CHAPTER 57

46 24 2
                                    

MIA



Okay.

Kung masarap ba daw?

Anong gusto mong isipin ko don? Kina Claire sya kumain kagabi. Malay ko ba kung anong kinain nila.


Hindi ko sinipot si Harvey. Aba, ayoko munang makausap siya. Masisisi nyo ba ako?

Natapos na ang buong klase pero hindi bumabalik si Harvey. Manigas ka dyan! Masarap naman diba? Huh!

"Mia, wala ka ba talagang balak na puntahan si Harvey?" Si Elaine.

"Tingin mo?" Tanong ko.

"Pagusapan niyo yan. Kausapin mo siya. Kung may gumugulo sayo, tanungin mo siya. Wag ka laging tamang hinala. Marinig ka muna sa kanya. Tsaka ka magconclude." Sabi niya. Wow!

"Sige, una na ako. Andito na si MJ." Sabi niya at tuluyan na siyang umalis.

Parang sa sinabi ni Elaine, gusto ko syang puntahan doon at yakapin ng mahigpit na mahigpit hanggang sa hindi na siya makahinga. Charot!

Dumiretso ako sa parking. Inintay ko siya, pero hindi siya dumating. Ano naman kayang ginagawa nya sa library? Alam naman nya siguro na labasan na.


"Mia!" Sigaw ni Claire. Dahil sa ayoko siyang saktan physically, mentally at emotionally umalis na ako.


~




"Andito na po ako!" Sigaw ko.

"Oh, Mia! Magpalit ka na ng uniform, magluluto na ko ng pagkain." Sabi ni Tita. Agad rin naman akong nagpalit.

"Hi, Mia." Si Mike. Nakasilip sa pinto ng kwarto ko.

"Ano?!" Tanong ko. Pumasok siya.

"Badtrip ka na naman ba? Tuwing kausap mo ko ganyan ka." Sabi niya.

"Hindi!" Sabi ko.

"Oo, hindi nga. Hindi nga halata." Sabi niya

"Umalis ka nga muna dito." Sabi ko.

"Wag ka namang magalit sakin. Wala kang pasok bukas, diba?" Tanong niya.

"Wala." Sagot ko.

"Samahan mo naman ako sa hospital bukas. Follow up check up ko. Sige na." Sabi niya.

"Oo." Sagot ko.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Harvey.

Mia: Ano?
Harvey: Mia, kausapin mo naman ako.
Mia: Ayoko.
Harvey: Andito ako sa labas ng bahay niyo.

Pinatay ko ang tawag at sinilip ko siya sa labas. Andoon nga siya, sumunod naman sakin si Mike.

"Mia!" Sigaw niya.

"30 seconds." Sabi ko.

"Anong 30 seconds?" Tanong niya. Bahala ka.

"25 seconds." Sabi ko.

"Ha?" Tanong niya.

"20 seconds." Sabi ko.


"Mia naman..." Sabi niya.

"15 seconds." Sabi ko.

"Magpaliwanag ka na! Siraulo!" Sigaw ni Mike.


"10 seconds." Sabi ko.

"Cookies yon. Yung masarap na sinasabi niya. Cookies yon. Okay? Cookies. Tinapay. Please! Maniwala ka! Eto yun oh!" Sabi niya at pinakita sakin ang cookies na galing sa kotse niya.

Nahiya ako ng konti.

Kung ano anong iniisip ko. Pag masarap yun agad? Hindi ba pwedeng cookies?


Lumapit ako sa kanya.

"I'm really sorry." Sabi niya.

"Hindi. Sorry! Kung ano ano naman kasi agad naiisip ko." Sabi ko.

"Sorry talaga. Don't worry, hindi ko naman to tinikman." Sabi niya. Napatawa ako.

"So, okay na tayo?" Tanong niya. Ngumiti ako at tumango.

"So, may date tayo bukas?" Tanong niya.

"Nako, Harvey. Naka-oo na kasi ako kay Mike. Sasamahan ko siya sa follow up check up niya." Sabi ko.

"Nanay ka ba niya?" Tanong niya.

"Edi sumama ka!" Sabi ko.

"Ano ko tatay niya?" Tanong niya.

"Ayaw mo non? Magasawa tayo." Sabi ko.

"Sige na nga. Sige, bukas." Sabi niya.

"Sa condo ka kaya matulog ngayon?" Sabi pa niya.

"Sasamahan nga natin si Mike bukas, diba?" Sabi ko.

"Edi dito ako tutulog." Sabi niya.

"Ang kapal!" Sabi ko.

"Pag ba sa condo ka natutulog, may naririnig kang reklamo?" Tanong niya.

"Ay, nanunumbat?" Sabi ko.

"Harvey! Andyan ka pala. Dito ka na magdinner." Sabi ni Tita.

"Talaga, Tita? Sige po." Sabi niya. Kapal talaga!

Pumasok kami at kumain na.

~


"Itetext na lang kita pag nasa condo na ko." Sabi niya.

"Okay lang kahit wag na." Pagbibiro ko.

"Kala ko okay na tayo?" Tanong niya.

"Nagjojoke lang! Sige na! Ingat ka!" Sabi ko.

"I love you." Sabi niya.


"Oo na. Ba-bye." Sabi ko at nagmadali akong isara ang pinto.

"Pag ka namumula?" Tanong ni Mike.

"H-ha? Wala. Wala to." Sabi ko.

"Kinikilig ka? Kay Harvey?" Tanong niya. Obvious ba?

"Ako ka ba? Alis dyan. Tutulog na ko." Sabi ko at pumasok na ko ng kwarto ko.

"Sana kaya ko ding papulahin yang pisngi mo, no?" Sabi niya.

"In your dreams." Sabi ko.

Lumapit siya sakin. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Don't tell me, hahalikan niya ako?

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon