CHAPTER 56

69 24 2
                                    

HARVEY





Kaya ayaw kong nagkakatabi kami ni Mia sa classroom kasi pareho lang kaming hindi makakapagfocus. Napatunayan naman.

Sobrang badtrip naman ata ngayon ni Sir ngayon. Kaya eto napapunta ko sa Dean's office.

Pagpunta ko don, binigyan ako ng punishment ng dean. Kaylangan ko ayusin ang mga books sa library.

Nagsimula na agad ako para magkasabay pa kami umuwi ni Mia. Kaso itong mga babae dito, yung mga inaayos ko; ginugulo.

Buti na lang nagtime na at umalis na sila.

"Bro!" Sigaw ni Vince.

"Nasaan si Mia?" Tanong ko.

"Andoon, iniintay ka." Sabi ni Vince.

"Bro, ihatid mo muna si Mia. Sa bahay nila ha? Wag sa hospital. Wag mo na ring papuntahin dito. Sabihin mo wag syang makulit." Sabi ko.

"Teka naman Pre, easy!" Sabi ni Vince.

"Hina mo pumick-up! Sige na!" Sabi ko.

"Sige. Sige. Linisin mong mabuti yan! Sayang ang pinapasweldo ko sayo--- aaaaaah!" Si Vince. Binato ko lang naman sya ng book.

"Pre naman! Binabasa ang libro hindi binabato!" Sabi ni Vince.

"Umalis ka na! Kung ayaw mong makakita ng encyclopediang lumilipad." Sabi ko.

"Oo na! Akin muna si Mia." Sabi ni Vince. Siraulo talaga!

"Papatayin naman kita, Vince! Hindi ako nagbibiro!" Sigaw ko.

"Joke lang! Sige na!" Sabi ni Vince at nagmamadaling umalis.

"Thanks, Bro!" Sigaw ko.

"Anong thanks? Si Mia lang, solve na ko! Hahahahahaha." Sabi ni Vince.

"Bumalik ka dito! Vince!" Sigaw ko.

"Hahahahahaha!" Tawang tawa naman siya at umalis na.

Kung hindi ko lang kilala tong si Vince, masasaktan talaga to sakin.

Tinetext ko si Mia pero hindi siya nagrereply.

Natapos ko ng ayusin ang mga libro kaya pumunta na ko ng Dean's office para magpaalam kay Dean.

"Dean, tapos na po ako. Una na po ako." Sabi ko at naglalakad na paalis.

"Harvey! Sa bahay ka na magdinner. Say yes or you'll be drop." Si Dean.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon