CHAPTER 34

96 31 16
                                    

MIKE

Gusto ko na makita si Mia. Hindi na ko sanay na hindi siya nakikita o hindi naririnig ang boses niya. Gusto ko ng gumaling. Gusto ko na lumabas ng hospital na to para masundan ko siya.


"Mike, umamin ka nga sakin. May gusto ka ba kay Mia?" Tanong ni mama. Hindi na ko nagulat, halatang halata naman kasi.

"Oo, Ma. Mahal na nga yata." Sabi ko.

"Mahal? Umayos ka nga. May boyfriend na si Mia." Sabi ni Mama.

"Asawa nga Ma naaagaw, girlfriend pa? Hahahahaha" Pagbibiro ko.

"Hindi na ko magtataka kung masusuntok ka na naman ni Harvey." Sabi ni Mama.

"Marami pang ibang babae dyan, Anak. Wag si Mia." Sabi ni Mama.

Yung kay Mama ko pa talaga maririnig yung mga salitang yon. Parang mas masakit.

"Kung sana nga Ma ganon lang kadaling gawin yon" Sagot ko at hindi na siya nagsalita.

To: Mia
     Mia? Nasaan ka na? Pupunta ka ba dito? Dadalawin mo ba ko?

Message sent! After 7 mins, nagreply siya.

From: Mia
     Oo, Mike. Dadaan kami dyan ni Harvey.

Si Harvey na naman. Lagi na lang si Harvey.

"Si Mia ba yang katext mo?" Tanong ni Mama.

"Oo Ma. Mahal na mahal nya raw ako." Sabi ko.

"Sige. Saktan mo lalo yang sarili mo!" Sabi ni Mama.

"Mama naman. Suportahan nyo naman ako kahit konti." Sabi ko.

"Lalo ka lang masasaktan dyan sa pinaggagagawa mo." Sabi ni Mama.

"Mas masasaktan ako Ma pag hindi ko naipaglaban si Mia." Sabi ko.

"Sasaktan na kita! Sagot ka pa ng sagot!" Sigaw ni Mama.

Lagi kong sinusunod ang mga sinasabi ni Mama. Pero this time, hindi muna. Papatunayan ko kay Mia ang pagmamahal ko sa kanya.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon