CHAPTER 49

57 24 3
                                    

MIA

"Si mom. Nakalimutan mo na ba? Singer siya right?" Sabi ni Harvey.

"Oo nga pala. Sige na, dun ka na muna." Sabi ko at sumunod naman sya agad.

Pinilit ako! Ayoko naman talagang kumanta pero pinilit ako.

Pinilit ako magluto. Ginusto nyo to. Walang sisihan.

Magluluto na ko ng specialty ko na sinigang. Makakalimutan nila ang pangalan nila sa alat nito. Best revenge is coming! Bwahahahahaha!

Inubos ko lahat ng asin para sa sinigang ko.

Nang naluto yon, inihain ko na rin agad sa kanila. Agad agad!

"Eto na ang sinigang at kanin. Kain na kayo!" Sabi ko. Hahahahahaha!

"Wow! Mukhang masarap!" Sabi ni Vince. Mukha lang? Tadyakan kita sa mukha mo!

"Sakto, favorite ko to!" Si Mark. Tingnan natin kung favorite mo pa yan pagkatapos mong tikman yan. Hahahahaha!

"Bawing bawi ka na, Mia." Si Ben. Talaga! Huh!

"Tara, Pre. Kain tayo." Sabi ni Vince kay Harvey.

"Sige lang. Mamaya na kami ni Mia." Tiningnan niya ko at nginitian. Bwahahahaha!

"Kain lang ng kain ha? Wala na lang magsasalita. Enjoyin nyo lang yan." Sabi ni Harvey.

Yung totoo? Ang sakit ah!

"Mukha naman talagang hindi kami makakapagsalita sa sarap nito." Sabi ni Vince. Dami pang sinasabi! Kain na!

Sabay sabay silang sumubo at sabay sabay din silang uminom ng tubig.

"Fuck! Ang alat. Ang alat pero ang sarap. Nagcocompliment yung lasa." Si Vince. Sige, ilusot mo pa!

"Hindi ko na to paborito. Dahil paboritong paborito ko na to!" Sabi ni Mark. Bwahahahahaha! Thank you.

"Nilalagyan pala ng asin ang sinigang? Ng madaming madaming asin? Now I know!" Sabi ni Ben. Now you know na talaga! Mga siraulo kayo!

"Sige. Pasok muna ko sa kwarto." Sabi ko at pumasok sa kwarto. Hindi ko sinara yung pinto para marinig ko yung usapan nila.

"Bro, ang alat. Grabe!" Si Vince.

"For sure bukas, may sakit na ko sa bato." Si Ben.

"Hindi ko na favorite ang sinigang." Si Mark.

"Ubusin nyo yan!" Si Harvey.

Hahahahahahahaha! Ang sarap sa feeling na madami ng nakatikim ng specialty ko.

"Maginuman na lang tayo!" Si Vince.

Sinara ko na ang pinto at tumawa ng tumawa. Hanggang sa nakatulog ako.

Halos 30 minutes din akong nakatulog. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para silipin sila.

Walang tao.

Asan sila? Si Harvey?

Lumabas ako at tumambad sakin ang walang malay na katawan ni Harvey. Siraulong to! Kala ko walang balak uminom.

Hinila ko si Harvey papuntang kwarto niya at sapilitang inihiga sa kama. Hinubad ko ang damit niya at pinaltan yon. Syempre, pinunasan ko muna.

Oo na! Nahawakan ko yung abs!

"Sleepwell." Bulong ko sa kanya at binalikan ang mga kalat nila.

Magsisisi na ba ko na pumayag akong maginom sila?

Nagsimula na kong maglinis. Sinigurado kong walang ni konting dumi ang matitira.

Pagkatapos ko maglinis ay nagshower na ko.

~



"Waaaah!" Sigaw ko.

Paglabas na paglabas ko sa CR, nakita ko si Harvey na nakatayo sa sala.

"Nananaginip ba ko? Naginom ba kami?" Tanong niya.

"Ha?" Tanong ko.

"Imposible!" Sabi niya.

"Lasing ka na. Bumalik ka na don!" Sabi ko.

"Walang kalat?" Tanong niya.

"Nilinis ko! Bumalik ka na don!" Sabi ko.

"S-sorry, Mia. Hindi dapat ako uminom." Sabi niya.

"Sus. Drama mo! Bumalik ka na nga doon at matulog ka na uli." Sabi ko.

"Salamat.." Sabi niya.

"Sana lagi kang lasing. Ang saya!" Sabi ko. Kasi naman nagpasalamat in Tagalog. Hahahahahaha.

"You're my girl. It's my job to keep you happy." Sabi niya. Yun lang. Nagenglish uli.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon