CHAPTER 24

102 35 4
                                    

"Anong sabi?" Tanong ni harvey.

"Si Mike raw. Naaksidente." Sabi ko.

"Ah." Sagot niya.

"Anong ah sinasabi mo dyan?" Tanong ko.

"Bakit ba? Kasalanan ba natin?" Tanong niya.

"Sa St. Fatima! Pupunta tayo!" Sabi ko.

"Mia!" Sigaw niya.

"Si tita. Sigurado ako nagaalala na yon." Sabi ko.

"Nagaalala ka kay tita?" Tanong niya.

"Oo. Syempre!" Sagot ko.

"Kay tita lang?" Tanong niya.

"Syempre pati kay Mike!" Sagot ko.

"I see." Sagot niya.

"Kung ayaw mo kong samahan, ibaba mo na ko. Ako na lang." Sabi ko.

"Eto na nga oh. Bibilisan na nga." Sabi niya.

"Wag ka magalala. Hindi basta basta mamamatay ang masamang damo." Sabi pa nya.

Hindi na ko nagsalita.

Alam ko namang masama ang loob nya kay Mike.

"Seriously? Alalang alala ka kay Mike no? Obvious na obvious" Sabi niya.

"Oo. Please harvey, wag sana natin tong pagawayan. Please!" Sabi ko at bumaba na kami ng kotse.

"It's okay. Knowing Mike, hindi yon basta basta bibigay. Mukang may balak pa nga yung agawin ka sakin. Wag ka magalala, hindi pa yan mamamatay" Sabi niya.

"Harvey!" Sigaw ko.

"Hindi na ko magsasalita." Sabi niya.

Tinanong namin sa nurse yung room nya at agad naming pinuntahan.

Nasa tapat na kami ng pinto.

Hindi ko alam kung bubuksan ko or what.

"Tita!" Pagbati ni Harvey kay Tita.

Hindi ko namalayan na binuksan na nya pala ang pintuan.

"Tita" Sabi ko at lumapit ako sa kanya.

"Naaksidente si Mike kagabi. Pauwi na raw sya non. Susunduin ko raw nya dapat eh. Sabi nung mga nakakita, ang bilis raw magpatakbo ng motor. Nagtaka nga ako, hindi naman to nagpapatakbo ng mabilis. Dahil..." Si tita.

Napagigil si tita. Bakit?

"May sakit sa puso si Mike." sabi ni tita na ikinabigla ko ng sobra pati na rin ni Harvey.

Kagabi.

Kagabi nung hindi ako sumama sa kanya umuwi.

"Ang lakas makipagsuntukan tapos may sakit pala sa puso?" Sabi ni Harvey.

Tiningnan ko sya.

WHO ARE YOU? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon