Chapter 6: Simula

627 35 12
                                    

Alas singko ng umaga nang makarinig ako ng maingay na boses sa labas ng kwarto ko na siyang nagpabangon sa akin. Noong una ay inobserbahan ko ang paligid ko dahil parang naiba ang hitsura ng kwarto ko?

Nasagutan ang katanungan ko ng may nagsalitang babae sa pintuan ng kwarto.

"buenos dias, señorita Aurora!" bati ng babae na tingin ko ay nasa twelve or thirteen years old. Nakasuot lang siya ng simpleng saya unlike sa akin na mejo elegante kahit kahapon ko pa siya suot. Tulad ng ibang babae na nandito sa malaking bahay ay may maalon alon at itim na buhok din ito.

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi nga talaga panaginip ang lahat! Nag-time travel talaga ako!

Tiningnan ko ang sarili at sinipat. Kung ano ang ayos ko kahapon ay iyon din ngayon. Hindi manlang ako nakapagpalit ng damit! Atsaka may toothbrush bang nag-eexist sa panahon na ito? naku naman!

Nang mapansin kong nakatitig ang babae sa akin at parang nawe-weirduhan sa kinikilos ko ay binati ko din siya.

"magandang umaga! hehe" alanganin kong ngiti sa kanya. Ngumiti lang din siya pabalik.

Ewan ko ba, simula nang magkaroon ako ng visions about sa mangyayari kay Aurora ay nalaman ko na rin kung paano intindihin ang salitang spanish. Siguro dahil sa mga ala-ala ni Aurora na bigla bigla ko nalang din naaalala.

"Ipinapasundo ako ng señora upang makapag-almusal ka na, señorita" nakangiti niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Inihanda ko na rin ang iyong mga damit na ipapamalit bago ka tumungo sa kusina. Hayaan mo akong tulungan ka sa iyong pananamit, señorita!" nakangiti niyang sabi kasabay ng paghila sa pala-pulsuhan ko papunta sa isang malaking banyo.

At the of thirteen ay ang lakas na niya! Ganto ba kabatak sa trabaho ang mga babae noon?

Nakahanda na ang malaking palanggana na gawa sa kahoy. Hindi ko alam ang tawag doon at napupuno iyon ng maligamgam na tubig. Mukha siyang bathtub kung titingnan dahil may mga nakasaboy ding mga petals ng hindi ko malamang bulaklak dahil hindi siya rosas.

Nang mapansin kong nandito parin ang babae ay sinabi kong kaya ko ng maligo mag-isa. Sa una ay nag-aalangan pa siya pero sumunod nalang dahil narinig niyang tinatawag na siya.

Masarap pala sa pakiramdam ang magbabad sa malaking palangganang yun! Kung dala ko lang ang cellphone ko edi sana nakakapagsoundtrip ako habang nakapikit. Nakakaantok din kasi ang maligamgam na tubig na humahaplos sa balat ko.

Nang matapos akong maligo ay tinulungan na ako ng babae na magpalit ng damit dahil hindi ko alam kung paano susuotin ang saya na iyon. Malaki siyang tingnan pero fitted siya sa akin! kulay pula ang saya na may burdang mga dahon sa magkabilang manggas.

Pinaupo niya ako sa harapan ng salamin at kitang kita ko ang repleksyon ng mukha ko. Kung sa modern world ay maputi ako, sa panahong ito ay morena pero makinis ang balat ko. Ganun parin naman ang hitsura ko at yung kutis lang talaga ang naiba.

Sa panahon din ngayon na naalala ko dahil kay Aurora, ang mga babae pagtuntong ng 15 years old ay pwede nang mag-asawa at dahil eighteen years old ako dito ay pwede na. Kaya pala puspusan ang pagpapapansin nitong si Aurora sa Heneral noon dahil malapit na ding umuwi ang anak ng gobernador dito sa San Carlos. At kapag nangyari yon, finish na!

Tinulungan na rin ako ng babae na mag-tali sa buhok ko. May ginamit pa siyang bakal na parang stick at ginamit niya iyong pangkulot sa buhok ko. Hindi ko maiwasang ma-amaze sa kanya. Ang bata bata palang niya pero marami na siyang alam sa gawaing bahay unlike sa modernong panahon kung saan magaan lang ang trabaho dahil sa tulong ng teknolohiya.

Heneral, Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon