Ada's notes: I HAVE SO MANY MANY MANY TYPO ERRORS SA LAST CHAP, SO I REVISED IT. I TRIED TO REVISE IT SA WATTPAD APP PERO NAGLA-LAG SYA EVERYTIME HUHUHU. KAINIS. SORRRRRYYYYY POOOOO.
3 R D P E R S O N ' S P O V
"Ate Rina, anong oras na po?" Tanong ng batang si Annalyn sa manager nyang si Rina. Nagaantay sila sa cue ng photographer. Kanina pa silang 7am nagaantay dahil yun ang sinabing call time ng Photographer, mabilis din syang inayusan at pinaghanda ng manager at makeup artist nya, pero almost 3pm na, di parin sya sinasalang.
"2:45 na. Naiinip ka na ba? Hays. Nakakainis naman to oh. Porket ba baguhan ka palang ganito ka nila tratuhin?!" Angal ni Rina. 9 years old palang si Annalyn, at baguhan palang sya sa model industry, malamang sa malamang ito ang dahilan kung bakit wala gaanong umaasikaso sa kanila.
Napatingin si Annalyn kay Katie, kasing edad nya lang ito pero malayo na ang nararating nito pagdating sa modelling. Kasalukuyan syang kinukuhaan ng pictures ng Photographer, panay naman ang puri ng photographer dito.
7am ang call time, 7am nandito na si Annalyn at naghanda na agad sya, pero si Katie, dumating ng 12nn, hindi pa din ito nakapaghahanda. Dahil dito kaya nadelay ang photoshoot nila. Isa pa rin tong photographer, di manlang naisip na imbis na sya muna yung kuhaan ng pictures para di sayang sa oras, hinantay nya pang dumating si Katie.
3:30 ng matapos ang photoshoot ni Katie. Tinawag naman na ng photographer si Annalyn dahil sya na ang susunod na kukuhaan ng pictures. On her way to the set, nagkasalubong sila ni Katie.
"Hello there newbie." Maarteng sabi nito. "Uhmmmm hello." Mahinahong sagot naman ni Annalyn. Nginitian sya ni Katie at nagsalita ulit. "I heard you are waiting the whole day. Sorry dear, ganun talaga pag BAGUHAN palang, they wait, wait, and wait. While us veterans, we hold the time. Kami ang nagdidikta ng oras dito. Hangga't wala kami, walang photoshoot na magaganap. Well, looks like the photographer is looking for you na. I think you should go." Tapos nito ay nilagpasan na sya ni Katie at dumiretso sa dressing room nya.
Bumuntong hininga si Annalyn. Madami talagang mga impokritang tulad nya sa industriyang ito. Sanay na sya pero nasasaktan pa din sya sa mga pinagsasasabi ng mga ito. Pumunta na sya sa set nag nagsimula na ang photographer sa pagkuha ng picture nya.
"GREAT! NICE ANGLE ANNA! WIDEN YOUR SMILE! GREAT! VERY GREAT!" Panay puri ang photographer sa mga kuha nya kay Annalyn. Maganda syang bata. At madami ring nagsasabi na malayo ang mararating nya sa model industry. Natapos ang photoshoot at umalis na sila ng Manager nya sa studio. Sinabihan sya ng photographer na papadalhan nalang sya nito ng kopya ng magazine pagkapublish nito.
Sumakay sila sa sasakyan, malakas ang ulan sa labas. Habang pauwi ay nakatingin lang si Annalyn sa labas ng bintana, ng may mahahip ang mga mata nya. "Manong Driver! Wait lang po, paki-hinto po yung sasakyan!" Sinunod naman sya ng driver. Tinatanong sya ni Rina kung anong problema pero hindi nya ito sinasagot. Kumuha sya ng payong at dali-daling bumaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
Teen FictionAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...