Nag-umpisang gumalaw ang aking mga paa na para bang alam nito kung paanong susundan ang bawat tono ng tugtugin.
Nakangiti sa harapan ko si Eduardo habang masinop ako nitong isinasayaw. Gustuhin ko mang tapusin kaagad ang sandali ay baka naman ako ang tapusin ni abuela.
Kaya't ang inyong lingkod ay wala nang nagawa kundi sabayan ang magandang tugtugin sa tono ng kundiman.
Ang lahat ay nakangiti habang sumasabay sa kanta. May iilan pa nga na nakikita naming kumakanta din habang sumasayaw.
Ang nakangiting si Eduardo ay marahang inilapit ang mukha sa aking kaliwang pisngi na wari'y may gustong ibulong. "Kaaya-aya ang iyong galing sa pagsasayaw, Aurora." Malalim nitong sabi na halos magpainit sa mukha ko.
"Salamat, ginoo." Aysos ginoo!
Hanggang sa ang isang sayaw ay nasundan pa ng pangalawa, pangatlo. Hindi ko na lamang namalayan na unti-unti nang nawawala ang tama ng alak sa aking sistema dahil napapasabay na din ako sa indayog ng mga tao.
Gwapo si Eduardo at mas maamo kung titingnan mo sa malapit. Hindi nga lang nababagay ang pagiging playboy image n'ya kanina lamang.
"Maaari ba akong magtanong?" Sambit nito kapagkuwan. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.
"Ano ang iyong mga hilig?" Tanong nito na hindi nawawala ang ngiti. Kung marupok na teenager lamang ako ay paniguradong mawawalan ako sa ulirat sa sobrang kilig ngunit dahil alam ko na ang galawan ng isang 'to ay sinakyan ko na lamang.
"Mahilig akong mag-drawing. I mean—"
"Nakamamangha ngunit hindi ba't gawain lamang iyon ng mga kalalakihan?" Putol nya sa sasabihin ko. Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. Uso pala talaga ang sexism sa panahong ito?
Napatikhim ako ng bahagya at nginitian ito pabalik. Handa nang mag-explain at pasalagawan ng maraming salita.
Pero napagtanto ko sa huli na wala din namang kwenta kung sasabihin ko ito. It will never makes sense for a man like him that a woman can do everything what they can. Masasagasaan lamang ang ego niya kaya't dinaan ko na lamang sa kapilyahan ang potensyal na argumento.
"Doon ka nagkakamali, ginoo. Kaming mga babae ay maraming kayang gawin. Ayoko lamang isa-isahing ikwento sapagkat kulang ang isang tugtugin para doon." Isang malutong na tawa ang umalpas sa kanyang bibig. Napailing-iling itong binigyan ako ng isang makahulugang ngiti na parang nakakita ito ng isang nakakamanghang bagay na hindi nakikita ng sinuman.
"Maaari nating dagdagan kung iyong gugustuhin. Interesado akong malaman kung ano ang mga iyon." Panghihikayat pa nito sa akin.
"Sa tingin ko'y hindi nararapat pag-usapan ang tingin ko'y mga bagay na dapat ay para sa isang manliligaw." Laban ko rito pabalik na tila may gustong iparating. Kung ano man iyon ay siya na ang nakakaalam.
"Kung ganoon—"Handa na akong marinig ang sasabihin ni Eduardo nang biglang tumigil ang malamyos na tugtugin at napalitan ito ng isang mabilis at marahas na tempo. Maging ang mga instrumento ng panugtog ay nag-iba at napalitan ng mga biyulin ang bandurya.
Dahil sa isa-isang nagsi-alisan ang mga tao at ang iba naman ay nagmamadaling pumunta sa gitna ay di ko na napansin ang paghila ng kung sino sa aking kamay papunta sa kung saan hindi kalayuan sa gitna.
"T-teka!" Nahihirapang sabi ko sa kung sino. Madali kong inayos ang natapakang saya dahil sa biglaang takbo kanina. Nang mapagtanto ko ang nangyari ay hinarap ko ang salarin at tiim-bagang na napadako ang tingin ko sa heneral.
BINABASA MO ANG
Heneral, Iniibig Kita
Fiksi SejarahPaano kung mula sa modernong henerasyon kung saan nauuso ang teknolohiya ay mapupunta si Aurora sa ika-18 siglo sa ilalim ng pamumuno ng bansang España, makabalik pa kaya siya lalo na kung makikilala niya ang malupit na binatang heneral ng San Carlo...