakakaligtas sa kanyang mga kamay ang mga taong hindi sumusunod sa batas kahit pa ang mga magulang ng kinaiinisan niyang manliligaw na si Aurora.
I just don't know why would I feel heaviness after reading those words. Even my name on it feels like a stab in my heart. Maybe that's why I hate history the most? Dahil may mga kapangalan ako noong unang panahon at ang malas ko dahil ito ang ipinangalan sa akin.
Minutes later when I felt my feet numb. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko which is strange! Gustuhin ko man humingi ng tulong ay wala akong mahingan dahil nasa loob na ang lahat ng estudyante.
Natatakot na ako sa nangyayari.
Mukha man akong seryoso pero takot din ako sa multo no!
Dahil sa hindi ko na kaya ang bigat sa paa ay napaluhod ako sa harapan ng rebulto at bahagyang yumuko para i-check ang mga paa ko.
As I lift my head up, I saw different people looking at me and they are all wearing kamiseta and filipiniana.
wtf?
BINABASA MO ANG
Heneral, Iniibig Kita
Ficción históricaPaano kung mula sa modernong henerasyon kung saan nauuso ang teknolohiya ay mapupunta si Aurora sa ika-18 siglo sa ilalim ng pamumuno ng bansang España, makabalik pa kaya siya lalo na kung makikilala niya ang malupit na binatang heneral ng San Carlo...