CHAPTER 35

108 33 15
                                    

MIA



"Bat naman kasi kailangan pa nating dalawin yon?" Sabi ni harvey.

"Nago-OA ka na naman. Dadalawin lang naman eh." Sagot ko.

"Ano pa nga ba." Sabi niya.

Hindi ko na lang pinansin. Alam ko namang sasamahan pa rin niya ko.

Pagpasok namin sa room ni Mike. Naabutam namin si Tita na nanonood ng TV at si Mike na natutulog.

"Hi, Tita!" Pagbati ko.

"Hello po!" Si Harvey.

"Oh? Dapat sa bahay ka na dumiretso para makapagpahinga ka. Kamusta naman?" Tanong mo Tita.

"Masaya po. Si Mike po kamusta?" Tanong ko.

"Tulog. Di mo ba nakikita?" Bulong ni Harvey. Inirapan ko sya.

"Halika na! Nadalaw na natin." Sabi pa niya.

"Tita, una na po kami ha?" Sabi ko.

"Sige sige. Sasabihin ko na lang kay Mike na dumalaw kayo. Mukha namang okay na siya, sana nga makalabas na siya bukas." Sabi ni Tita.

"Oo nga po, Tita. Yaan nyo po, pagpapray po namin si Mike. Diba, Harvey?" Sabi ko.

"H-ha? Opo. Sige po." Sabi niya.

Palabas na sana kami ng may dumating na doktor.

"Good afternoon, Ma'am!" Pagbati niya kay tita.

"Tara na?" Pagyayaya ni Harvey.

"Wait. Pakinggan natin yung sasabihin." Sabi ko at lumapit kami.

"Ano na pong balita kay Mike? Okay na po ba?" Tanong ni Tita.

"Yun na nga po Ma'am. Lumabas na po kanina yung result. May nakita po kaming blood clot sa utak niya. Hindi pa naman sya nakalat so kaya pa naman siguro ng gamot. Sooner or later, mararamdaman nya na yung pananakit ng ulo. Anything na malapit sa ulo niya." Sabi ni dok. Nagpapanic na kami. Ano yon? Omg

"Pag nakaramdam siya ng pananakit ng ulo may posibilidad na magundergo tayo ng operation. But for now, let's pray na wag muna sumakit ang ulo niya kasi we don't have any materials for operation. Unfortunately, next week pa dadating yung mga materials natin." Sabi pa ni dok.

"But, if ever na wag naman sana sumakit ang ulo niya.. Tawagin nyo lang po kami." Sabi ni dok. Umiiyak ni si Tita. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Dont worry Ma'am, ginagawa po namin ang lahat para kay Mike." Sabi pa ni dok.

"Mauna na po kami." Sabi ni dok at lumabas na.

"Tahan na Tita, ayaw ni Mike na makita kayong nagkakaganyan. Magiging okay rin po ang lahat. Gagaling po si Mike." Sabi ko.

"Sana nga, Mia. Sana nga." Sabi ni Tita.

Umupo si Tita malapit kay Mike. Umupo naman kami ni Harvey malapit sa pinto.

"Okay ka lang?" Tanong ni Harvey.

"Naaawa ako kay Tita. Tapos nagaalala ako kay Mike." Sabi ko.

"Sabi ko naman sayo, masamang damo yon." Sabi ni Harvey.

"Harvey naman eh." Sabi ko.

"Ano ka ba! Gagaling yang si Mike. Aagawim ka pa nga nya sakin eh." Sabi ni Mike. Napangiti ako. Kahit konti, ramdam kong nagaalala rin naman tong si Harvey.

"Sige na Mia, Harvey.. Umuna na kayo. Darating yung mga pinsan ni Mike mamaya kaya madaming magbabantay sa kanya." Sabi ni Tita at ngumiti siya.

"Sige po tita." Sabi ko na lang. Naglakad na kami palabas ng pinto.

"Mia..." Si Mike. Nagmadali akong lumapit sa kanya.

"Mike? May masakit ba? Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Okay lang ako. Sobra ka naman atang magalala sakin. Baka nga bukas lumabas na ko eh." Sabi niya. Kung alam mo lang. Hayyyy

"Sira! Magpagaling ka na. Wag mo pinagaalala si Tita." Sabi ko.

"Hindi ako sanay na ganyan ka. Nafafall ka na siguro sakin no." Pagbibiro niya.

"Siraulo ka talaga kahit kelan!" Sabi ko.

"Aalis na kami. Magpagaling ka na agad." Sabi ko.

"Oo naman. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nagpapagaling." Sabi niya.

"Sige na. Aalis na kami." Sabi ko at tumalikod ako sa kanya.

"Aaahhh!" Sigaw niya.

"Bakit? Anong masakit? Dok! Dok!" Sigaw ko.

"Nagjojoke lang! Bakit ang o-ooa nyo?" Patawa tawa pa siyang sinabi yan.

Naglapitan kasi kaming lahat.

"Kala mo nakakatuwa yang joke mo?" Si Harvey. Uyyy, nagaalala.....

"Ha? Ano bang meron?" Tanong niya.

"Sige na Mia.. Umuna na kayo." Sabi ni Tita at hinila na rin ako ni Harvey palabas.

"Bat ganyan ang mukha mo? Alalang alala?" Tanong ni Harvey.

"Siraulong Mike yon! Kala ko tuloy!" Sabi ko.

"Kala mo mamamatay na? Grabe ka naman." Sabi ni Harvey. Tinignan ko sya ng masama.

"Siraulo naman talaga yon." Sabi ni Harvey.

"Kain tayo?" Pagyayaya niya.

Tumango ako at sumakay sa kotse niya.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon