Chapter 24- Happy Valentines?

667 17 5
                                    

Ada's Side: Hi-Ho~! BELATED-Happy Valentines Day guys~!!! Okay lang kahit maraming single katulad ko, mahahanap din natin ang right man para satin! TIWALA LANG~! XD

Ayun si ACE (SHEEP-PLUSHIE) sa gilid~ <3

Enjoy reading guuuuuys~! <3

CHAPTER 24- HAPPY VALENTINES?

"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHhhhhh....." Umupo ako sa kama tapos kinusot-kusot ko yung mata ko. Inaantok pa ko....Napatingin ako sa alarm clock ko. 5 minutes nalang bago tumunog yung alarm. Tama lang din naman pala gising ko.

Pinatay ko yung alarm ko at nag-ayos na para sa school. Nilagay ko din sa bag ko 'ALAM NYO NA'. Si Sheepy~ Yung regalo ko para kay Kris.~ 

Natapos na kong maghanda para pumasok sa school. Kinakabahan ako. Unang beses ko kaya magtapat! >.<

Bumaba na ko at as usual, nakita ko na naka hain na yung breakfast namin. Nauna na kong umupo dahil wala pa dun si Kris. Ninerbyos ako ng makita ko si Kris na papalapit na sa pwesto nya hanggang sa umupo na din sya.

Hindi ako makatingin sa mga mata nya! Kinakabahan ako lalo. TT-TT

"Hey. Any problem? Bat' tulala ka?" Nakatingin sya sakin tapos sumubo sya ng hotdog. Tinatanong mo kung bakit ako tulala? Kasi kinakabahan lang naman ako sa planong pagtatapat ko sayo mamaya! 

"Ah ano, wala lang. Inaantok pa kasi ako ng konti eh. Hehe." Nginitian ko lang sya ng konti tapos bumalik na ko sa pagkain.

"Pwede bang pasabi kay Kris na magkita kami sa Thursday? May mahalaga lang akong sasabihn"

*ILING-ILING* Bat' ko ba naalala yun?! Nakokonsensya ba ko? Pero.. ginawa ko lang naman yung sa tingin kong makakabuti para sa sarili ko. Hindi dapat ako maapektuhan, In the first place kung hindi nya kinalimutan si Kris eh di sana wala silang problema ngayon.  Eh di sana wala ako sa eksena.

F A S T F O R W A R D ~

Waaaaaaaaaaaaah! Kinakabahan na ko to the max! Nanlalamig na yung kamay ko. Kaya ko to! Kaya mo yan Monique! Hwaiting!!

Aayain ko sya sa liblib na lugar dito sa school. Ayaw ko sa maraming tao nakakahiya. XD

"A-Ah..Kris..Pwede bang--" Hindi nya pinatapos yung sasabihin ko pero hinatak nya ko papasok sa kotse nya. Hey, whuts happening?! "Uy Kris! San mo ko dadalhin."

The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon