Natapos ang festival ng maayos at masaya.
To be honest, I'm starting to like this part in history. Where people gathers around during festival at pagkatapos ay mayroong pagtatanghal tulad ng pagkanta ng kundiman, Sayawan at siyempre hindi mawawala ang mga games. Hindi ko alam ang tawag dun sa laro na pipiringan ang mga mata ng bawat players tapos ay paunahan sila sa pagakyat sa mataas na kahoy kung saan may kulay dilaw na panyo sa tuktok pero mukhang masaya kasi nakakatawa yung mga players na mga nalalaglag.
Nasa plaza parin kaming dalawa ni Leria dahil may hinihintay kaming sasakyan pauwi. Naglalakad lakad lang kami sa hilera ng mga tindahan kung saan may iba't ibang klase ng kakanin habang siya ay nagkukuwento ng kung anu-anong bagay about sa mga nakakatawang napanuod namin kanina.
Habang naglalakad kami ay hindi maalis sa isip ko ang sinabi kanina ng tour guide. Katulad ng karamihan ay nakasuot na rin ito ng kamiseta at nakasumbrero pa na yari sa yantok.
Ang naintindihan ko lang sa sinabi niya ay mamumuhay ako bilang si Aurora sa panahong ito. Pero paano ang naiwan ko sa modernong panahon?
Hinahanap na kaya nila ako ngayon?
Ano nga ba ang maiiwan ko sa panahong yon kung mag-isa lang ako sa buhay at umaasa lang sa nagpapaaral sa akin na hindi ko manlang nakilala sa tanang buhay ko!
Kamusta na kaya si France?
Kung buo na ang iyong pasya
na talikuran ang lahat
may magagawa pa ba?Siguro ay masaya sila ni Hailey ngayon lalo na at wala ako.
Kung pigilan ba kita
hanggang sa huli paglaban ka?
Makikinig ka ba?Pero kung ang kapalit ng kasiyahan nilang dalawa ay ang pagpunta ko sa sinaunang panahon kahit na hindi ko gusto ay masaya na din ako.
Sa dapit-hapon ng pag-ibig natin
hindi kita kayang iwan...Ngumiti ako ng mapait.
Kung buo na ang iyong pasya
na limutin ang mundo
kailan lang natin binuoHindi ko napansin na napapabilis na pala ang lakad ko kung di ko lang narinig ang malakas na pagtawag ni Leria sa pangalan ko.
Hindi na ba sapat
ang pag-ibig na tapat
na handang ibigay habang buhay
Sa dapit-hapon ng pag-big natin
hindi kita kayang iwan.."Aurora! Maghinay-hinay ka lamang sandali sa iyong paglalaka-"
*boogsh*
Sa lalim ng iniisip ay hindi ko rin napansing may matigas na bagay na sumalubong sa dinaraanan ko kasabay ng pagtutok ng matalas na espada malapit sa aking leeg at ang biglaang higpit ng hawak sa kaliwa kong braso para di kami matumba pareho.
At dahil mukhang sinu-swerte ako ngayon ay nakabunggo ko pa ang heneral ng San Carlos base sa suot nito. Kahit halos kapantay lang ako ng braso niya ay nakilala ko siya agad.
Tiningala ko siya para makita ang kabuohan niya pero isang 'what-the-f*ck look' ang nakita ko sa mga mata niya pati ang makakapal niyang kilay ay muntik nang tumuwid dahil sa inis.
Ito ba ang nagustuhan ni Aurora!?
Gwapo sana kaya lang..
Mukhang masama ang ugali o sadyang nakukulitan siya sa Aurora noon kung kaya't ganito na lang siya kung magalit sakin.
"Blasfemia!" Sabi ng kasama nito na may hawak sa nakatutok na espada sa leeg ko.
Ano raw? Pashneya?
"S-sorr-I mean-Este-P-patawad mahal na heneral sapagkat hindi ako tumitingin sa aking dinaraanan" sabi ko habang iniispatan ng maigi ang gwapo niyang pagmumukha. Pero bat parang may mali? kumunot bigla ang noo niya na may halong pagtataka.
wtf. Ang awkward magtagalog ng puro! siguro dahil sa accent ko to tsk.
Matalim parin ang binibigay niyang tingin papunta sa direksyon ko. Pero kahit ganoon ay gwapo parin sya. Ito ba ang sinasabi nilang nakakabighani? Ang mga mata niya, ang matangos na ilong at maninipis na mga labi ay tamang tama lang sa nakita kong statue kanina sa museum maliban lang sa mejo may pagka morenong kulay ng kanyang balat.
Nakita ko lang siya na nilalayo ang espada mula sa leeg ko at mabilis niyang binitiwan ang aking braso.
"Malapit nang dumilim. Ano pa ang inyong hinihintay gayong tapos na ang pista?" Sabi niya sa istrikto at baritonong boses.
"because-"
"Mahal na heneral, hinihintay lamang namin ang aming sundo ngunit tila wala pa ang mga ito. Ako'y nag-aalala sapagkat hindi maaaring umuwi ang senyorita sa dis oras ng gabi" hinging paumanhin ni Leria na naglakad pa papunta sa harapan ko para sagutin siya.
Ang siste! mukhang binebenta ako sa heneral!
Naglulumikot ang mga mata ko mula saking kaibigan na si Leria (na nalaman ko kanina dahil sa kakakwento nya) at kay heneral sungit.
.
"Kung gayon ay hayaan niyo na lamang ako na maghatid sa inyo" Masinop ngunit masungit parin niyang sabi at giniya niya kaming dalawa papunta sa paparating na kalesa.
Hindi ko na mabilang ang mga alitaptap na nadaraanan namin dahil sa haba ng biyahe. Ang awkward pa ng position naming tatlo sa loob ng kalesa kasi nasa bandang kanan ako katabi si Leria habang ang heneral ay nasa harapan lang naming dalawa at malamig na nakatingin sa akin na parang si detective Conan.
Napalunok ako ng bahagya dahil parang pamilyar ang tingin niyang ganyan. Yung tingin na may halong duda.
"Pare el carro, ahora!" matigas na utos ng heneral sa kutsero kahit nasa gitna kami ng madilim na bukirin. Tanging lampara lang ang nagsisilbing liwanag pati ang bilog na buwan.
Hindi na nag-atubiling bumaba ng kalesa ang heneral at matamang pinagmasdan ang paligid.
Seryoso? ganyan katalas ang pakiramdam niya? eh kahit si Cardo Dalisay hindi kaya yan eh!
Wala pang isang minuto ay nakarinig kami ng papalapit na yabag ng paa na tumatama sa mga damo.
"Tila ba'y pinapalad tayo ngayon mga kasama! Hindi ko akalaing ang heneral pa mismo ang kusang dadayo sa ating lugar" Sabi ng panlalaking boses.
Hindi ko naman maaninag ang mga hitsura nila dahil madilim na ang kapaligiran at kakaunti lang ang ilaw na tumatama sa direksyon nila.
"Kung ako ay nasa inyong kalagayan, mas mamarapatin ko na lamang sumuko kaysa ang magsalita" aba! palaban pala ang crush nitong si Aurora.
Lilingunin ko sana si Leria dahil sa pagiging tahimik niya nang makita kong may nakatutok na palang gulok sa kanya kaya pala hindi makaimik. Bakas ang takot sa kanya dahil sa panginginig ng kamay pati ng balikat.
She's shaking uncontrollably but kept her mouth shut.
Dahil sa pagiging chismosa ko kanina ay hindi ko na napansing may nakatutok na rin palang gulok sa gilid ng leeg ko.. nanaman.
"Ngunit masasayang ang buhay ng mga maririkit na binibining ito kung susuko lamang kami." malakas na sigaw ng lalaking nakabantay sa akin kasabay ng tawanan ng mga kasamahan niya.
Mula sa pagkakatalikod ay nilingon ako ng heneral at binigyan lang ako ng isang blankong ekspresyon.
Mejo may katagalan ang pagtingin na yon sabay sabi sa kanilang:
"No me importa. Ve y mátalos si quieres!"
---------
Terms:Blasfemia! - walang galang!
Pare el carro, ahora - ihinto mo ang sasakyan, now na!
No me importa- I don't care
Ve y mátalos si quieres- Go ahead and kill them if you want
BINABASA MO ANG
Heneral, Iniibig Kita
Ficción históricaPaano kung mula sa modernong henerasyon kung saan nauuso ang teknolohiya ay mapupunta si Aurora sa ika-18 siglo sa ilalim ng pamumuno ng bansang España, makabalik pa kaya siya lalo na kung makikilala niya ang malupit na binatang heneral ng San Carlo...