[Dedicated to Ms. Alesana Marie kase idol ko sya. WALA NANG KOKONTRA! XD]
"Haaaiisst! Nakakapagod. Bakit ba kasi sobrang init ngayong araw?!" Hay nako. Halos mag-iisang buwan na kong ganto. Ang hirap palang maghanap ng isang tao!
"Monique Anne Javier! Sino sa inyo si Monique Anne Javier!" Ang ingay naman nun, naguguluhan yung isip ko! Nag-iisip ako tapos ang ingay nya?! Teka, Monique Anne Javier? Ako yun ah! Bat nya ko hinahanap? Hinanap ko yung matandang babae na humahanap saken. Ayun! Nakita ko sya.
"Ah, excuse me po? Ako po si Monique. Bakit nyo po ako hinahanap?"
"We? ikaw talaga yon? Sige nga, san ka nag-aaral?" Ha? Ano bang trip neto ni Manang?
"Sa St. Joseph High School po."
"Ah! Ikaw nga to iha. Nahulog mo tong wallet mo. Nandito din kasi school I.D. mo kaya sinigurado ko munang ikaw talaga si Monique. Ingat-ingatan mo yang wallet mo iha, konti nalang ang mga taong makaka-isip na ibalik yan sayo." Kinuha ko yung wallet ko at niyakap ko si Manang.
"Salamat ho! Di nyo po alam kung gaano kahalaga sakin tong pera!" Pag tapos nun eh nag-paalam na ko at nagpatuloy sa paghahanap. Pupunta ako ngayon sa may Chuva-chuchu st. Isa sa mga address ng 57 na Krisanto Fuentes dito sa Pilipinas. Gusto nyong malaman kung bakit ko hinahanap si Krisanto Fuentes?
~FLASHBACK~
*Tok-Tok-Tok*
"Tao po! May sulat po para sa inyo!"
"Sandali lang ho!" Sulat? Siguro galing to kay Papa! Buti naman at nagpadala na sya ng sulat saken. Binuksan ko yung pinto at kinuha yung sulat. Tama ako, kay Papa nga galing. Binuksan ko na yung sulat para basahin. Bukod sa sulat ay may laman din ang sobre na malaking halaga ng pera at ATM card, may kasama ding papel kung saan naka-sulat yung pin-code.
Pinakamamahal kong anak,
Anak, patawarin mo ko dahil sa mga oras na binabasa mo tong sulat na to, wala na ako sa mundo. May malala akong sakit at alam kong nalalapit na ang oras na magsasama kami ng Mama mo sa kabilang buhay. Ngayong wala na ko, ang paraan nalang para magkaroon ka ng magandang kinabukasan ay kung mahahanap mo si Krisanto Fuentes. Malaki ang maitutulong nya sayo. Mapagkakatiwalaan sya at isa rin syang mabuting tao. Nasa sobreng ito ang kakaunting pera at ATM card kung saan ko inipon ang perang nakalaan para sayo. Gamitin mo yan para mahanap si Krisanto. Mahal na mahal kita anak, sana'y patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko.
Nagmamahal,
Papa Juliano.
Pagkabasa ko ng sulat, umagos ang luha sa dalawang mata ko. Ang sakit, ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Alam ko, sanay naman akong mag-isa dito sa bahay dahil si Papa ay may trabaho kung saan kailangan nyang humiwalay sakin. Pero kahit papano, hanggat' kaya nya eh ginagawa nya ang lahat para lang mabisita nya ko dito. Iisipin ko palang na hindi nya na ko mabibisita, ang sakit-sakit na. Yung iisipin ko na mag-isa nalang ako sa buhay, na wala na akong karamay, na wala na kong magulang.
~END OF FLASHBACK~
Kaya ngayon, nandito ako at hinahanap yung Krisanto Fuentes na yun. Kaano-ano ba sya ni Papa? Ka-trabaho? Kaibigan? Malayong kamag-anak? Ano bang itsura nun?! Matanda na siguro yun. Syempre, matutulungan nya ko kaya malamang negosyante yun. Nandito na ko sa Chuva-chuchu St. hinahanap ko ang 25-G Chuva-chuchu St. Blahblah Rd, Echos City. Aba, subdivision pala to! Sana ito na talaga yung Krisanto Fuentes na hinahanap ko.
*Doorbell: Ding-Dong-Ding-Dong* Matapos kong mag-doorbell, binuksang nung maid nila yung gate.
"Ano pong kailangan nila?"
"Nandito po ba si Krisanto Fuentes?"
"Ay opo ma'am. Baket po?"
"Pakisabi nalang po na kailangan ko po syang maka-usap. Importanteng importante po."
"Sige po ma'am, pasok ho kayo." Hinatid ako ng maid sa sala. Ang ganda dito! Ang laki ng bahay! Nagantay ako tapos after a few moments, umupo sa katapat kong sofa yung isang lalakeng gangster ang dating. Pano ba naman. Parang medyo blonde na brown na orange yung buhok nya. Tinignan ko sya sa mukha at infairness ang gwapo nya! As in. Tinitigan ko lang sya sa mukha at ganun din ang ginawa nya. Hay nako. Ano to? Titigan challenge?
"Ah, excuse me. Nasan na po si Krisanto Fuentes?"
"Baket? ano bang kailangan mo sa kanya?" Tsk. Bat ba ang epal netong poging nilalang na to? Si Krisanto Fuentes ang hinahanap ko, no!
"Ah, kasi pinapahanap sya saken ng Papa ko."
"At sino naman yang Papa mo?" Ang epal naman neto masyado!
"Si Juliano Javier." Matapos kong sabihin yun eh namilog yung magaganda nyang mga mata. Tinitigan nya ko ng ilang sandali. "Oh? Baket ganyan yang reaction mo? Nasan na si Mr. Krisanto Fuentes?"
"Monique?! Ikaw ba yan?!" Sigaw nya tas bigla syang napatayo. Wow! Kilala ako nung gwapong nilalang.
"Ah. Oo. Baket?" Ano ba yaaaaan?! Si Krisanto Fuentes! Nasan na?! "Teka, ikaw. Sino ka ba?"
''Ako si Krisanto Fuentes, yung hinahanap mo."
"ANOOOOO?!" What?! Sya? Yang gwapong nilalang? Sya si Krisanto Fuentes? Pano ko tutulungan neto? Sabi ni Papa mapagkakatiwalaan si Krisanto pero tong taong to hindi mukhang mapagkakatiwalaan! "Baket ka pinahanap ng Papa ko?"
"Di mo ba alam? Engaged tayo."
Engaged?! Anong engaged?! Anong nangyayare?! Anong kalokohan to! Alam kong gwapo sya pero di ko sya kilala! Ayaw kong makasal sa taong di ko kilala! Gusto ko may sweet na love story! Hindi to pwedeeee!
******************************************************
Eto na ang tumatangingting na first chappy! Sana magustuhan nyo~! n_____nv
Please Vote, Comment and Become a Fan~! <3
YOU. YES, YOU! YOU'RE THE BEST!~ <3 :*
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...