CHAPTER 3

196 44 16
                                    

"Awwwww!" daing ko.

Ang sakit ng ulo ko. Wait, ang sakit ng buong katawan ko. Hangover sa juice?

Dahan dahan ko minulat ang mga mata ko.

"Kaya pala...." mahina kong sabi.

Dinadaganan lang naman ako ni Harvey. Yung isang malaki niyang braso nasa noo ko at yung isang malaki niyang hita, nakapatong sa dalawa kong hita.

Bakit naging ganito posisyon namin? I don't know. Hindi ko alam. Wala akong alam. Hihi

Agad akong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin. Ibig kong sabihin, sa pagkakadagan niya sa akin.

"Mia." sabi ni harvey na ikinagulat ko.

"O-oh, gising ka na." sabi ko. Ano? Bakit nauutal? May crush? Oppps.

"Maaga pa. Matulog ka pa." sabi niya at hinigit niya ko na naging dahilan para mapahiga ako sa braso niya.

Jusko! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat sinasampal ko na siya ngayon pero hindi. Eto ako, ineenjoy ang pagkakahiga ko.

"Mia." sabi niya.

"Hoy! Hindi ko to gusto noh! Hinigit mo kaya ako!" sigaw ko.

Naginit ang mukha ko at napapikit ako sa hiya.

"Mia, let's not be friends." sabi ni harvey.

Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga.

"Pagkatapos ng mga ginawa ko sayo?" sabi ko.

Konti na lang maiiyak na ko. Nagtiis akong ifriendzoned niya ko tapos ngayon ganyan? Walang utang na loob!

Kung alam ko lang na ayaw niya kong maging kaibigan edi sana noon pa lang inamin ko na sa kanyang gusto ko siya!

Kinuha ko ang bag kong nakapatong malapit sa kama niya na dahan dahang naglakad palabas ng kwarto niya.

Pigilan mo ko!

Pigilan mo kooooooo!

"Mia!" sigaw niya.

"Wag mo kong pigilan!" sigaw ko with matching paghagis pa ng bag sa sahig. Napatalikod ako sa hiya.

"Let's be more than friends." sabi niya. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Yung tipong pag tinitigan ako ng prof ko habang naghahanap ng sasagot sa recitation. Ganern mga beshy.

"B-best friends naman tayo ah." sabi ko with mahinahon na voice.

"No. I want you to be my girlfriend." sabi niya. Wala na, finish na. Rest in peace, Mia.

Feeling ko iniwan na ko ng kaluluwa ko at nagpunta na ng Tee club para magparty.

"H-hoy! A-ano bang pinagsasasabi mo dyan?" tanong ko.

"Gusto kita." sabi niya.

"Gusto rin naman kita pero di ko sinasabi." sabi ko. Gusto ko ng gumuho tong kinatatayuan ko at kainin ng lupa para iligtas ako ni Harvey.

"Ha?" tanong niya.

Gusto kong ulitin yung sinabi kong gusto ko siya pero hindi ko na kaya.

"I love you, Mia. I really do." sabi niya. Kung nakamamatay lang ang kilig, patay na ko.

NBSB ako tapos sasabihan ako ng ganyan? Ano gusto mong gawin ko?

Aamin na ko. 5 years ko ng gusto si harvey. Oh sige aamin pa ko. Hindi lang gusto, gustong gusto.

Kung saan siya nagenroll ngayong college, dun din ako. Kung anong course kinuha niya, kinuha ko rin. Kung anong section niya, section ko rin.

Ganyan ko siya kagusto.

4th year high school kami ng maging classmate ko si Harvey. Masayahin. Sobra. Kaya naisip ko, gusto kong maging malapit kami sa isa't isa. Para parehas kaming masaya. Pero hindi in a way na ipe-friendzoned niya ako.

Tandang tanda ko pa yung sinabi niya sakin nung first day of school nung 1st year college pa lang kami.

"Mia! Bestfriend na tayo ah? Tutal classmate naman tayo nung 4th year high school."

Nung narinig ko yon, pinilit ko talagang alisin lahat ng pagkagusto ko sa kanya. Ayokong magkaroon ng malisya noh!

Good thing, naalis naman siya. Pero hindi nawala. Hihi

Biglang nagring ang phone ko. Kukunin ko na sana pero tumalsik pala yon sa ilalim ng kama ni harvey nung nanginarte ako kanina.

Kukunin ko na sana pero inunahan ako ni harvey.

"Oh." sabi niya at inaabot sakin ang phone ko.

Ayoko lumapit sa kanya. May malisya na. Ayoko talaga.

"Si elaine ang tumatawag." sabi niya pagkatapos niyang tingnan yung screen ng phone ko.

Walang malisya akong lumapit sa kanya.

Aabutin ko na sana yung phone ko ng tumigil ang ring nito. Awkward!

"Mia.." sabi niya. Nasa harapan niya ko. Leche! Anong gagawin ko?

"Gusto lang kita dati pero ngayon mahal na kita. Pano to?" sabi niya with his killer smile. Anak naman ng pato oh!

"A-ako rin." nauutal kong sabi. Ang gaan bigla ng pakiramdam ko. 5 years kong tinago yon. And finally...

"I love you." sabi niya.

Wait teka. Parang ang bilis. Diba dapat nagpakipot ako ng onti?

Bigla kong naalala si claire.

"Rebound lang ba ko?" tanong ko. Umayos ka ng sagot!

"No. You're not." sabi niya. Dahil english, naniwala ako.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi mo alam kung gaano ko kasaya." sabi ni harvey.

"I love you." sabi niya uli.

"I-

Napahinto ako sa sasabihin ko ng magring ang phone ko.

I love you too na yon eh!

"Wag mo sagutin. Ano yung sasabihin mo?" harvey said. Pero agad kong sinagot ang tawag ni elaine.

Elaine: Burger tayo!
Mia: H-ha? Oo, sige!

"I-loudspeaker mo." mahinang sabi ni harvey. Kinilig ako.

Tumalikod ako sa kanya.

Elaine: Papunta na ko sa sakayan. Text mo na lang ako.
Mia: Sige. Excited na ko! Miss ko na yon eh!

Nabitawan ko ang phone ko dahil sa pagkakahigit sakin ni harvey.

"A-ano?" tanong ko habang magkalapit na ng sobra ang mga mukha namin.

Dahan dahan siyang lumapit sa mukha ko.

At....

At.........

At pinulot ang phone ko. Hayyy

"Elaine, hindi pwede si Mia. May date kami." sabi ni harvey. Kinilig ako pero at the same time patay ako kay elaine.

Dali dali kong inagaw ang phone ko.

Elaine: Magkasama kayo? Na naman?
Mia: Hindi! Ano! Kasi!
Elaine: Sus. Byeeeee

Call ended.

"I...." sabi ni harvey.

"I..." sabi ko naman.

"Go, Mia!" pagche-cheer niya sakin.

"I...." sabi ko. Kaya ko ba?

Nakangiti siyang nagiintay sa sasabihin ko.

"I need to go!" sabi ko at dali daling kinuha yung wallet ko sa sahig. Hinayaan ko ng maiwan yung iba.

"Mia!" sigaw ni harvey.

Nagmamadali kong sinara yung pinto ng condo niya.

"Mia!" sigaw ni harvey na nakasilip sa pinto ng condo niya.

"I love you too!" sigaw ko.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon