CHAPTER 60

64 24 2
                                    

Gulat na gulat siya na tumayo at lumapit sa akin.

"Bakit? Ang aga mo." Sabi niya.

"Bakit? Sino yan?! Sino yang babae na yan? Kelan mo pa ko niloloko? Si Ivy ba yan? Grabe ka naman, Harvey." Sabi ko. May babae kasi na nakahiga sa kama niya.

"Si Mich yan." Sabi niya. Sinilip ko siya. Omo, si Mich nga.

"Teka, bat ba dito yan natulog?" Tanong ko.

"Umiiyak yan nung dumating dito. Tinatanong ko kung bakit, ayaw naman magkwento. Basta raw dito siya tutulog." Sabi ni Harvey.

"Umiiyak? Wow. Umiiyak pala siya." Sabi ko.

Naglakad kami papunta sa sala niya.

"Ano bang meron? Ang aga mo." Sabi niya.

"Surprise!" Sigaw ko. Tawang tawa naman siya.

"Kuya, una na ko. Pahiram na lang ng kotse mo." Sabi ni Mich. At kinuha na nya yung susi na nakapatong sa may TV.

At tuluyan na nga siyang nakalabas ng pinto.

"Ano bang problema niya? Condo ko tapos kotse ko naman." Sabi ni Harvey.

"Anyway, magluluto lang akong breakfast natin." Sabi niya at nagpunta na sa kusina.

Bigla namang nagvibrate ang cellphone ni Harvey? Hindi. Hindi ito cellphone ni Harvey. Kanino naman to?

"Hindi. Hindi ko to babasahin. Hindi ako chismosa." Bulong ko sa sarili ko.

Pero hawak ko na ang cellphone at bubuksan ko na yung text message.

From: 0915
     Hindi kita matatanggap for my brother. Never. As in N-E-V-E-R. Break with him as soon as you can, bitch. I mean, Mich.

Ow? What's the meaning of diz?

"Harvey! Harvey! Kanino tong cellphone?" Sigaw ko habang hawak ang cellphone.

"Kay Mich yan. Naiwan niya." Sigaw ni Harvey. So, may boyfriend si Mich? Baka naman wrong send? Kaso may Mich?

Moving on..

"Mia! Halika na!" Sigaw ni Harvey. Namiss ko to. Yung niyayaya niya ko ng halikan. Hahahahahaha

"Wow, ang sarap naman nyan!" Sabi ko.

"Syempre naman." Sabi niya.

"Kala mo naman yang niluto mo?" Tanong ko.

"Ang aga naman niyan, Mia." Sabi niya. He smirked.

Nagsimula na kaming kumain.

"Dahan dahan lang. Ang amos mo na." Sabi niya. Masarap eh, bakit ba?

"Harap ka, tatanggalin ko." Sabi niya. Hindi ako humarap ako kumain pa ko.

Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa mukha niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Papalapit na ang mukha niya. OMG

Hinalikan niya ako!

"There you go. Wala ka ng amos." Sabi niya at kumain na uli.

Ah, ganon pala ha? Naglagay ako ng ketchup sa bibig ko. Yung madaming madami. Huh!

"Hi, Harvey!" Sabi ko. Humarap ako sa kanya. Pag lingon niya sa akin tawang tawa siya.

"Maghilamos ka nga. Baka malagyan yang uniform mo." Sabi niya.

Awww. Di niya ko ikikiss? Andweee

Naghilamos na lang ako tutal tapos na naman ako kumain. Natapos na rin naman siya.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon