Chapter 8- My Prince Charming!

1K 28 24
                                    

 [Dedicated para kay HaveYouSeenThisGirl kasi idol ko din sya. Madamiakong Idols wala akyong magagawa. XD]

"I like him..I don't  like him..I like him...I don't like him...I li-- Hinde!" Tinapon ko yung stem ng flower at kumuha ako ng bago. Teka..

Bat ba ko kukuha ulit?!

DUH!!

Sure na sure naman akong hindi ko sya gusto. Friend ko lang sya kaya ganun ako maka-react, FRIEND LANG!

HAHAHAHAHA! Kabaliwan lang tong pinaggagagawa ko. Bukod dun pumapatay pa ko ng halaman, grabe Monique, ang sama mo! 

Nagtataka siguro kayo kung nasaan ang beauty ko no?

Nandito ko ngayon sa park. Ayaw ko dun sa bahay ni Kris, hindi ako kumportable. Ewan ko ba baliktad ata utak ko eh.

Nung mga unang araw ko dun sobrang kumportable ko. Feel na feel ko pa nga yung kwarto ko, eh!

Pero ngayon, hindi na ko kumportable. Lalo na pag nandyan yung asungot. At lalo na matapos yung insidenteng yun.

*****FLASHBACK*****

"Hala sir, ma'am! Basang basa ho kayo!"

Oo. Halata naman diba? Ang lakas ng ulan sa labas. Wala kaming payong. Absent si manong driver. Tapos ang taxi hindi pwedeng pumasok sa loob ng subdivision.

"Magpalit ka na"

"A-Ah. O sige." Malamang magpapalit ako! Alangan namang matulog akong basa? Nako Kris pasalamat ka ma--- NVM. :D

Ipinatong ko yung bag ko sa mini table tapos nagpalit na ko. Kukunin ko sana yung cellphone ko kaso ibang cellphone yung nakuha ko.

Bakit nandito sa bag ko 'tong cellphone ni Kris? Haaay nako maibalik na nga lang. :)

*Tok-tok sabay bukas ng pinto*

"Kris yung cell---"

"Ha? Ano yun?"

"Yu-- Yung ano..."

"Ano?"

"Yung ce-cellphone mo.." Tapos ipinakita ko sa kanya yung cellphone nya.

"Ahh. Naiwan ko pala sa bag mo. Baka nalito ako sa mga bag na dala ko kaya sa bag mo ito nailagay." lumapit sya tapos kinuha nya yung cellphone na. "May kailangan ka pa?"

"Wa--- Wala na." Lumakad na ko palayo.

OH MY GOSH.

PANGINOON, PATAWARIN MO KO DAHIL AKO'Y NAGNANA-- ESTE NAGKASALA.

Pumasok ako sa kwarto at humiga ng basta basta, nakatingin lang ako sa kisame. Pero sa totoo lang. Hindi naman yung kisame yung nakikita ko.

SIX PACK ABS WITH AN OH-SO-PERFECT AND SEXY BODY.

Ewwww. Monique ano ba yang pinag-iiisip mo?! 

Pero Shemmay. Anak ng nanay at tatay mong whale. Sobrang sexy nya~! Pagkabukas na pagkabukas ko nung kwarto nya eh yun ang tumambad saken. 

Topless si Kris. Medyo basa yung buhok tapos may naka-sampay na towel  sa leeg nya. Namimili palang siguro sya ng damit? Ewan. Basta. 

GRABE. NAGNANASA AKO! </3 

Hindi ko naman inaasahan na ganun ka-yummy yung katawan nya! Panalo na nga ang mukha pati ba naman ang katawan? Sya na! Sya na lahat!

Napahawak ako sa dibdib ko na sa sobrang bilis ng tibok eh daig ko pa ang nakipag-racing. 

Hindi, hinding hindi ito pwede.

*****BACK TO REALITY*****

Siguro nga. Crush ko sya. Oo tama. Crush lang yan, simpleng pag-hanga. Walang ibang meaning!

Tumingin ako sa langit. Ang ganda naman ng  panahon ngayon. Kinuha ko yung sulat ni Papa. Ito nalang ang kahulihulihang memorabilya sakin ni Papa kaya naman iniingatan ko talaga 'to.

*SWWWWWWWOOOOOOOOOOSSHHHHH~~!*

Sheeeems! Umihip yung hangin tapos tinangay yung sulat ni Papa!

*Habol-habol-habol*

Buti nalang kakuha nung isang lalaki yung papel. Babasahin nya na sana pero syempre pinigilan ko sya.

"Kuya akin yan wag mong basahin!" Napatingin sya sakin.

PARA SYANG ANGHEL NA BUMABA SA LANGIT.

Nagkatinginan lang kami. Parang nakakarinig pa nga ako ng background music sa sobrang ganda ng feeling ko.. [Nasa right, youtube link. Intrumental lang yan para mas dama nyo. XD]

Lumapit sya sakin. Inabot nya sakin yung sulat. 

"Miss sayo to?" Nginitian nya ko tapos iniabot nya saken yung sulat. Syempre inabot ko yun. Parang huminto yung oras..

Umuulan ng dahon galing sa mga puno...

Nagtitinginan lang kami ng mata sa mata...

Yung ngiti nya.. Nakaka-hypnotize...

Unti-unti nyang nilapit yung mukha nya saken...

Malapit nang mag dikit yung mga labi namin...

"MISS? MISS? SAYO BA TO?" Bumalik na sa mundo yung utak ko at tumambad sakin yung naguguluhan nyang mukha.

ANG GWAPOOOOOOOOO. *u*

"Ah! Eh.. Oo, sakin yan." Kinuha ko yung sulat. Grabe di ako makatingin sa kanya. Ano naman kayang itsura ko habang nakatulala ako?! Aalis na sana sya kaso..

"A-Anong pangalan mo?" Nilingon nya ko.

"Samuel. Samuel Fuentes."

FUENTES? Hindi hindi hindi. Hindi naman siguro sila magka-ano ano ni Kris.

"You, what's your name?"

"M-Monique Javier." Medyo parang na-amaze sya. Wow. Ang ganda naman ng pangalan ko para ma-amaze sya.

Lumapit sya saken. Gawd ang tangkad nya. Kinuha nya yung kamay ko at hinalikan yon.

"Nice meeting you, Monique." 

*******************************************************

ANG MAHIWAGANG MENSAHE NI ADA~~~!!! <3

Masaya ang Writer ngayong araw. Sikreto kung bakit. XD n___nv

New Chara~! SeHun as Samuel Fuentes! :D

Panget ba ang chappy na ito? Sana hindi naman. Sorry kung may mali! I tried my best pa den. XD

I am accepting criticisms and I promise I won't get mad. Pero syempre wag naman yung masyadong off gurad and below the belt. O:)

Ayuuun~! Please do Vote, Comment and Become a Fan!!! <3 <3 <3 <3

YOU. YES, YOU! YOU'RE THE BEST~!!! <3 <3 <3 <3 :****

The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon