Chapter 29- Forgotten Memories I

740 20 10
                                    

Ada's Side:Medyo natagalan ang update dahil madami nadin akong ibang story na ginagawa and graduating po aketch kaya madugong pasahan muna ng reqs bago maka-martsa. Mahirap na baka mapag-iwanan! XD Pinagkaabalahan ko din ang paggawa ng Promotional Video neto kaya ayun. XD

So eto na po~ Enjoy reading and sana magustuhan nyo~ <3

PAGPASENSYAHAN NYO NA PO. Hindi pa po ako magaling gumawa ng Author/ 3rd Persons POV. Triny ko palang po. Sana maging maayos. XD

CHAPTER 29- FORGOTTEN MEMORIES I

A U T H O R 'S / 3 R D   P E R S O N 'S    P O V ~

"Tama na po! Aray! Tama na po! Masakit na po!" Patuloy na pag-iyak at pagmamakaawa ng batang Kris sa kanyang malupit na Step-Mom na si Stephanie. Pero parang walang naririnig yung bruhang babae at patuloy pa din ito sa pagpalo ng makapal at mahabang kahoy sa likod ng kawawang bata.

"You shut up! I told you I want black coffee this time pero anong ginawa mo? Talagang naglagay ka ng creamer! At dinamihan mo pa talaga ang asukal eh alam mo namang ayaw ko sa matatamis! You deserve this you stupid, brainless bastard!" Hinampas nya ito ng pagkalakas-lakas dahilan para mabali yung kahoy na gamit nya pampalo. At dahil sa nabali na ito, ibinalibag nya ito sa sahig at sinampal nya ang kawawang si Kris sa mukha. Pumutok ang labi ng kawawang bata. "Next time use your brain you Moron! Oh. I forgot, you don;t have one."

Nagsimulang maglakad palayo ang bruhildang si Stephanie ng lingunin nito muli ang nakasalampak, nanghihina at umiiyak na bata.

"Shut up your stinky mouth about this understand? Kahit naman i-kwento mo 'to sa Papa mo hindi sya maniniwala. Besides, you know the consequences once you spill this up. Papano na kaya ang kapatid mong si Sam?"

Bata pa lang si Kris. Mabilis syang matakot at mauto. Isipin nya palang na mararanasan din ng nakababata nyang kapatid na si Sam ang ginagawa sa kanyang ito ng Mangkukulam na yon eh takot na takot na sya. Gagawin nya lahat. Titiisin nya lahat maprotektahan lang si Sam. Buti nalang at Nasa eskwelahan ito ngayon kaya hindi ito nadamay sa ginagawang kahayupan ni Bruhilda.

"H-Hindi p-po. Wala p-po akong pagsasabihan..." Mahina nyang sagot. Pagkatapos nun eh nakita nyang ngumiti yung walang hiya nyang step-mom at tuluyan na itong umalis. Ilang sandali ding nakahiga lang si Kris, umiiyak. Hanggang sa tingin nya eh dapat na syang umalis dun dahil baka bumalik yung bruha at bugbugin nanaman sya.

Pumunta sya sa puno. Puno na palagi nyang pinupuntahan. Palagi syang pumupunta doon kapag nalulungkot o binubugbog sya ng walang hiyang yun. Dito din kasi sya palaging pinupuntahan ng kaisa-isang maaasahan nyang tao bukod sa nakababata nyang kapatid na si Sam.

Dahil sa pagmamalupit sa kanya, may malaking galit si Kris sa mundo. Tanging si Sam at ang Tito Juliano lang nya ang pinagkakatiwalaan nya. Sila lang ang naging mabait sa kanya sa mundong to. Ang Papa nya eh walang oras para sa kanya at palaging yung Impaktang Stephanie na yun ang pinapahalagahan.

"Tito Juliano... Nasan ka na..." Dala na rin ng labis na pagod at pambubugbog, dinalaw si Kris ng antok at tuluyan nang nakatulog.

_____________________________________________

'Uy! Uy!" Nagising si Kris sa pagkakatulog ng may maramdaman nyang umaalog sa kanya. Bukod dun eh parang may naririnig din syang boses ng daga. Binuksan nya ang mga mata nya at tumambad sa kanya ang isang batang babae na pilit syang ginigising.

"Sino ka?! Pano ka nakapasok at bat mo ba ko iniistorbo?!" Inis sya sa batang 'to dahil hindi nya ito kilala at higit sa lahat inistorbo nito ang tulog nya. Dalawang tao lang ang pwedeng gumabala sa tulog nya at si Sam yun at si Tito Juliano.

The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon