Rose's POV
Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame ng apartment ko. Kanina pa 'kong ganito ang tayo. Kanina ko pa rin pinipilit ang sarili kong matulog, pero kahit na ano'ng gawin ko ay gising na gising pa rin ang diwa ko.
Paano naman ako makakatulog kung paulit-ulit na nag-p-play sa utak ko ang nangyaring halikan kanina?
"Bakit ba 'ko pumayag na mangyari 'yon?!" Frustrated na sambit ko.
Napapikit ako nang mariin at muling naalala na naman ang pangyayari kanina.
"Wait."
"Hmm?"
Hindi na 'ko nakapag-react nang lumapit siya sa 'kin saka pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Nang magtama ang mga mata namin ay mas lalo lang kumalabog ang puso ko.
Mas lalong nagwala ang puso ko sa sunod niyang ginawa. Inilapit niya lalo ang mukha niya sa 'kin.
And then his lips met mine.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Mas lalo ko ring naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay rinig na rinig na niya 'yon sa sobrang lakas.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya pinipigalan o itinutulak man lang. Nabitawan ko rin ang hawak kong slice ng pizza, pero parang wala akong pakialam kahit pa bumagsak 'yon o magkalat sa sahig. Ang tanging pakialam ko lang ngayon ay ang labi niya na nasa labi ko.
Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?!
Marahan siyang lumayo sa 'kin ilang dangkal lang ang layo sa mukha ko.
Seryoso ang mga matang nakatitig siya diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip niya ngayon. Napapalunok din ako sa ginagawa niyang pagtitig sa 'kin.
Alam kong mali 'to e. Mali 'to, masyado pa siyang bata para sa 'kin, pero bakit wala akong ginagawa para pigilan siya?
Nababaliw na yata ako.
“May I?”
Napataas ang dalawa kong kilay nang bigla siyang magsalita at mukhang nagpapaalam sa ‘kin kung pwede ba siyang magpatuloy.
Nakakabaliw rin ang boses niyang 'yon. Napakalumanay, napakakisig, at sobrang husky.
Para namang may sariling isip ang ulo ko dahil marahan akong tumango. Part of me doesn't want this, but it’s strange, ‘cause part of me also wanted this kiss to continue.
I don’t know if I’m just imagining things but… did I just see him smile? I saw a hint of smile on his face, pero nawala ‘yon agad bago ko pa man mapuna.
This time, hinawakan niya ang isa kong pisngi with a very gentle touch. It’s like he’s scared that he’ll hurt me with his touch.
Unti-unting inilapit niyang muli ang mukha niya sa ‘kin. Magkasabay pa naming naipikit ang mga mata namin hanggang sa maramdaman kong muli ang labi niya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Strangers [A Valentine Special] (EDITING)
RomanceTwo strangers with a 9-year age gap. One who wanted to end her life, and one who wanted to extend his life. Two strangers who find comfort in each other, sharing every burden they carry. Two strangers who find love along the way. Will they let their...