Chapter 28- Unheard Thoughts

693 22 11
                                    

Ada's Notes: AT SA WAKAS MABIBIGYAN KO NA DIN NG POV ANG PINAKAMAMAHAL NATING SI KRIS <3 

CHAPTER 28- UNHEARD THOUGHTS

K R I S '   P O V ~

Ano bang nangyari?

Bat' hindi nya ko maalala?

Dinala ko sya sa kwarto kung saan ko inaalagaan, binabalikan ang lahat.

Nandito lahat ng alaalang iniwan nya saken nung bata pa kami.

Lahat ng ginawa naming drawings na magkasama.

Lahat ng pictures at videos na kinuhaan ni Tito Juliano.

Ito yung tanging nagpapasaya sakin nung wala sya.

Napatigil sya sa pagtingin ng mga drawings nya nung mahagip ng mata nya yung paborito kong drawing nya.

Yung drawing nya na ikakasal daw kami.

Napatingin sya saken. Yung mata nya punong puno ng katanungan.

"Ikaw nag-drawing nyan. Ikaw din nagdrawing ng lahat ng nandito. Kung gusto mo pa ng proweba na ikaw nga si Anning, tignan mo yung photobook atsaka panoorin mo yung tapes. Meron namang tape player dyan."

Agad nya namang binuklat yung photobook at nakita nya yung picture namin noon. Nung naglaro kami ng kasal-kasalan. O-Oy! Sya yung nagyaya na maglaro kami hindi ako ah!  (>//////>)

Bigla nya kong niyakap. Yung yakap na matagal kong hinahanap, kinasasabikan. 

I always wanted to caress her like this. But I am afraid to lose her as much as I wanted to have her, again.

Ibang klaseng ligaya yung naramdaman ko ng makita ko sya ulet dito sa bahay ko. Nung una hindi ko sure kung sya nga 'yon. Matagal na din kasi talaga kaming hindi nagkita.

Pero nung sinabi nya yung pangalan ni Tito, nabuhayan ako.

Alam ko.

Sya na yun.

Yung babaeng minahal ko bata pa lang ako.

Pero...

Parang wala lang ako sa kanya...

Anong nangyari?

Hindi na sya yung Monay na nakilala ko.

Hindi na sya yung Anning na palaging nakangiti at palaging gusto na magkasama kami.

Parang...

Hindi nya ko kilala?

Pero imposible yun!

Pano nya ko magagawang kalimutan?

Ganun na lang ba kadali sa kanya ang lahat?

Samantalang ako, naiwang umaasa?

"K-Kris.. I'm sorry! Sorry sa lahat! Sorry sa mga panahong umiiyak ka, at lalong lalo na dahil kinalimutan kita.."

Niyakap ko sya pabalik. Eto na yung matagal ko nang iniintay.

____________________________________________________

"So tell me, bakit mo ko kinalimutan?"  I asked her seriously. Matagal ko na talagang gustong itanong 'to eh. 

"H-Hindi din malinaw sakin yung dahilan eh. Pero.. yung natatandaan ko lang, nagising ako nun sa isang ospital. Lahat ng bagay bago ko magising dun, hindi ko matandaan." Humawak sya sa ulo nya.

Hospital?

Na-aksidente sya?!

Napatayo ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Bakit hindi sinabi sakin ni Tito Juliano?!

Pano kung may masamang nangyari sa kanya?!

Hindi ko manlang sya nadalaw, napuntahan o naalagaaan sa mga panahong kailangan nya ko.

Napakawalang kwenta ko.

"Kris, wag mo nang isipin yun! Ang mahalaga yung ngayon. Oh diba? Tayo talaga ang para sa isa't isa. Pinaghiwalay man tayo noon, pinagsama din naman ulit tayo ngayon." Tumayo sya at lumapit sakin. hinawakan nya ko sa pisngi ko at tinitigan nya ko sa mga mata ko.

Kahit kailan napakaganda ng mga mata nya.

Sa kanya lang ako nabaliw ng ganito.

Sya lang ang babaeng minahal ko.

Hinantay ko sya...

At ngayon, magkasama na ulit kami.

"Pwede mo ba kong kwentuhan?"

"Ng alin?"

"Yung mga bagay-bagay nung bata pa tayo."

Napangiti ako. 

Bat' naman hindi?

Yun nga yung mga alaalang gustong gutso kong balikan.

~XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX~

SORRY FOR THE SHORT AND LAME UPDATE! SABAW EH! :((((

Pero I did my best here! Sana magustuhan nyo pa din~

Please do VOTE kung DESERVE, leave a COMMENT for your FEEDBACKS and please BECOME A FAN~! <3

Love lots,

ADA~! <3 <3 <3 :* :* :*

The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon