Chapter 12: Torned

320 17 8
                                    

Warning: This chapter contains references to violence, profanity, and physical abuse which some individuals may find distressing. Read at your own risk.


Madamdamin kong niyakap ang katawan ni Aurora na unti-unting naglalaho sa hangin. Hanggang sa tuluyan itong naging mga alitaptap na nagsisilbing ilaw sa dilim.

Pikit mata kong ninamnam ang lungkot at umusal ng maikling dasal hanggang sa unti-unting gumaan ng kusa ang aking kalooban. Sa pagdilat ng mata ay ang madilim na kapaligiran ang aking nakita bukod sa nagiisang lampara na nagmumula sa loob ng bahay kubong pinanggalingan ko.

Kinuha ko iyon at madaling naglakad pabalik doon sa makipot na daanan kanina at habol hiningang tinahak iyon papalabas sa main road.

Nang makarating ako doon ay ibinaba ko sandali ang lampara at panandaliang tinali ang lumuwag na pagkakabuhol ng tela sa saya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa aming bahay kahit alam kong may kalayuan.

Ang masaklap pa ay hindi ko na nakuha ang mga kagamitang nabili ko sa bayan kanina. Gagamitin ko sana iyon para sa susunod na gagawin namin ng mga bata sa plaza. Abot-langit ang inis ko kay tatang nang maalala iyon.

Halos kalahating oras na akong naglalakad sa dilim nang may maaninag akong liwanag mula sa isang kalesa sa di kalayuan. Nabuhay ang pag-asa kong makauwi at pinara ito.

"Sandali! Para!" Sigaw ko bago pa makalapit ito sa aking harapan.

"Señorita.. papauwi ka pa lamang?" Sabi ng pamilyar na mukha.

"Mang Isko, hulog ka ng langit! Opo, iniwan kasi ako noong kutsero kanina sa daan!" Reklamo ko. Swerte ko na lang dahil kilala ko ito at palaging naghahatid sa amin ni ina papuntang bayan.

"Kung ganoon ay halina't sumakay, kaya lamang—" Kamot ulo nitong sabi.

"Anong ginagawa ng isang Dela Fuente sa kalagitnaan ng dilim?" Rinig kong sabi ng isang baritonong boses. Gustuhin ko man na pilosopohin ito ngayon ay mas nanaig padin ang kailangan kong umuwi.

Ramdam ko ang kapaguran mula sa paglalakad nang makita ko ang salubong nitong mga kilay.

"Paumanhin heneral ngunit naiwan lamang ako sa byahe papauwi kanina lamang." Kalmado kong tugon dito.

"Hindi ba't kita'y binalaan una pa lamang na mapanganib sa daan?" Strikto nitong tanong na parang nakasalang ako sa isang question and answer portion.

Palihim ko itong inirapan. "Isasabay mo ba ako o hindi?" Mapang-umay kong tanong dito.

"Puñeta! Hindi ka ba sasagot ng ayos? Walang modong bata!" Matigas nitong sabi.

That's it. Naubos na ang pasensya ko para makipag-argumento sa taong ito kaya't mas pinili ko nalang na ipagpatuloy ang paglalakad. Di bale nang mapagalitan mamaya dahil hindi ko kakayaning makipagbangayan sa taong hindi deserve ng oras ko.

At isa pa.. hindi na ako bata. Mantakin mo 'yon? I'm 18 physically pero 20 years old na ako. Ano ba ang mapapala kong paghabol sa kanya na sagad sa kasamaan ang pag-uugali?

Ika ika na ako sa paglalakad dahil sa nakataling tela ng saya. Maya't maya din ang paghinto ko para itali ulit dahil kumakawala nanaman sila. Ganoon lang ang naging eksena ko sa madilim na daanan at alam ko naman ang direksyon na pupuntahan dahil sa liwanag ng lamparang dala ko pero any moment ay mauubos na din ang gaas na laman nito.

Halos manlamig ang buo kong katawan nang may kung anong humawak sa aking hita at likuran kasabay ng pag-angat ng katawan ko.

"Aaaahhh! Putangin—" Tili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heneral, Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon