CHAPTER 65

13 1 0
                                    

Natapos ang buong dalwang linggong pag sleepover dito ni Harvey sa bahay. Ang weird ko lang. Minsan bigla na lang ako magugulat kung bakit andito si Tita, si Mike at Harvey. May mga gamit akong hindi ko na magamit. Ewan ko talaga. Umalis na din si Harvey, nasa condo niya na ulit siya.

"Mike! Nakapagpacheck up ka ba kahapon?" Tanong ni Tita kay Mike. Tama, bat kaya hindi ako magpacheck ngayon?


~



"Dito na lang po." Sabi ko sa taxi driver at bumaba na ko.

From: Harvey
     Mia, nasaan ka? Umalis ka raw sabi ni Mike.

Pumasok na ako sa clinic ni dok.

"Anong araw ngayon?" Tanong niya.

"Teka dok, uupo muna ko." Sabi ko.

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Tanong ni dok. Bakit ba? Birthday niya ba? Edi happy birthday!

"Did you know?" Tanong niya. Nageenglish na naman ang lolo niyo. Teka nga.

"I always lose track of the date." Sabi ko. Wag kayo, manonosebleed kayo later wait.

"I told you to come back in a week, not two." Sabi ni dok.

"Told you dok, makakalimutan ko." Sabi ko.

"Wag mo gawing biro to." Sabi ni dok.

"Hindi naman po ako nagjojoke, doc." Sabi ko.

"Any siblings?" Tanong niya.

"One sister. Hindi po pala. Wala pala." Sabi ko.

"Ilang taon na yung sister mo?" Tanong niya.

"21. Wait, wala nga akong sister dok!" Sabi ko.

"Eh yung brother mo?" Tanong niya.

"17.. 16. Ay oo 15. Teka nga dok, wala nga akong kapatid. Babae, lalaki, bakla o tomboy. Wala!" Sabi ko.

"Mahina talaga ako pagdating sa mga numbers dok." Sabi ko pa.

"Anong date na?" Tanong ni dok.

"April 4, 3 or 2, 2017" Sabi ko.

"You sure?" Tanong ni dok at umiling ako.

Inexamine na niya ako at ini-ICCT Scan. Pagkatapos ay tinanong niya uli ako.

"Anong kulay ng light signal pag pwede ng tumawid?" Tanong niya.

"Anoong klaseng tanong po yan?" Tanong ko.

"Sagutin mo na lang." Sabi niya.

"Ano nga po yung tanong?" Tanong ko.

Madami pa siyang tanong sakin na halos hindi ko masagot dahil sumasakit ang ulo ko.

"Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?"

"What's 18 plus 19?"

"If i fly a balloon when the wind moving westward... which way will it go?"

"Paano ginagamit ang ballpen?"

"Ang kutsara?"

Diba ang weird ng mga tanong ni dok pero mas weird ako kasi hindi ko masagot.

To: Harvey
     Punta ko sa condo mo. Galing akong hospital.

From: Harvey
     Stay. I'm coming.

To: Harvey
     *black message*

Sumakit yung ulo ko kaya hindi ako nakapagtype.

Naglakad lakad ako palayo sa ospital hanggang makarating ako ng Japan. Asan na ba ako?

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon