Sisimulan ko po muna sa changes. So inedit ko na po yung Gap #39. Ang inedit ko po dun is hindi na po CPAR yung subject na ituturo ni Yumiji, instead English na lang po. Layo po kasi ng Legal Management sa CPAR. Hahahaha. Thank you for reading! *^*
---
Angeli's POV
Napabuntong hininga na lang ako nang nag-dismiss na sa last class namin. Halos kalahati na lang kaming nasa classroom dahil yung iba lumabas na.
"Parang problemadong problemado ka diyan Anj ah." Sabi sa akin ni Athena habang nag-aayos siya ng gamit.
"Mala-late kasi ako ng uwi dahil sa pesteng English na yan." Padabog kong nilagay yung Science notebook ko sa bag ko.
"Naks naman. At least, makakapag-alone time together kayo ni Sr. Kang." Singit naman ni Rielle para mangasar.
"Sige. Ikaw pumalit sa akin." Sarcastic na sagot ko sa kanya.
"That's against the rules, Ms. Montano." Tsk. Nandito na pala siya.
"Sr, willing naman si Rielle eh." Convince ko kay Sr. para si Rielle ang pumalit.
"Alright. It could be her."
"Talaga, Sr?" Napangiti na ako nang may dinagdag pa siya.
"But you will all fail." Sabay ngiti niya pa sa akin. Inis!
Napabuntong hininga na lang ako. "Fine."
Umalis na sila Rielle at naiwan kami ni Sr. Kang. "Shall we start, Sr?"
"No need to be formal when it's just the two of us." He smiled and I just nod.
Tinambak niya sa table ko yung mga ista-staple. Ang dami!
"Sr, will I finish this?" Tanong ko sa kanya dahil sobrang dami talaga. As in.
Nagulat ako dahil kumuha siya ng upuan at umupo sa harap ko. "Of course, I'll help you."
"Bawal po ako tulungan ng iba, pero tutulungan niyo po ako? Hindi po ba hassle yun? Sana pinatulungan niyo na lang po ako sa iba." Sabi ko sa kanya at nagsimula ng mag-staple.
"At least, we have time together right?" And he grinned innocently. Damn that bad-ass smile!
We just worked together quietly, until he started a conversation again. "Are you in a relationship now?"
"Yes, with everyone in the class and of course, with my loved ones." Pilosopo kong sagot. Bakit niya kailangan tanungin yun?
BINABASA MO ANG
8 Years Gap
Teen FictionHow long can you wait for the love you thought impossible? How much effort do they need to be together? --- There are two languages in the story. POV of the main guy character is in English, while POV of the main girl character is in Tagalog. (>/\<)...