Chapter 11: Salamin

160 6 0
                                    

Warning: This chapter contains references to suicide and self-harm which some individuals may find distressing. Read at your own risk.

   

Naging tahimik ang nagdaang mga araw matapos ang pagtitipon at hindi na nagpakitang muli ang heneral. Marahil ay naintindihan na nito sa wakas ang gusto kong ipahiwatig.

Mainit ang sinag ng araw sa tanghaling tapat kung kaya't dali-dali kong inakyat ang kalesa pati ang mga pinamili sa bayan para makauwi kaagad nang hindi maaabutan ng dilim.

Pinili ko na lamang na tignan ang kapaligiran dahil hindi ko din naman makausap ang kutsero na busy sa pagmamaneho ng kalesa.

Nang sa di kalayuan ay may naaninag akong isang burol.

Matagal ko nang napapansin ang munting burol na iyon na napaliligiran din ng mga matataas na puno. May kung ano sa akin na gustong puntahan iyon at parang di ako mapakali sa tuwing nadadaanan ko ito. Ano kaya ang meron doon?

Ito ang ayaw ko sa kuwentong ito ni Aurora, ang makipag-hulaan dahil hindi lahat ng nasa ala-ala niya ay alam ko!

"Maaari kitang ibaba sandali kung gusto mong makita." Rinig kong sabi ng kutsero.

Huh? Nasabi ko nanaman ba ang mga nasa isipan ko?

Kunot-noo kong binalingan ng tingin ang kutsero. Ang hitsura nitong panlalaki ay napalitan ng anyo ng pangbabae. Napatili ako ng malakas at di ko na napigilan ang taasan ito ng boses. "Diba ikaw yung nagdala sa akin dito!? Papaano ako makakabalik sa mundo ko!?" Inis na tanong ko sa kanya.

As you can see, unti-unti na akong nas-stress sa takbo ng kwento ni Aurora at gusto ko na lang takasan ito.

Bumalik ang hitsura nito sa pagiging matandang lalaki. Siguro ay iyon talaga ang tunay nitong anyo. May pagka-hunyango ata itong si tatang!

Hindi ito sumagot sa tanong ko at sa halip ay mabilis na iniliko ang kalesa papunta sa isang makipot na daanan papunta doon sa burol. Habang papalapit kami ay naririnig ko ang lagaslas ng tubig, amoy ko ang sariwang hangin pati ang mga damo.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang tumigil ang matandang kutsero. Nilingon ako nito. "Kailangan mong tapusin ang nasimulan ni Aurora."

Nagtataka ko itong tinitigan. "Hindi ba iyon ang point kaya ako nandito? Ang pigilan ang heneral sa karumal-dumal na pagpapatay sa mga magulang ni Aurora?" Balik ko dito.

"Ngunit hindi sa pamamaraang ginagawa mo. Nawa'y naihanda mo ang iyong sarili sa mga susunod na pangyayari, señorita" Itinuro nito ang pintuan palabas ng kalesa. Halos manlaki ang mata ko sa ganda ng tanawing naririto sa likuran ng maliit na burol.

May malinis na sapa doon at isang maliit na bahay kubo.

"Sino ang nakatira dito?" Baling ko dito.

Hindi nito sinagot ang tanong ko at nagkibit-balikat lamang siya.

Madali akong pumunta sa bukana ng kalesa at bumaba. Napamura ako sa sarili dahil sumabit pa ang kaliwang part ng saya doon sa nakausling kahoy. Irita kong hinila ang tela kaya lang ay napunit ito hanggang sa ibabaw ng tuhod ko.

Napairap ako sa kawalan at pinilit paglapitin ang napunit na tela para hindi ma-expose masyado ang tuhod ko.

"Sandali lang..bakit wala akong natatandaan sa ibang ala-ala ni Aurora? Ano yun minimum inclusion lang hindi naka-premium?" Tanong ko ulit dito. Kailangan ko ba munang mag-register tapos payment via gcash eme.

"Malalaman mo rin ang kasagutan sa takdang panahon. Ngunit tinitiyak kong hindi mo maisasakatuparan ang iyong itinatagong plano kung ito'y iyong ipipilit." Sabi nito na parang gusto akong pagalitan.

Heneral, Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon