Ada's Side: Tutal, free day ko ngayon, nag-update ako! ^___^ Sana magustuhan nyo~ Base from it's title..YES! Makikilala nyo na kung sino si Anning~ <3
CHAPTER 21-ANNING
"K-Kris! Si Luhan at Baekhyun yan ah?!" Napasigaw naman ako sa sobrang gulat ko. Bukod sa nasa tv sila eh sobrang ganda lang ng boses nila.
"Teka? Bat' Luhan ang tawag mo kay Jerome? Pano mo nalaman ang screen name nya?" Nilingon nya ko at inaantay ang sagot ko. Screen name? That means...
ARTISTA SYA?!
Kaya pala todo disguise sya kanina...
Sikat pala sya?!
OMG!!
Nakausap, nilibre at hinatid ako ng isang artista!
Feeling heaven~ <3
Wag kayong magtaka na di ko sya kilala. Hindi ako nanunuod ng Tvshows. MOVIES ang pinanunuod ko klaro? M-O-V-I-E-S.
"Bat natulala ka na dyan? Sagutin mo yung tanong ko?"
"Ah...K-Kasi nakita ko sya sa commercial kanina? Nilabas dun yung pangalan nya eh."
"Eh kung ganun eh bat parang gulat na gulat ka?"
"H-Ha? Eh hindi naman ako kay Luhan nagulat eh, k-kay Baekhyun! Hindi ko kasi ineexpect na artista din sya. Hehehehehe.."
"Ah ganun ba. Sige."
"Kris, may tanong ako. Bat' magkasama si Baekhyun at Luhan? Diba magkalaban ang groupo nyo?"
"Long story. Nakakatamad magkwento."
"Tssss. Tse bahala ka dyan!" Nag-pout ako at pumanik na sa kwarto ko. Waaaa. Nakakapagod na araw. Gusto ko nang magpahinga~ Tumalon ako sa kama ko. Hindi na ko nagkumot o nagpalit. Minsan lang ako matulog nang hindi naglilinis ng katawan kaya pabayaan nyo na ko. XD
Matutulog na ko in...
3
2
1
zzzZZZZZZZZzzzzzZZZZZZZ...
*Chick!* (Sound Effects/SFX ng pagbukas ng pinto XD)
Shems! Nakalimutan kong i-lock yung pinto! Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga. Nagpapanggap lang ako na tulog. Magnanakaw ba to? Ayaw kong magpahalatang gising pa ko! Mahirap na! Baka mamaya murderin ako neto! >.<
Naramdaman kong nasa gilid na ng kama ko yung presensya ng taong pumasok sa kwarto ko. Naramdaman ko ding tinakpan nya ng kumot yung katawan ko. Tapos nun eh hinalikan yung noo ko at sinabing...
"GoodNight.."
Matapos nyang gawin yun, lumabas na sya ng kwarto ko.
Dumilat ako at hinawakan yung noo ko na hinalikan nya. Napatayo ako sa kama ko at nagsimulang magtatalon.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!!!"-Sigaw ko sa ISIP ko. Alangan namang sumigaw ako dito diba eh di nalaman nyang gising ako?
Waaaa! Grabe! Kinikilig ako to da bones! Hindi! ERASE-ERASE! Hindi pala sa bones, kinikilig ako tagos sa aking bone marrow!! Bumagsak ako sa kama ko at nagpagulong-gulong ng pabalik balik. OMG! Ang puso ko! Malapit nang mag-malfunction dahil hindi nya na kayang ihandle pa tong nararamdaman ko! Ang saya saya!
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
Teen FictionAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...