NOTICE~: Sa mga naguguluhan, pinalitan ko po yung title ng Chappy 2 at ginamit yung previuos title nya dito sa chappy 3~! Feeling ko kasi mas bagay sya dito. Pasensya na baliw ang writer nyo. </3
****************************************************************
"WAH! Sino to? Tch. Tama na nga yan!" Sigaw ko habang hawak-hawak yung kamay nung sino mang nagtatakip sa mata ko.
"Nako Bes, masyado ka namang hot! Nilalambing lang kita, eh." Sabi ni Vanessa, tinanggal nya na yung kamay nya sa mata ko tapos nag-pout sya. Ang cute nya talaga!
"Pasensya na, wala lang talaga ako sa mood." WALANG-WALA TALAGA YUNG MOOD KO!!
"Eto nalang, pampa-GV! May transfer student daw! And take note; gwapo daw Bes! As in!" Hay nako, Vanessa, kung kiligin ka parang wala kang boyfriend. At yang news mo, alam ko na yan. Yan nga ang dahilan kung baket ako BV, eh! Yung guy, is no other than that Gangster. Oo, si Krisanto nga.
****************************************************************
"Ang gwapo nya nga!"
"Kaya lang mukha syang nakakatakot."
"Okay lang, atleast gwapo!"
Andami kong naririnig na side-comments dito sa classroom namen. Gwapo daw sya, cool daw ang dating nya at kung ano-ano pa. Nakatingin lang ako sa kanya. Talaga kasing sineseryoso nya yung kasunduan namen, no? Bahala sya dyan, yung sustento lang naman talaga yung habol ko.
"Please go to the empty seat at the back, Mr. Fuentes."
Naglakad na papunta sa seat nya si Kris nang bigla syang huminto, pumunta sya at kinausap yung lalaki sa tabi ko, si Mike.
"Exchange seats with me."
"Bago ka lang dito, wag kang mayabang."
"Yang babaeng katabi mo, she's mine. She's my fiancee. It irritates me to see her seated beside a pathetic looking guy like you." Sabi nya sabay turo sakin. Ayun, lahat ng classmates ko tumingin sakin. Lahat sila gulat. Sino ba namang di magugulat kung yung kanina lang na pinagpapatansyahan nila eh inanaounce na fiancee sya ng isa sa classmate nila? Nag titigan ng masama sina Mike at Kris pero sa huli, si Mike nalang ang umalis.
"First day mo palang gumawa ka na ng gulo. Kailangan ba talagang ipagkalat pa yung bagay na yun?" Bulong ko sa kanya na may halong inis.
"Wala akong pakialam sa kanila. Nandito ko dahil sayo." Sagot nya. Ni hindi nya nga ako tinitignan, eh. Nakakairita talaga tong lalaking to!
********************************************************************
"Baket Bes?! Pano mo nagawang ilihim sakin ang ganong kaimportanteng chismis sa buhay mo?!"
"Ngayon ngayon ko lang din naman nalaman, eh." Nako-nako Vanessa, nagtampo kaagad. XD
"Kung alam mo lang kung gaano ka-swerte?! Gwapo na nga sya, mayaman pa!" Ano daw? Mali ka Vanessa, maling mali.
"Akala mo lang yan! Sino ba namang magiging swerte na ma-engaged sa mukhang basagulero na yon?! Handa syang magpakasal sa kung sino sino! Baka nga malaman ko nalang na bukod saken eh may iba syang Fiancee! Babaero sya! Babaero!" Pagkatapos kong magreklamo eh nakita ko yung mukha ni Vanessa na parang takot na ewan, tas may nginunguso sya sa likod ko. Syempre nilingon ko.
*GASP!*
Si Kris kasama si Brenan. Si Kris nakatingin lang saken. Expressionless. Pagtapos nun eh nag-walk out sya. GUILT RACED UP TO 10000000000000000% Sa babae lang uso mag-walk out noh! Atsaka diba gangster sya? Dapat hindi sya nag-walk out! Dapat lumapit sya saken at dapat sinabihan nya ko ng kung ano-anong masasakit na salita in return! Mas gugustuhin ko pa yon kaysa mag-walk out sya. It's not my fault anyway, sinasabi ko lang yung opinion ko and siguro natamaan sya kaya ayun,. nag-walk out!
Class time na kaya pumunta na kaming room. Guess what? Hindi pumasok si Kris. First day nya cutting kaagad? Ayos din sya ha. Halatang anak mayaman, Kaya siguro nakaka-akyat ng year yon kasi binabayaran nya ng pera nya yung school. Tch. Ano ba naman kasi tong buhay na pinapasok mo saken Papa?!
*************************************************************
Matapos yung incident, hindi na pumasok ng room si Kris. Yung ibang classmates namen nagtatanong kung nasan sya o kaya naman kung baket di sya pumasok. Nagu-guilty na tuloy talaga ko. Feeling ko masyado kong overboard sa mga pinagsasabi ko. Haaay. (-___-')
"Bes! Sabay na tayo uwi? Hatid ka namin ni Bhie sa sakayan."
"Sige lang." Sabi ko tas nagsimula na kaming lumabas ng room. Nung nasa may gate na kami, nay nakita kaming mga basagulerong nanggugulo sa isa naming classmate. 4 silang mga mukhang di gagawa ng mabuti. Nagulat nalang ako ng nilingon ako nung classmate ko at tinuro nya ko, mukha syang takot na takot. Tumingin sakin yung mga lalakeng panget tapos lumapit sila. Eto naman ako, natataranta. Anong gagawin ko?!
"Ikaw ba si Monique Javier? Yung Fiancee ni Krisanto?"
"Ahhhhh... Hi.. Hi---" Bago pa man ako maka-hindi eh hinablot nya yung I.D ko. Tumingin sa dun sa iba nyang kasama tas kinuha nila ko, may tinakip din sila sa bibig at ilong ko. Unti-unti akong nahilo, ang huling narinig ko nalang eh yung boses ni Vanessa at Brenan na inaaway yung mga panget na lalakeng to, nawalan na ko ng malay.
*********************************************************
DAPAT KAHAPON PA ITONG UD NA TO KAYA LANG NAGLOKO INTERNET CONNECTION NG AUTHOR NYO. </3
Buti nalang na-ihabol ko bago matapos ang sembreak~!
Dedicated kay Taemerforever~! <3 <3
SALAMAT ng marami sa bumabasa~ Iloveyou! :*** Please vote, comment and become a fan!
YOU. YES, YOU! YOU'RE THE BEST! :** <3
BINABASA MO ANG
The Stranger Turns Out To Be My Fiancee?! [TSTOTBMF]
Teen FictionAnong gagawin mo kung isang araw ay mauulila ka at malalaman mo nalang na ipinagkasundo ka ng Tatay mo sa di mo kilalang lalaki? At hindi lang sya basta bastang lalaki, isa syang gangster! Sundan ang storya ni Monique habang nadidiskubre nya ang iba...