Chapter 14- Home Alone
[BABALA: Puno po ng kadramahan ang chappy na to! XD Also, nasa multimedia din yung ITSURA NI MONIQUE nung natanggap nya yung sulat na Deadbols na ang Papa nya~]
It's been two days.
Two days since that incident happened.
Hindi kami nagpapansinan, hindi kami nag-iimikan.
Naging tahimik ang bahay ni Kris simula 'non.
F L A S H B A C K ~
"Ano ba Kris?!" I ended the kiss and I pushed him away. "Anong karapatan mong gawin sakin 'to?!"
"Why making such a big deal out of it? It's okay for you to kiss any other guys out there right?! Sige! Bumalik ka dun sa loob at makipag-lampungan ka dun sa kapatid ko! You didn't even think na ipinakilala kita sa kanila bilang GIRLFRIEND ko?!"
"You don't know an effin thing! Shut up! Alam mo, napipilitan lang naman talaga kong sumama sayo, eh! Kasi kailangan kita para makaraos ako! That's all you are for me. I'm leaving" Tapos nun ay umalis na ko at umuwi sa bahay.
E N D O F F L A S H B A C K ~
Humiga ako sa kama ko at nakipagtitigan sa ceiling. I hate this feeling. Since that day(nung niligtas ni Kris si Monique kay Jerome) tinuturing ko na si Kris bilang kaibigan ko, isang napaka-malapit na kaibigan. I even admitted it to myself na crush ko sya.
But things just went out of hand. Masyado kaming nagalit sa isa't isa ng mga panahong yun. Kahit alam kong kasalanan ko ang lahat, I just can't tolerate him saying those kind of words to me as if I'm the dirtiest shit he ever saw. Pero aaminin ko, masakit sa part ko yun pero mas masakit sa kanya.
Ang feeling ko tuloy ngayon, napakasama kong tao. Pag-naaalala ko yung mga sinabi ko sa kanya, lalong lalo na yung ginagamit ko lang sya, gusto ko na lang na lamunin ng lupa.
Pero, hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong magkagusto kay Sam. Sabihin nyo na, malandi ako at ang kati-kati kong babae pero, ganun talaga. I am sink in those romance movies na napapanood ko nung nasa bahay palang ako.
Maaga akong iniwan ni Mama, kaya naiintindihan ko si Kris. Kung tutuusin mas maswerte ako sa kanya kasi medyo matagal kong nakasama ang Mama ko. She died nung 8 years old palang ako.
I am always alone. Sabihin na nating si Vanessa lang ang kaibigan ko. Oo, sya lang.
And because of that, naging pastime ko ang panonood ng Romance Movies. Nasa bahay lang ako, hindi ako katulad ng ibang kabataan na shopping dito, shopping don. Gimik dito, gimik don. MAHIRAP LANG KAMI at ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para makatulong kay Papa. ROMANCE MOVIES lang talaga ang katangi-tanging luho ko.
I always believe in fairytales. I always believe in happy endings. Pinapangarap kong makatagpo ng lalaki na katulad ng mga leading man na napapanood ko sa mga movies. Gusto ko rin yung makikilala ko sila sa romantic na paraan. Like what I always say, parang yung sa movies.
At nakita ko na yung lalaking yun...
Walang iba kundi si SAM.
Pero ang masakit nito, magkapatid sila ng lalaking itinuturing kong malapit na kaibigan. Oo, mapangasar ako sa kanya pero I still think of him as a special friend. Bukod dun, may kontrata pa kami na kailangan kong sundin.
Dalawa nalang sila ni Vanessa na meron ako...
Wala na si Mama...
Wala na si Papa...
At mukhang si Kris mawawala na din...
Mukhang wala nang silbi tong buhay ko...
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa kusina. Lumapit ako sa ref para kumuha ng tubig pero napatingin ako sa divider at nakakita ako ng wine don.
Diba sabi nila pag-uminom ka daw ng alcoholic drinks makakalimot ka ng problema mo? Bat' hindi natin i-try?
3 R D P E R S O N / A U T H O R ' S P O V
Nakaupo sa swing si Kris at sinapo nya ang ulo nya. Nasa playground sya ngayon sa loob ng subdivision nila. Hindi nya na alam ang gagawin nya. Sino ba naman kasing mag-aakala na ganun ang kahahantungan ng Ball na yun? Kung alam nya lang, eh di sana hindi na sila tumuloy.
"You don't know an effin thing! Shut up! Alam mo, napipilitan lang naman talaga akong sumama sayo, eh! Kasi kailangan kita para makaraos ako! That's all you are for me. I'm leaving."
Naalala ni Kris ang mga sinabi sa kanya ni Monique nung gabing yon. Oo, nasaktan sya. Sino ba namang hindi? Alam nya naman na sa simula palang eh ganun na talaga ang habol sa kanya ni Monique pero inisip nya na maaaring magbago ang lahat. Akala nya okay na ang lahat. Hindi nya naisip na hanggang ngayon ganon' parin ang turing sa kanya ni Monique.
Dalawang araw na silang hindi nagpapansinan at nahihirapan na sya sa mga nangyayare. Papaano na ang hinihiling sa kanya ng Tito Juliano nya? Hinding hindi nya ito maaaring biguin. Nakapag-pasya na sya, makikipag-usap sya kay Monique at aayusin nila ang lahat.
SA KABILANG IBAYO~~~~~
Naparami na ang nainom ni Monique na wine. Hindi pa naman mataas ang alcohol tolerance nya. Sa sobrang kalasingan, lamabas sya ng bahay at nagsimulang maglakad. Wala syang pakialam kung saan man sya dalhin ng mga paa nya. Sa sobrang kalasingan ay lutang na lutang na ang isip nya. Bigla syang lumakad sa harap ng kalsada..
***BEEEEEEEP-BEEEEEEEEEEEEEEP-BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!!***
Imbis na tumakbo at umiwas sa papadating na sasakyan, huminto si Monique sa paglalakad.
Wala na rin naman akong natitirang kasama dito, lahat sila iiwan lang ako. Mas mabuti pa sigurong mamatay nalang ako~ Sabi nya sa isip nya.
Pumikit sya at inantay ang pag-bundol sa kanya ng sasakyan. Pero hindi nangyari yon, may nagsagip sa kanya. Binuksan nya ang mga mata nya para malaman kung sino yun.
"ANO BANG GINAGAWA MO HA?! GUSTO MO NA BANG MAMATAY?!" Galit na galit na sabi ni Kris. Hindi nya alam kung anong pumasok sa isip ng babaeng nasa harap nya ngayon. Hinihintay nya itong pagalit na sumigaw sa kanya. Pero niyakap lang sya nito.
"Iiwan mo din ba ko? Iiwanan nyo na ba kong lahat?" Umiiyak nitong sabi. Hindi alam ni Kris ang gagawin nya. Hindi naman sya marunong humandle ng mga umiiyak na babae. Ilalayo nya sana ito para makita ang mukha nito pero ayaw nyang bumitaw sa pakakayakap.
"HINDE! Dito lang ako! Pag-bumitaw ako dito iiwan mo lang ako!"
"Hindi no. Hinding hindi kita iiwan." Niyakap din nya si Monique at nanatili lang silang ganon ng ilang sandali.
------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG MAHIWAGANG MENSAHE NI ADA~~!!!!! <3 <3 <3 <3 <3 <3
Andrama lang ng chapter na to no? IKR! XD Haha!
O ngayon alan nyo na kung bakit ganun nalang kabaliw at ka-sink in ang bida natin sa RM?
Ano naman kayang mangyayari sa susunod na chapter? Kahit ang author nyo hindi alam ang mangyayare! (LOLJK! XD)
Sana nagustuhan nyo kahit walang kwenta at puchu-puchu 'tong update na to. XD SORRY din kung may mga wrong grammar, spelling at typo!
Please vote kung nagustuhan nyo, Comment nyo na lahat ng nararamdaman nyo kahit na yung gutom nyo at no choice kayong mag-fan saken! WAHAHAHAHA! XD
P.S. NewYear na~! Sana ang NewYear's Resolution ng mga silent readers o ay magiging active reader na sila~ <3 XD
YOU! YES, YOU! YOU'RE THE BEST~!!!! :*****
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
أدب المراهقينAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...