CHAPTER 47

56 28 3
                                    

Sumakay na kami sa kotse nya ng biglang nagring ang cellphone niya.

"Oh? Bakit? Ayoko. Bahala kayo. Mangonsensya ka pa! Ayoko nga!" Sabi niya at pinatay na ang tawag.

"Sino yon?" Tanong ko.

"Sila Vince. Gusto makisleepover. Mga walang magawa!" Sabi niya.

"Pumayag ka? Mukhang hindi. Dapat pumayag ka!" Sabi ko.

"Sira! Kasama kita sa condo tapos andon yung mga siraulong yon?" Sabi niya.

"Sa bahay na lang muna ko. Kaya ko naman magisa. Or kaya, sa hospital na lang muna ako." Sabi ko.

"Ayoko nga." Sabi niya. Selfish!

"Mamaya nyan magtampo sayo yang mga yan!" Sabi ko.

"Magtatampo? Imposible." Sabi niya.

"Baka nakakalimutan mo, mga kaibigan mo yang mga yan." Sabi ko.

Hindi na siya nagsalita.

Pumasok na kami sa condo niya at naupo sa sofa para makapagpahinga.

"Nakakapagod." Sabi ko.

"Sobra." Sabi niya. Ikaw na maglakad ng nakaheels. Hahahahaha

"Tulog muna tayo?" Sabi niya.

"20 minutes?" Tanong ko at tumango siya.

Pipikit na ko ng may kumatok.

"What the!" Sigaw ni Harvey.

Tumayo siya at binuksan ang pinto.

Sila Vince. May mga dalang pagkain. At beer. Beer. Magiinom ang mga siraulo. Hindi ako safe dito. Charot! Hahahahaha

"Pumayag ba ko?" Tanong ni Harvey.

"Kaya naman pala! Andito si Mia." Sabi ni Vince.

"Mia, si Harvey ayaw pumayag makikisleepover lang kami." Sabi ni Vince.

"Nagsusumbong ka?" Tanong ni Harvey.

"Sige na nga. Inuman na lang, wala ng sleepover." Sabi ni Ben.

"Pumayag ka na.." Sabi ko.

Konsintidor? Hahahahaha

Ayoko namang isipin nila na inaagaw ko sa kanila ang kaibigan nila.

"Yun naman pala eh!" Sabi ni Vince at pumasok na silang tatlo. At nilagay ang mga pagkain at beer sa lamesa sa may sofa.

"Harvey, sa kwarto na lang ako. Pag may kailangan ka, tawagin mo na lang ako." Sabi ko.

"Okay lang ba talaga?" Tanong niya.

"Oo nga! Sige na!" Sabi ko at pumasok na sa kwarto niya.

Isasara ko na sana ang pinto ng sumingit siya.

"Wag kang lalabas ah." Sabi niya.

"Bakit? May hindi ba ko dapat marinig?" Tanong ko.

"Wala!" Sagot niya.

"Labas na! Labas na!" Sabi ko.

Isasara ko na sana ng sumingit na naman siya.

"Ano na naman!" Sabi ko.

"Kiss." Sabi niya. Kiss? Manyak.

"Labas!" Sabi ko at sinara ang pinto.

Pagkasarang pagkasara ko ng pinto, nanghinayang ako. Dapat pala pumayag na ko. Aigoooo

Humiga na lang ako sa kama at tinawagan si Elaine. Namiss ko lang siya.

Elaine: Mia! Buti napatawag ka.
Mia: Bored lang. Hahahahaha
Elaine: Wow. Pag bored lang ako naaalala?
Mia: Joke lang!
Elaine: May pasok na naman tayo sa isang araw. Kakatamad.
Mia: Oo nga eh. Kamusta naman kayo ni MJ?
Elaine: Going strong. Eh kayo? Itatanong ko pa ba? Eh halatang halata naman. Hahahahaha
Mia: Hahahahahaha. Andito sa condo sila Vince, nagiinuman sila.
Elaine: Pinayagan mo?
Mia: Oo. Bakit hindi?
Elaine: Aba, baka mamihasa yan.
Mia: Hindi naman siguro.
Elaine: Edi bored na bored ka dyan?

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko sila Vince.

Mia: Sige na. Babye!

Pinatay ko na yung tawag.

Kinakabahan ako.

Asan ba si Harvey? Sisigaw na ko ng rape!

"Mia.." Si Vince.

"B-bakit?" Tanong ko.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon