TRIGGER WARNING: This chapter contains strong language, ch*ating, and s*icide or s*icidal thoughts, which some readers might find distressing or traumatizing. You can skip this part if this triggers you. Read at your own risks.
--
Rose's POV
Year 2010
"HAY*P KA! MGA HAY*P KAYO!"
Pinagbabato ko nang kung anu-anong mga gamit ang mapulot ko, ang mga taksil na 'to.
Naabutan kong nakikipag-talik ang long time boyfriend ko, na si Dave, sa isang babaeng hindi ko kilala, sa mismong kama pa ng apartment ko.
Ang kakapal ng mga mukha!
"Rose! Aray! Magpapaliwanag ako!" Sigaw niya habang binabato ko sila ng kabit niya at pinipilit na takluban ang mga hubad nilang katawan. "Rose, makinig ka muna sa 'kin!"
Hindi ako nakinig, patuloy lang ako sa pagbato nang kung anu-ano sa kanilang dalawa habang humihiyaw. Nakikisabay naman sa 'kin 'yong kabit niya dahil tumitili ito kada bato ko ng mga gamit sa kanila.
"Ang kakapal ng mga mukha niyo at dito pa talaga sa apartment ko kayo gumawa ng kalokohan! Mga bwiset kayo! Lumayas kayo rito!"
"Rose—"
Nakadampot ako ng gunting malapit sa 'kin saka itinutok sa kanilang dalawa. Nagulat naman sila at mukhang takot na takot.
"R-Rose—"
"Lalayas kayo ngayon din o hindi na kayo makakaalis dito nang buhay?!"
Dali-dali namang pinulot no'ng dalawang hinayupak 'yong mga damit nilang nasa baba saka nagmamadaling lumabas ng apartment ko. Wala akong pakialam kung nakahubad silang lumabas. Mabuti nga 'yon nang malaman ng mga tao na mga walanghiya sila.
Sumilip pa 'ko sa may pintuan.
"'WAG KA NA ULIT MAGPAPAKITA SA 'KING HINAYUPAK KA! TAPOS NA TAYONG DALAWA!" Pahabol ko pa.
Nasa labas na rin ang iba pang kapitbahay ko rito sa building. Nagbubulungan at mukhang inaalam ang nangyayari.
Sinamaan ko sila ng tingin. "O, ano'ng tini-tingin niyo riyan?! Mga chismoso't-chismosa! Tapos na ang palabas!"
Pumasok na 'ko sa loob saka padabog na isinara 'yong pintuan. Halos masira 'yon sa sobrang galit ko.
Nakatayo lang ako ro'n sa may pintuan habang nakatitig sa kalat sa apartment ko.
Napabuga ako ng hangin saka marahang napaupo sa sahig. Noon lang unti-unting tumulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na 'ko maiiyak, pero mali pala 'ko ng akala.
Alam ko na naman e. Matagal na 'kong may hinala, pero ngayon ko lang talaga siya nahuli sa akto.
4 years din kami ng walangya. Ang sabi ng iba, kasal na nga lang daw ang kulang sa 'min, pero hindi ko pa maisip 'yon dahil nga bukod sa hindi niya naman ako tinatanong tungkol do'n, wala rin siyang trabaho.
Isang taon na no'ng matanggal siya sa trabaho dahil sa hindi ko malamang dahilan, at ang g*go, hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho. Tumambay na lang, palibhasa may trabaho ako—I mean, dating may trabaho, at malaki ang kinikita ko. Sa 'kin na umasa ang g*go, nanay ba niya 'ko?!
Ayokong mag-settle sa gano'ng klaseng lalaki. Ayoko nang walang plano. Gusto ko pareho naming iniisip ang future namin, hindi 'yong ako lang ang mukhang concern sa future.
Mabuti na rin sigurong nagloko siya, at least nagkaroon ako ng isang matinding dahilan para hiwalayan siya. Nawala na rin naman 'yong pagmamahal ko para sa kaniya e. Na-fall out of love kami pareho. Nawalan ng spark. Nawalan ng gana. Kaya mabuti na rin siguro 'to.
BINABASA MO ANG
Strangers [A Valentine Special] (EDITING)
RomanceTwo strangers with a 9-year age gap. One who wanted to end her life, and one who wanted to extend his life. Two strangers who find comfort in each other, sharing every burden they carry. Two strangers who find love along the way. Will they let their...