CHAPTER 32

71 31 13
                                    

MIA


Nashock din ako nung nagdare ako.

Eh si Harvey kasi yung magdadare so please sana nababasa nya yung utak ko. Gusto kong sabihin nyang patayin ko si Ivy.

Siraulong Ivy yon. Lasang lasa ko pa din yung alat ng tubig sa pool. May araw ka din sakin! Kay gabi pa!

"Kiss me." Sabi ni Harvey.

Oh em gee gee gee gee gee!

Kiss me daw sa harap ng maraming tao? Hinsi na nahiya. Gusto ko magwalk out.

Pero eto papalapit na yung mukha ko sa mukha niya.

In 3, 2, 1 ikikiss ko na siya.

"Sa forehead." Sabi niya.

Eh leche, ang late nung forehead. Nakiss ko na sya sa lips. Landi ko shet!

"Woooooah!" Sigawan nila.

Mukha akong porn star dito. Hayerp!

Napatingin ako kay Harvey at ngiting ngiti ang siraulo.

Pinaikot ko ang bote at tumapat kay Ivy. Ha! Gotcha!

Ano kayang maidare sa kanya?

Kumain ka ng bubog hanggang mamatay ka o babasagin ko tong bote sa ulo nya hanggang sa mamatay sya? Hmmm.

"Dare." Sabi niya.

Yay. Magaling!

"Kiss mo si Harvey!" Sigaw ni Vince. Pucha! Anak ng!

Tiningnan ko agad si Ivy ng *subukan mo ikiss si harvey, papatayin talaga kita* look

"I'm out." Sabi niya at umalis na.

"Gago ka, Vince! Andito si Mia oh!" Sabi ni Ben.

"Pinaalis ko lang talaga sya. Mukhang hindi naman nageenjoy." Sabi niya.

Tinuloy na yung laro.

Ang ha-hard nung iba. Like, iinom ng 5 bottles ng beer; ikikiss yung puno, kakain ng 20 na sili at iiyak ng 10 mins. Hahahahaha

Swerte na lang namin, dahil kay Vince lahat nangyari yon. Hahahaha

Pagtapos nung laro, nagorder na lang ng pagkain at sabay sabay kaming kumain sa kubo.

Nagalisan na silang lahat at naiwan kami ni Harvey. Medyo dumidilim na.

"Mia.." Sabi ni Harvey.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bakit sa lips?" Tanong niya na ikinainit ng mukha ko.

"Kala ko lips eh. Magkatunog naman, yaan mo na. Forehead, lips. Oh!" Sabi ko. Mema.

"No. Hindi magkatunog." Pangaasar niya.

"Hayaan mo na nga! Pareho namang nasa mukha yon!" Sabi ko at nagtawanan na lang kami.

Naglakad lakad na kami pabalik sa kwarto.

"Baby!" Sigaw ni Mom. Este ano, Tita.

"Hi, Mia! Andito pala kayo?" Sabi ni Mom. Este, Tita.

"Mom! Opo, birthday ni President eh." Sabi ni Harvey. Nginitian ko na lang si Mom, Este Tita.

Nakita ko si Mich sa likod ni Mom, este Tita.

"Hi Kuya! Where's Ate Ivy?" Tanong ni Mich.

"She's already dead." Sagot ni Harvey na ikinagulat ko.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon