CHAPTER 26

99 33 2
                                    

MIA

Lumabas na si Harvey para bumili ng chicken ni Mike.

Magkakabromance pa nga dito.

VKook feels ❤

"Mia.." Pagtawag sakin ni Mike.

"Ano yon?" Tanong ko.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya.

"Oo. Ayos na ayos. Bakit?" Tanong ko.

"Mahal mo talaga si Harvey no? Kahit sinasaktan ka niya.. Kahit sinasaktan ka na.. Kahit pinapaiyak ka niya." Sabi niya.

Ano ba problema nito?

"Syempre naman, mahal ko si Harvey." Sabi ko.

Nakita ko yung mga lungkot sa mata niya nung sinabi ko yon.

Kahit masakit ang likod niya  pinilit niyang tumalikod sakin.

"Ahhhh!" Sigaw niya.

May patali-talikod pa kasing nalalaman.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang makahiga uli ng maayos.

"Wag ka ngang malikot, Mike." Utos ko.

"Ang swerte ni Harvey sayo." Sabi niya.

"Swerte rin naman ako sa kanya no" Sagot ko.

"Hindi rin." Sabi niya.

"Dami mong alam, Mike!" Sagot ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Gusto kita, Mia. Gustong gusto kita." Sabi niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Ano?!" Si Harvey.

Lumapit si Harvey sa amin. Agad kong inalis ang pagkakahawak ng kamay sakin ni Mike.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Harvey.

"Gusto ko si Mia." Sabi naman ni Mike.

"Gusto mo lang si Mia. Gusto mo. Hindi mutual ang feelings nyo. So you better stop it." Sabi ni Harvey.

"Ano ba nagustuhan mo dito, Mia? Pinapaiyak ka lang naman nito." Sabi ni Mike.

"Hindi ko yun ginusto. Hindi ko sinadya." Sabi ni Harvey.

"Pero umiyak pa rin siya." Sabi ni Mike.

Naiistress na ko.

Hindi ko na kaya ang atmosphere dito sa loob. Lumabas ako.

Ginugulo ni Mike ang buhay ko. Ang buhay namin.

Mahalaga si Mike sakin kasi mahalaga siya kay Tita tsaka mahalaga ako sa kanya. Pero yun lang. Oo, siguro minsan naku-cutean ako kay Mike. Pero yun lang yon.

"Mia? Anong ginagawa mo dito?"

"A-ah. Wala tita. Nagpahangin lang." Sagot ko. Medyo fail ang sagot ko. Nagpapahangin sa loob ng hospital?

"Pasok tayo, halika!" Sabi ni Tita.

"Harvey!" Sigaw ko.

"Anong ginawa mo, Harvey?" Si Tita.

Sinuntok lang naman ni Harvey, Si Mike.

Siraulo talaga.

"I'm so sorry, Tita. Hindi ko lang po talaga napigilan. Medyo hindi maganda tabas ng dila ng anak nyo. Sorry po uli." Sabi ni Harvey at lumabas siya.

Omg! Anong nangyayari? Omg!

"Tita, babalik po kami mamaya." Sabi ko at lumabas na.

"Ikaw. Ikaw lang. Ikaw na lang muna ang bumalik." Sabi ni tita.

Tumango ako at tuluyan ng lumabas.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon