CHAPTER 69

13 1 0
                                    

MIA

Nagising ako ng 5am dahil sa pagring ng cellphone ko. Dahan dahan akong bumangon, kinuha ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Tsaka ko sinagot ang tawag.

Mia: Hello?
0999: Mia. Ako to, si Doktor James. May proposal ako sayo.

Boses ba lang, si Dok nga siya. Proposal? Balak niya ba magpakasal sa akin.

Mia: Anong klaseng proposal dok?
0999: Tinanong mo ko kung pwede ang surgery diba? To cure your Alzheimers. I spent 30 years to study kung paano mag undergo ng surgery with your case.
0999: I think 30 years is enough.
Mia: So? Pwede na po ako magundergo ng surgery?
0999: Ikaw ang unang pasyente ko na maguundergo ng surgery for Alzheimers. Kaya mo ba magtake ng risk?
0999: Wala itong kasiguraduhan.
0999: It's a matter of life and death.
0999: Kaya mo ba magtake ng risk?

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

0999: Ooperahan kita pero inuulit ko, wala itong kasiguraduhan. 30-70 ang chances na mabubuhay ka. I don't know.
0999: But...
0999: Pag naging successful ang operation, wala kang makakalimutan. Wala. And... Never ka ng magkakaroon uli ng ganyang sakit.
0999: Are you still there?
Mia: A-ah opo, yes po dok.
0999: So, what's your decision?
Mia: Ayokong mawala. Ayokong magtake ng risk. Ayoko ilang iwan. Sorry dok.

At pinatay ko na ang tawag.

Bumalik ako sa kama at tinabihan si Harvey.

"Mia... Don't forget me, again. Please....." Si Harvey. Nadurog ang puso ko. Dahil sa sinabi niya at dahil sa mga luhang pumatak sa mga mata niya.

To: 0999
     Dok. Pumapayag na po ako. Magtatake ako ng risk. Mabuhay o mamatay man ako.

Yung makalimutan ko sila kahit hindi ko kagustuhan, parang pinapatay ko na rin sila. Pinapatay ko sila sa sakit.

At ayokong maramdaman o maramdaman uli nila yon.

From: 0999
     Come here at my clinic now. Magdala ka ng mga mahahalagang gamit. We're flying to Canada now. Hindi natin pwedeng gawin dito sa Pilipinas ang operation. Due to the lack of materials. I'm waiting.

Canada? Bakit naman sa Canada pa?

Nakapagdesisyon na ako. Kaylangan ko silang maalala lahat. Kaylangan kong magpagaling. Gagawin ko lahat para sa mga mahal ko.

Nagiwan ako ng sulat kay Harvey. Alam kong magagalit sila sakin dahil sa gagawin ko, pero ginagawa ko ito para sa kanila. Ayoko ng magalala sila sakin. Kaylangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.

Problema ko ito na kaylangan kong solusyunan.

Mamatay o mabuhay....

~



10 am ng makarating kami sa Canada. Gustong gusto kong makausap si Harvey. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang tawagan. Pero mukhang hanggang gusto na lang ako.

Nagdesisyon akong wag sabihin sa kanya kung nasaan at kung anong mga balak ko. Sigurado akong hindi siya papayag sila.

Pagkarating naman sa Hospital kung saan nila ako ooperahan, inutusan ako ni Dok na isulat sa isang pirasong papel ang mga pangalan ng mga mahal ko.

Si Tita.

Si Mike.

Si Elaine.

At si Harvey.

"Ready ka na Ma'am? Pasok ka na sa OR kung ready ka na." Sabi nung nurse. Gusto kong tumakbo palabas. Gusto kong munang yakapin si Harvey sa huling pagkakataon.

Hawak ko ang cellphone ko. Tatawagan ko na ba si Harvey? Si Harvey lang ang makakapagalis ng kaba ko.

Pero bago ko pa siya matawagan. Sumakit ang ulo ko.

"Aaaahh!" Sigaw ko.

Agad akong pinasok sa OR.

"Itutuloy pa ba natin?" Tanong ni Dok.

Tumango ako kahit sobrang sakit na ng ulo ko. Humiga ako sa kama sa loob ng OR. Tinurukan ako ni Dok. Unti-unting pumipikit ang mga mata ko.

"Harvey..." Sabi ko kahit nahihirapan ako.

Pagkatapos non. Hindi ko na alam ang nangyari. Tuluyan ng pumikit ang mata ko.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon