Ada's Notes: SORRY PO LATE UPDATE. :) ENJOY. :D
CHAPTER 31- FORGOTTEN MEMORIES PT. 3
A U T H O R ' S / 3 R D P E R S O N S P O V ~
"I DO! Ikaw naman Krisus, tinatanggap mo ba ko bilang asawa mo?" Tanong ni Monay na may malapad na ngiti sa labi at namumulang pisngi. "Uy! Ano na?"
"Bat' ba kasi ito pa? Pwede namang habulan nalang ulit yung laro natin ha?"
"Eeeeeeeeeh. Palagi nalang yun yung nilalaro natin eh! Eto nalang!"
"Eh ambaduy naman neto e! Pambakla!"
"Bakit ba Krisus? Ayaw mo bang makasal saken?"
". . . . . . . . . . "
"A-ano? Ayaw mo ba?"
"I do...."
"Ha?"
"Bingi ka ba?! Ang sabi ko I DO!" After marealize ni Anning na gustong ipag-patuloy ni Kris yung kasal-kasalan nila, niyakap nya si Kris at masaya nilang pinagpatuloy yung laro nila. Di nila alam, vinivideohan sila ni Juliano at tuwang tuwa ito sa napapanuod nya. Natutuwa sya na may bagong kaibigan si Monay, masaya sya dahil sumasaya na si Kris at masaya sya dahil alam nya na nakahanap sila ng pagmamahal sa isa't isa.
"Oi Anning."
"Yesh-Yesh? Bakit?"
"Meron akong 20 na daliri, 2 kamay at 2 paa. Bale, 24 lahat yun. Ikaw ba ganun din?"
Napatingin si Monay sa mga kamay at paa nya. nagbilang sya at tumango nung nabilang nya na lahat. "Oo ganun din. Bakit ano meron?"
"Eh di 48 yung lahat?"
"Oo. Teka? Anong meron sa 48?"
"Gusto ko ganun ka dami yung anak naten."
"H-HA?!"
"Oo. Bakit ano problema?"
"Andami nun ah! Kaya ba nating buhayin yun?"
"Oo naman! Mayaman ako no. Kaya kayang kaya ko yan!"
"Pero teka, pano nga ba gumawa ng baby? Andami nating gagawing anak di ba dapat magsimula na tayo ngayon?"
"Ahhh.. di din ako marunong e. Wag ka mag-alala, mag-aaral ako para makagawa tayo ng madami."
"Talaga? Sige! Turuan mo ko pag marunong ka na!" Habang nag-uusap sila ng nakakakilabot na bagay e umepal yung si Juliano at tinawag saglit si Monay.
"Monay! Halika muna dito saglit, tumawag si Mama mo e, gusto ka maka-usap."
"Si Mama?! Wait lang po Papa! Saglit lang Krisus ha? Kausapin ko lang si Mama~"
"Sige." Tumakbo si Monay papunta sa Papa nya at masayang kinausap ang Mama nya na kasalukuyang nasa Ospital. Kaya sya kasama ngayon ni Juliano sa bahay ng mga Fuentes ay dahil nasa ospital ang nanay nya dahil sa cancer. Hindi naman maiwan ni Juliano ang trabaho nya dahil dito sya kumukuha ng pampagamot sa asawa nya. At mas lalong di nya pwedeng iwan si Monay sa bahay nila dahil wala ang ina nya na magbabantay dito.
Matapos ang ilang sandali ng pakikipag-usap sa Mama nya, nagpaalam na sila sa isa't isa. Ibinalik ni Monay sa papa nya yung Celphone at dire-diretsong bumalik sa puno kung san sila nag-uusap ni Kris.
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...