Gap #1

10.9K 77 15
                                    

Her POV

Kinuha ko na yung diary notebook ng class namin kay Ms. Mercado kasi siya ang last class namin nang tawagin ako ni Dana.


"Sabay tayo umuwi, Mary." Dala dala niya na bag niya nung pumunta siya sa akin.


"Sorry, class duty ako ngayon. Bwiset si Bricks eh, absent. Kaya tingnan mo, ako lang yung gagawa ng diary entry for the whole class. Una ka na lang." Sabay buntong hininga ko. Kaasar si Bricks. Pagdating nun bukas, naku! Wag siya magpapakita sa akin. (~.~)


Natawa siya at sabay tapik sa likod ko. "Alam mo naman yun, 'diba? Talk shit. Kahit sabihin niya na papasok siya, hindi naman pala. Sige, una na ako ah. Good luck," sabay wink pa sa akin ni Dana.


Virtue ngayon is love. Napabuntong hininga ako. Bakit kasi eto pa eh? Bawal ba iba na lang? Kunwari, self-reliance o kaya bravery. Well, si Class Rep. ang nagsabi eh. Wala akong magagawa. In-love eh. (≖‿ ≖)


***


" Thanks, Ms. Montano. Ingat sa pag-uwi," sabay abot ko kay Sir Senoc ng diary notebook. "Kayo din po," at umalis na ako.


Di pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Mary Montano, 15 years of age at nag-aaral sa Renaissance Academy. Naglakad at nag-jeep ako papunta sa office ng Mom ko. Nagtatrabaho ako sa Mom ko, pero yung stapleworks lang. 60 pesos per day, oh 'diba? Ayos pero parang volunteer work lang. Hahahaha.


Nung pagpasok ko sa office ng Mom ko, dating gawi, babatiin officemates niya bilang pagpapakita ng respeto para sa kanila.


"Hello," ngiting bati sa akin ni Tita Ena. (ヘ。ヘ) Officemate ng Mom ko. "Hello po," ngiting bati ko din kay Tita Ena at umupo sa vacant seat na swivel chair.


Nung hinanap ko si Mom, may kausap siyang lalaki. Infairness ah, gwapo tsaka intsik? Ah, not interested. \( ̄∇ ̄)/


Nung nakita ko hindi na sila nag-uusap, pumunta na ako kay Mom para kunin yung cellphone ko. Bawal kasi magdala ng cellphone sa school eh. Pagkapunta ko dun, nandun din si Ate Bes. Another officemate ng Mom ko pero JO (Job Officer) pa lang.


"Oh, nandito ka na naman?" Galit na sabi sakin ni Ate Bes pero yung palabiro. ( ;'Д`) 


"Oo, bakit? May reklamo?" Sagot ko sa kanya ng palabiro at natawa na lang kami ni Mom at dumeretso na ako sa bag niya para kunin phone ko. Dumaan ako ng malaya kay Ate Bes. Kulit kasi niya eh. (*^▽^*)


Umupo na ako ulit sa inupuan ko kanina. Hmm, isa lang On-the-Job Trainee (OJT) nila ngayon. Iba na yung OJT so ibig sabihin tapos na si Kuya Mark. Pumunta sa akin si Mom at binigay yung itatrabaho ko. Wow, dami nito ah. ( ;'Д`) Nga pala, monday ngayon. Sarkastiko na lang akong tumawa at nagbuntong hininga. (─‿‿ ─) Kailangan na magtrabaho at makapag-music na rin para relax.


Pagkalipas ng ilang oras, nag-wonder na ako kung sino yung bagong OJT. Bakit? Kasi kanina pa 'tong mga babaeng 'to pabalik-balik eh. Punta sila ng punta sa CR. Anong charms meron ba itong OJT na 'to? Tumingin ako sa kanya. Hmm, gwapo at yun lang naman alam ko kasi hindi ko pa siya kilala. Oh well, matapos na nga 'to para matapos ko na yung math ko.


***


Yun! Tapos na rin ako sa trabaho ko. Magawa na nga yung math, para macleared na ako. Nilabas ko na yung math textbook at ginawa yung assignment ko. Narinig ko may tawa at parang kinikilig dun sa side ng Mom ko kaya tumingin ako. Ohh, kinikilig yung isang kasama nila Ate Shen sa kanya at nag-bye si Mr. Intsik sa kanila. Nagba-bye na rin siya kay Tita Ena tapos tumingin sa akin at ngumiti? Nginitian ko naman. Sundan ko ba naman ng tingin hanggang paglabas eh. Self naman. Well, gwapo at friendly. Good points yan, Kuya. (^o^)



His POV

When I went inside my car, I thought and wondered about her. She seems like the daughter of Ma'am Lanie. Is she an OJT like me, or a working student? Well, I can see her from my table and thinking how I needed to concentrate after seeing her smiling while listening to music made me smile a bit. She's weird.



Published: April 12, 2015, Sunday

8 Years GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon