Chapter 30- Forgetten Memories pt. 2

713 23 17
                                    

Ada's Notes: An update for you guys~ Enjoy!!

Nasa multi-media ang SIZZLING HOT na magkapatid na sina KRISANTO at SAMUEL~ Ngayon natatawa talaga ko pag naiisip ko yung real and full name ni Kris. XD

CHAPTER 30-FORGOTTEN MEMORIES PT. 2

A U T H O R / 3 R D   P E R S O N ' S   P O V ~

"Krisuuuuuuuuuuus!" Tumatakbong lumapit si Monay kay Kris na nakaupo sa puno at nakatalikod sa kanya. Nakakailang tawag na sya dito pero ayaw pa din nitong humarap. Nakalapit si Monay kay Kris at pinipilit na iharap ito sa kanya pero ayaw talaga. "H-Hala Krisus.. Galit ka ba sakin? May nagawa ba kong masama? Bat' ayaw mo kong pansinin?"

Nagulat si Monay nang bigla syang yakapin ni Kris at naramdaman nyang nababasa yung balikat nya. Naririnig din nya ang paghikbi ni Kris. Kahit hindi nya pa nakikita ang mukha nito, ramdam nyang umiiyak ito.

"A-Anning... Bakit ganun? Palagi nalang nya kong sinasaktan? W-Wala nang nagmamahal saken..." Patuloy ito sa pagiyak at mas lalong humigpit ang yakap nito ay Monay.

"Krisus, hindi kaya totoo yan! Madami kaming nagmamahal sayo. Pati yung kapatid mo mahal ka! Syempre pati yung Papa mo. Wag ka mag-alala, nandito lang naman kami para sayo e. Promise ko yun! Best Friends for ever nga tayo diba?" Niyakap nya pabalik ang umiiyak na si Kris. "Alam ko na! Para mawala na yang lungkot mo, maglaro nalang ulit tayo! Syempre ikaw taya!" TUmayo si monay at nagsimulang tumakbo palayo kay Kris. Huminto ito at lumingon para makita kung sinundan ba sya nito. Mahirap namang tumakbo ng tumakbo ng walang humahabol sayo diba? XD

"K-Krisus? Uy nasan ka na!" Sigaw nya nang makitang nawala ang kaibigan nya.  Hinanap nya ito pero mas nagulat sya ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likod.

"TAYA."

"E-Eh?" Kumalas sya sa pagkakayakap ni Kris at nag-pout. "Madaya ka anman Krisus e! Wala naman sa rules na magtatago ka! Madayaaaaaa!"

"Haha! Sabihin mo.. uto-uto ka talaga. At magaling ako." Pinitik nya sa noo si Monay at tsaka mabilis na tumakbo palayo. "Wag ka ngang babagbagal dyan! Akala ko ba gutso mong maglaro?! Habulin mo koooo!"

"Madaya ka!! Humanda ka saken!!" Nagsimula syang tumakbo palapit sa kanya at masaya silang naglaro ng habulan. Nakalimutan nanaman muli ni Kris ang problemang kinahaharap nya.

F A S T F O R W A R D ~

"Tignan mo Krisus oh! Ang ganda ng drawing ko no?" Pinakita ni Monay yung drawing nya ng sheep kay Krisus na nagdo-drawing din sa isang papel.

"Anong maganda sa Tupa na yan? Ang pangit nga ng drawing mo eh. Atsaka bakit may Krisus dyan?!" 

"Maganda kaya! Kasi, ikaw tong tupa na to." Nagsalubong yung dalawang kilay ni Kris. Sya magiging tupa? hindi nya maimagine yung sarili nya na maging tupa.

"Anning ka talaga. Ako magiging tupa? Sa sama ng ugali kong 'to?"

"Ano ka ba Krisus? Para kang tupa. Oo nga, sa simula masasabi ng ibang tao na masama ang ugali mo pero kasi.. hindi ka nila kilala. Mabait ka Krisus. Yung pagtitiis mo at yung pagrespeto mo sa Step-Mom mo kahit na inaaway ka nya... diba pagiging mabait yun? binabalot ka lang talaga ng lungkot kaya minsan nagiging masungit ka. Krisus, isipin mo lang na mabuti ka dahil kung ano ang tingin mo sa sarili mo... yun ka." Lumapit si Monay sa pwesto ni Kris at tinignan ang dino-drawing nito.

The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon