Chapter 4: Katotohanan

467 25 3
                                    

No me importa. Ve y mátalos si quieres...
 

 

Di ko man alam ang dahilan ay sunud sunod na tumulo ang aking mga luha matapos marinig ang mga salitang sinabi niya.

"Mahal na heneral! i-ipagpatawad mo ang aking  kapangahasan ngunit w-walang kasiguraduhan ang inyong ibinibintang sa aking mga magulang! "  nakita ko ang heneral sa aking harapan. Ang mga sulyap niyang kasing dilim ng gabi ay mas lalong dumilim dahil sa aking ginagawa. Ako'y nakaluhod ngayon sa harapan ng entablado kung saan naroon ang lahat ng opisyal habang ang aking mga magulang ay nasa gitna ng entablado, nakapiring ang mga mata na noo'y nakaharap din sa akin at nagmamakaawa.

"Siguro'y isa ka sa mga kasabwat ng kanilang pangkat, tama ba ako señorita?" narinig kong pahayag ni Felimon, ang bagong kanang kamay ng heneral na may halong paghihinala. Hindi ko mabatid ang nasa isipan ng heneral dahil tahimik lamang ito. Tila'y nagmamasid.

"Ipagpaumanhin mo ginoo ngunit  ika'y nagkakamali—"

"ibig mo bang ipahiwatig na ikaw ay tama at ang konklusyon ng heneral ay mali!?" pasaring ng aming cabeza. Nagpupuyos man sa poot at galit ay pinili ko na lamang na ikubli ang mga ito ngunit ang hindi ko maitatago ay ang pagtangis ng aking puso.

"H-hindi ko ibig ipahiwatig na mali ang heneral ngunit ako'y nagmamakaawa sa inyo..  pakiusap.. ang aking ama, ang aking ina, wala silang ginagawang tiwali sa pamahalaan!" pagtangis ko sa kanila.. sa kanya. Datapwa't alam kong hindi niya pakikinggan ang aking hinaing, pinili ko na lamang na lumuhod sa kanilang harapan.

"Masyado ka nang maraming sinasambit señorita ngunit hindi na magbabago pa ang pasya ng heneral"  Malalim at mabalasik na sabi ni Felimon. Mula sa puntong yaon ay narinig kong nagsalita ang heneral.

  

"Que comience la ejecución!"  at sa puntong yaon, ang aking natitirang pag-asa ay nawalang parang bula.

"Ngayong araw ng Setyembre 6, 1891, Naririto sa inyong harapan ang miyembro ng naghahasik ng katiwalian.
Ang kanang kamay ng heneral na si Juancho Dela Fuente at ang kanyang kabiyak na si Constancia Dela Fuente ay nagkasala. Dahil sa  kanilang pakikipagsabwatan sa pangkat ng mga mason laban sa pamahalaan, sila ay hinahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote"

"Heneral, Sa aking huling paghinga, nais ko sanang ipabatid sa iyong .. iniibig kita"   piping usal ko kasama ng isang panalangin na sa pagsibol ng dapit-hapon ay muling mabubuhay ang aking katauhan upang ibaling ang pag-ibig na hindi kailanman magwawagi at upang mahadlangan ang nakatakdang kamatayan ng aking mga magulang.  Matapos isatinig ang mga panalangin ay mahigpit kong hinawakan ang patalim kasabay ng pagturok nito sa akin.

 

"NOOOOOOOOO!!!!" nanginginig na sigaw ko.

Tuluy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko habang isinasatinig ang mga katagang "bakit"

Kahit na hindi ko maipaliwanag kung bakit ay biglang pumasok sa isip ko ang mga ala-ala.

Ang mga ala-ala ni Aurora.

"Pangahas ka!" narinig kong sigaw ng lalaki sa tabi ko na akmang sasampalin ako nang biglang makarinig ako ng sunud sunod na mga putok ng baril na nagpagising sa sistema ko kasabay ng pagbulagta ng lalaki kanina.

"Leria! Magtago ka sa baba! bilisan mo!" sabi ko sa kanya habang ang mga grupo ng hindi ko kilala ay nakikipagbarilan sa mga opisyal.

Kung kanina ay mag-isa lang ang heneral kasama kami, ngayon ay marami na sila.

Habang dumarami ang kasamahan ng heneral ay paunti ng paunti rin ang mga lalaking sumugod kanina pero hindi yon dahilan para kumalma dahil nalaman kong delikado ang buhay ng pamilya ni Aurora kung didikit sila sa heneral at napunta ako sa panahong ito para hadlangan iyon.

Dahil sa panginginig ng katawan sa takot ay mahigpit kong niyakap si Leria. Kahit ako ay aminadong natatakot sa nangyayari pero hindi ko nalang ipinahalata iyon.

"AURORA!!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko kung sino at kitang kita ko kung paanong  natatarantang lumapit ang ama ni Aurora papunta sa akin. Tulad ng iba ay nakasuot din ito ng uniporme.

"S-señor Juancho!" pagtawag ni Leria sa ama ni Aurora na may bahid ng pagsisisi. Tinanguan lang siya nito at dumiretso sa direksyon ko.

"Huwag ka nang matakot, Anak. Nandito na ako! Tahan na" masuyong sabi ng may katandaang lalaki na siguro ay nasa edad 40 na. Hindi ko man maintindihan ay parang automatic na tumulo ng sunud-sunod ang mga luha ko dahil sa pangungulila. Ito siguro ang nararamdaman ni Aurora dahil nasa katauhan niya ako ngayon.

"Kamusta na ang kalagayan ni Aurora, Juancho?" sabi ng malamig na boses sa bandang likuran ng ama ni Aurora. Nang marinig ni Señor Juancho ang boses ng heneral ay mabilis pa sa alas kwatrong gumilid siya at nag-salute sa kanya bilang pag galang.

"Maayos na ang lagay ko.  Maraming salamat!" labas sa ilong na sabi ko dahil kahit niligtas niya ako ngayon ay alam ko naman ang katotohanang wala syang dahilan para iligtas ako.

"Aurora, ayusin mo ang iyong pananalita! Ang heneral ang nagligtas sa iyo kaya't magbigay-galang ka sakanya!" masuyo man ang boses ay may bahid parin ng pagka-strikto ang boses ni Señor Juancho sa akin na parang pinapangaralan niya ako.

"ye—opo, señor —ama" nahihirapang sagot ko. At bakit ako magbibigay-galang sa taong papatay sayo? hindi mo ba alam ang pinagdaanan ng anak mo pagkatapos nyong mamatay? Mapait akong ngumiti habang inaalala ang nakakalungkot na bahagi ng alaala ni Aurora.

"Pagpasensyahan mo na ang aking anak, Joaquin. Marahil ay hindi pa siya makapaniwala sa mga nangyaring sakuna kanina lamang" palusot niya na lang sa heneral.

"Naiintindihan ko." maikling sagot ng heneral. This guy is a man of few words. Hindi ko alam kung sa anong dahilan nagustuhan ni Aurora ang lalaking ito kung halos pipi siya pag kausap. Siguro 3/4 ng buhay nya ay boring!

"Pasensya na sa inasal ko kanina kahit na ginawa mo kaming pain sa mga kaaway mo..nadala lang ako ng takot. pero nagpapasalamat ako dahil niligtas mo kami ni Leria" napakunot ang noo niya ng marinig niya yung sinabi kong ginawa nya kaming pain ni Leria. Of course! Hindi ba obvious? Kung hindi niya kami hinatid siguro ay walang engkwentro na mangyayari pero may nakasalubong kaming mga rebelde kanina. Kung kanina ay siya lang at yung kutsero ang kasama namin ni Leria, ngayon ay marami na sila. I can tell it within a blink of an eye na planado iyon.

"Kung iyong mamarapatin ay iuuwi ko na ang aking anak at muli'y lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagligtas kay Aurora,  Joaquin" ulit niya. Pero kahit gaano parin kaganda at kalinis ang intensyon mo sa kanya,  kung ipagpipilitan niya ang duda ay walang kwenta rin ang paglilingkod mo sa kanya. Gusto kong sabihin nalang ang mga nasa isip pero alam kong maling hakbang ang gagawin ko at baka mas lalong mapaaga ang kung anong nakatakdang mangyari.

----------
Terms:

Que comience la ejecución! - let the execution begin!

Heneral, Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon