Ada's Side: Absent ako ngayon kaya I took this chance para makapag-UD! Sipag ko no? Haha! XD
Dedicated muli para kay~ HAPPYSQUID~! <3 Read her story, SLAVED BY THE HANDSOME BOYS. Bidang bida ang Exo sa story na yun! Uber sa kiliig! Haha! XD
CHAPTER 20- THIS FEELING
M O N I Q U E ' S P O V ~
"Huy Bes! Bat' absent fiancee mo?"
"Ha? Ewan ko. Pake ko ba dun?"
"Suuuuuus. Pero tignan mo nga yang mukha mo! Parang pinagsakluban ng langit at lupa! Miss mo na sya no? Yieeee~ Aminin!"
"Nako! Ewan ko sayo Bes!" Pinalo ko sya ng mahina sa balikat. Tsss. Ang kulit! Wala nga akong pake dun eh!
"Nga pala Bes, wala kang naaalala ngayon?"
"Wala. Ano namang maaalala ko?"
"Ah eh, wala naman. Samahan mo nga muna ko sa CR!" So ayun nga. Tumayo ako at nagpunta kami ng CR. Habang nasa loob sya ng cubicle, syempre inaantay ko sya. Naririnig kong pinipindot nya yung cellphone nya. LUPET. Nagtetext sya habang umiihi? XD
"Bes! Nagtetext ka habang umiihi? Lupet mo ah. HAHAHA!"
"Ha?! Uy! Hindi! Wala lang to!!"
"Sus. Bilisan mo na dyan!"
"Haha! Oo na!" After ilang sandali, lumabas na din sya. Pero hindi sya huminto sa pagtext. Ano ba kasing problema?
Nagumpisa na kaming bumalik sa classroom namin. At ang bagal nya maglakad. (-_____-) Ayun, sinabayan ko lang. Tsssss. I can smell something fishy! Nandito na kami sa tapat ng room at sya ang nagprisentang magbukas ng pinto.
"HAPPY BIRTHDAY MONIIIIIIIQUE!!"-Classmates ko.
O_____________O- AKO. Ha? Teka, anong date ba ngayon? January 28? 17 na ko! Akalain mo yun, birthday ko nga! Wag mong isiping tanga ako at wala akong utak dahil nakalimutan ko yung birthday ko. HINDI KO NAMAN KASI SINE-CELEBRATE ang birthday ko so pano ko maaalala? Para ngang wala na kong birthday eh. XD
"Waaaah. Grabe guys. Salamat!" NATATATS naman ako sa mga ka-klase ko. Lalo na kay Vanessa. Alam ko namang sya ang nagpakana ng lahat ng ito. ILOVEYOUSOMUCHBES!
F A S T F O R W A R D ~
"Sumama ka na kasi sakin. Hindi kita aanuhin ano."
"Wala akong tiwala sayo."
"Arte mo. Wala akong ni katiting na pagtingin sayo no kaya pwede ba? Sumama ka nalang."ABA! Kapal ng mukha ng lalaking to! Matapos akong kidnapin nung nakaraan! Hay nako Sam! Hindi na kita Prince Charming! Bahala ka dyan! Sumama nalang ako sa kanya. Mahirap na baka patulugin ulit ako. Atsaka tutal naman nagka-ayos na sila ni Kris hindi nanaman siguro nya ko kikidnapin diba?
Grabe. Pag-naaalala ko yung pagababati nila, naiiyak ulit ako. (TT ^ TT)
Ang sarap siguro magkaroon ng kapatid no? Lalo na pag magkasundo kayo. Haaay. Sana kasi nagkaron nalang ako ng kapatid, eh!
"Hoy. Masyado ka yatang nasarapan dyan? Baba na." Kaasar talaga tong lalaking to ha?! Anlayo dun sa unang Sam na nakilala ko!
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Sinundan ko si Sam at pumasok kami sa isang restaurant.
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
Teen FictionAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...